Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 167

Kabanata 167

+25 BONUS

Napilitan nang bumalik si Amanda sa asawa’t mga anak dahil gabi na at kailangan na nilang umuwi.

Pagdating ni Rage sa harap ng villa, kakalabas lang ni Klaire mula doon at iaabot na sana ang hawak na bagong jacket kay Monique.

Ito na yung jacket-

Agad hinablot ni Rage ang kulay pink at makapal na jacket bago pa man ito maabot ni Monique.

Bakit mo to inaabot sa iba? I gave you this.

Hihiramin lang naman niya dahil nilalamig siya,paliwanag ni Klaire.

Niyakap ni Monique sa sarili, dahil totoo giniginaw siya sa malamig na hangin ng gabi sa isla. Hindi niya naman inaasahang magtatagal siya doon kaya hindi siya nagdala ng mga gamit.

Wear thisyou’ll get sick if you’re dressed so lightly.Bumalik sa alaala ni Monique ang mga salitang iyon ni Rage noon.

Mainit pa noong panahon na yon, pero nagaalala pa rin si Rage sa kanya. Umasa siyang ganoon pa rin ito hanggang ngayon. Pero ang narinig niyang kasunod ay kabaligtaran ng mga salitang binitawan nito noon.

She knew she was going far, pero ganyan kanipis ang suot niya. Bakit ikaw pa ang nagaalala para sa kanya?

Ni hindi man lang siya tinignan ni Rage.

Parang nanikip ang dibdib ni Monique. Bakit gano’n na lang kalupitt si Rage sa kanya? Alam naman nitong madali siyang magkasakit kapag nalalamigan sa gabi nang matagal.

Biglang hinubad ni Charlie ang suot na coat na hiniram niya kay Klaire. Nang makita ang galit ni Rage, natakot na siyang gamitin pa ang mga gamit ni Klaire na galing dito.

Eto, Bes

Bakit mo hinubad?Isinuot muli ni Klaire ang itim na coat kay Charlie. Hindi mo rin ba ako papayagang magpahiram ng gamit kay Charlie?inis niyang tanong kay Rage

Napabuntonghininga si Rage at hinaplos ang ulo ni Klaire. Bakit hindi? She’s your bestfriend. Pwede mo pa nga siyang bigyan ng alahas mula sa kompanya.

Nakatitig lang si Monique sa kanyang exboyfriend. Wala na ba talaga siyang pagasang ibalik ang lahat? O umaarte lang si Rage para pagselosan siya?

Chris, ihatid mo na si Charlie pauwi.Pagkatapos ay lumapit si Rage kay Charlie. Next time, you visit us in my wife’s childhood house.Naalala pa rin niya ang kagustuhan ni Klaire na isama si Charlie doon.

Childhood house? Ibig mong sabihinNapahawak sa bibig si Charlie.

Hindi ba’t kay Tito Theodore yon? Binili mo rin ba yon para kay Klaire?

Ngumiti lang si Klaire bilang tugon.

1/2

Kabanata 167

+25 BONUS

Habang naguusap ang tatlo, naramdaman ni Monique na hindi na siya welcome doon. Pinanghinaan siya ng loob, pero hindi pa rin siya titigil hangga’t hindi niya naririnig mismo kay Rage na hindi na siya mahal nitonang walang impluwensiya ni Klaire.

Tumalikod si Monique at umalis, umaasang susundan siya ni Rage. Hindi na niya kayang panoorin pa ang lambingan ng dalawa. Hindi niya namalayang may luhang namumuo sa kanyang mga mata.

Samantala, agad namang inihatid ni Chris si Charlie sa helipad pauwi.

Pumasok na sina Rage at Klaire sa loob ng villa. Ikinuwento ni Klaire ang lahat ng sinabi ni Monique sa kanya. Bigla namang natahimik si Rage, tila may naiisip.

Anong problema?malumanay na tanong ni Klaire.

Napabuntonghininga si Rage, may bakas ng pagaalangan sa mga mata.

Bilang isang lalaki, nakakaramdam siya ng hiya sa pagiging marahas kay Monique. Naging bahagi rin naman ito ng buhay niya. At higit sa lahat, kailangan niyang ipaintindi dito ang isang bagay para hindi na ito manggulo pa sa kanila.

Do you mind if I talk to Monique one more time?

Napataas ang kilay ni Klaire. Kapapangako pa lang niya sa sarili na hindi na siya maaapektuhan sa sinumang babae na lalapit kay Rage. Pero bakit gusto pa ng asawa niya na kausapin ang ex nito?

Bakit?tanong ni Klaire, halatang hindi natuwa.

Hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko sinadya niyang pumunta dito dahil iniisip niyang may nararamdaman pa ako para sa kanya. Ayokong magpakita pa siya ulit sa atin.

Nang makita ni Rage ang paglalim ng ekspresyon ni Klaire, hindi niya napigilang magkwento nang kaunti tungkol sa nangyari noon. Nagulat si Klaire nang malamang si Monique pala ang unang umamin ng damdamin kay Rage. At nadismaya rin siya nang marinig na sa islang yon din tinayo ang villa nila kung saan marami itong naging alaala kasama si Monique.

Siguro dinala mo lang ako sa festival para balikan ang mga alaala niyo, no?” Hindi niya mapigilan ang patuloy na pagsibol ng pagdududa.

Really, I had no other intentions when I invited you to the festival or prepared a surprise for you.Marahang hinaplos ni Rage ang pisngi ni Klaire. Ni minsan, hindi ko na naalala yung babaeng yon.

Kahit labag sa loob niya, pinangako ni Klaire na magtitiwala siya kay Rage. Kaya pumayag siyang makipagkita ito kay Monique.

Wag ka lang magtagal. Bigyan mo na ng closure ang naging relasyon niyo. Ayoko nang makarinig pa ng kahit anong kwentong mula sa babaeng yon.

I promise,sagot ni Rage sa mababa at seryosong tinig.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)