Kabanata 166
“Bes! Klaire!” sigaw ni Charlie nang maabutan sila. “Oh my gosh, hinanap kita kung saan–saan. Bigla kang nawala. Buti na lang may nakakita sa’yo. Akala ko-“Saglit siyang tumingin kay Monique, iniisip na baka may masamang gawin ang ex–girlfriend ni Rage kay Klaire.
“Iyan ang villa na binili ni Rage, Cha. Maganda, ‘di ba?” taas–noong wika ni Klaire, proud na proud sa asawa.
“Wow!” Agad na tumakbo si Charlie patungo sa bakurang puno ng mga bulaklak. “Grabe talaga si Rage! Lagi na lang may paandar para mapasaya ka, Bes. Naiinggit ako!” sigaw ni Charlie, sinadyang lakasan ang boses para marinig ni Monique.
Sumunod si Klaire kay Charlie habang patuloy na pinag–uusapan si Rage, na siyang nagpapahirap sa tenga at puso ni Monique. Nagsisinungaling ba si Klaire sa kaibigan niya? Hindi maaaring nagawa ni Rage ang lahat ng sinasabi nito.
‘Baka ganito naman talaga ang itsura ng lugar nang huling kita ko,‘ isip ni Monique, pilit na kinakalma ang sarili.
“Hindi naman nagbago ang lugar na ito,” sambit ni Monique, halos bulong, pero sapat para marinig nina Klaire at Charlie.
Tiningnan nang masama ni Charlie kay Monique. Naiinis siya sa makapal na mukha ng babaeng ito na para bang si Kira. Sa isip ni Charlie, matagal nang hindi nakikita ni Amanda si Monique kaya siguro hindi nito alam kung gaano na ito nakakainis ngayon.
“That’s not true,” wika ng pamilyar na boses ng lalaki sa likod nila, kaya agad silang lumingon. “Ako mismo ang pumunta rito noong puro damo pa ang paligid. At ako rin ang nag–utos na itanim ang mga bulaklak na ‘yan ayon sa gustong mangyari ni Sir Rage na surpresahin si Ma’am Klaire.”
Hindi talaga gusto ni Chris si Monique. Noong bagong pa lamang siyang nagtatrabaho kay Rage, nakita niyang nawalan ng sigla ang boss niya sa trabaho dahil sa babaeng ‘to,
Ilang beses pa lang silang nagkita ni Monique noon, at iyon ay noong ga panahon na may relasyon pa ito kay Nikolas. Nagtataka na siya noon sa kilos ni Monique. Siya rin ang nakadiskubre sa pamamangka nito sa dalawang ilog.
“Wow!” napabulalas si Charlie na aliw na aliw kay Chris. Gulat na gulat siya na ang tahimik at seryosong lalaki ay biglang nagsalita ng mahaba. “Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang ma–inlove sa asawa ng bestfriend ko,” pabirong sabi niya.
“Are you making fun of me?!” singhal ni Monique.
“Naku, Tita, sino bang tinutukoy ko? Ano bang kinalaman mo sa asawa ng bestfriend ko? Hindi ko nga alam na mahal mo pa si Rage De Silva,” pang–aasar ni Charlie.
Kumulo ang dugo ni Monique sa mga sinabi ni Charlie. Sigurado siyang ikinuwento ni Klaire sa babae ang tungkol sa kanya. Lalo na at inakusahan siya kanina Klaire na nakatitig siya kay Rage, at binanggit ang past nila sa harap ni Charlie. At talaga bang tinawag siya nitong-
“Ano’ng Tita?!” galit na sigaw ni Monique.
1/2
Kabanata 166
+25 BONUS
Sa dami ng lalaking pumupuri sa kanyang hitsura na mukhang dalaga pa, hindi niya matanggap na tinawag siyang ‘Tita‘ ng babaeng ‘to! Pakiramdam niya’y ka–level pa rin niya si Klaire sa ganda, na mukha dalagita.
“Eh, ano ba ang dapat kong itawag sa ‘yo, Tita?”
“Tama na, Cha, bakit ba pinapalaki pa natin ‘to? Cha, hindi mo dapat binabastos ang college friend ng asawa ko.”
Napangiti si Monique; pilit at may halong pang–iinsulto. College friend pala, ha? Wala talagang alam si Klaire kung gaano siya kamahal ni Rage noon at kung ilang taon silang nagtagal!
“Monique, kukunan muna kita ng jacket. Sumama ka sa akin, Cha.” Hinila ni Klaire si Charlie palayo kay Monique para pigilan itong makipagsagutan pa. Kilalang–kilala pa naman niya ang ugali ni Charlie.
Pagpasok nila sa villa, nag–aalala silang hinahanap nina Rage at ng dalawa pa niyang kaibigan. Humingi ng tulong si Charlie kay Amanda para hanapin si Rage dahil nag–aalala ito para kay Klaire, at agad namang hinagilap ni Amanda si Rage.
“Nasaan na sila?” balisang tanong ni Rage.
May isang guwardiyang sumagot, nanginginig sa takot dahil galit na galit ang mukha ng amo, “Umuwi na po si Ma’am Klaire, Sir. Sumunod din po si Sir Chris sa kanila.”
Malalaking hakbang ang ginawa ni Rage papunta sa villa nila. Sumunod naman si Amanda, takot na baka magalit si Rage at hindi na makapagpigil kay Monique, habang naiwan naman ang asawa niya para bantayan ang mga anak nila sa plaza.
“Rage, huwag kang magpadala sa emosyon! Baka naman nag–uusap lang sila. They were having a friendly conversation earlier, too.”
Napangiwi lamang si Rage. Nagsisisi siya na iniwan si Klaire ng matagal at masyadong nagtiwala na kaya nitong harapin si Monique.
Natatakot siyang baka may gawin si Monique sa asawa niya dahil hindi niya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng manlolokong ‘yon para lang makuha ang gusto nito. Naloko na siya nito noon kahit pa matagal na silang magkakilala.
Pwede ulit mangyari ‘yon ngayon.
“Bumalik ka na, Amanda. Huwag kang mag–alala, hindi ko sasaktan ang kaibigan mo. Andiyan naman si Chris.”
Kabanata 167

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)