Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 168

Pinanood ni Klaire ang untiunting paglalaho ng anino ni Rage. Ngunit agad din siyang sumunod nang tahimik

sa asawa.

Hindi dahil hindi niya ito pinagkakatiwalaan; determinado rin siya na protektahan ang kung anong kanya. Hindinghindi siya manonood na lamang kung sakaling mahulog si Rage sa ibang babae.

Sa parehong oras, si Monique na pasakay na sana ng yate ay napahinto sa pagtawag ni Rage.

Wait a minute! May gusto akong sabihin sa’yo!

Nagulat at natuwa si Monique nang marinig ang boses ni Rage. Nagpalingalinga siya sa paligid, hinahanap si Klaire sa tabi ni Rage, ngunit ang lalaki lang ang nakita niya.

Humahagulgol pa rin siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi luha ng lungkot kundi ng saya at relief. Talagang dumating si Rage para sa kanya! Siguradong mahal pa rin siya ng exboyfriend niya!

Tumakbo si Monique palapit kay Rage at akmang yayakapin ito. Ngunit agad siyang pinigilan ni Rage gamit ang hintuturo nito na tumutulak sa kanyang ulo.

I’ll talk to you. No need to touch me.Inalis ni Rage ang kamay na ginamit niya sa pagpigil kay Monique.

HIndi na napansin pa ni Monique ang kilos ni Rage. Abala pa rin siya sa pagcontral sa sayang bumabalot sa puso niya para hindi ito masyadong mahalata.

Sa kasamaangpalad, hindi nagtugma ang iniisip ni Monique sa iniisip ni Rage at sa sasabihin nito. Kung maayos na tatapusin ni Rage ang lahat, sa tingin niya ay hindi na nito guguluhin pa ang buhay nila ni Klaire.

Hindi tanga si Rage para hindi makita na may nararamdaman pa rin si Monique para sa kanya. Ayaw niyang mabahala pa si Klaire sa presensya ni Monique, lalo na’t palagi itong lumilitaw kahit hindi iniimbitahan.

Okay.Masiglang tumango si Monique, pinupunasan ang mga luha. Ano bang gusto mong pagusapan?tanong niya, puno ng pagasa.

You must think I came here because of our past, right?

Mabilis na tumango si Monique. Nawala ang boses niya sa mahihinang hikbi. Gustonggusto na niyang yakapin si Rage. Ngunit kailangan niyang maghintay hanggang matapos ang pagamin nito ng damdamin.

I don’t usually say things like this to other women

Isang pangungusap lamang yon pero sapat na para mapuno si Monique ng saya at pagasa. Totoo ngawala nang ibang babaeng mamahalin si Rage kundi siya.

Nakikiusap ako, huwag mo nang balikan ang nakaraan natin. Matagal nang natapos ang relasyon natin, mula pa nang lokohin niyo ako ni Nikolas. Wala nang kailangang pagtalunan pa sa nangyari noon dahil wala na yung halaga sa akin.

Parang tinamaan ng kidlat ang puso ni Monique. Ang pagasang pilit na inaakyat ang tugatog ay bumulusok pababa.

Kabanata 168

+25 BONUS

Lalong lumalim ang sugat sa puso niya.

Mali ba ang pagkakarinig niya?

Pumunta ako rito para lang mapasaya ang asawa koang babaeng laman ng puso ko ngayon. Andthe woman I truly fell in love with at first sight.

YYoupaos ang tinig ni Monique. don’t joke like this, Rage. Sabihin mo na lang na pinagkasundo lang kayo ni Klaire at mahal mo pa rin ako. Hindi ko magrereklamo kahit maging kabit mo lang ako. Mahal na mahal kita, Ragepalagiat hindi yon magbabagoever.

Wala ni kaunting reaksyon ang puso ni Rage nang marinig ang pagtatapat ni Monique. Ang turing lamang niya sa babaeng kaharap ay katulad ng sa lahat ng babaeng nagpapapansin sa kanya.

Napaisip si Rage, naramdaman ba talaga niya ang excitement noong nakipagrelasyon siya kay Monique noon? Sa totoo lang, hindi.

Kasinghalaga lang ni Monique si Amanda para sa kanya.

Kaya pala, iba,bulong ni Rage, ngunit narinig pa rin ni Monique.

Ano ang iba?

I just realized, I only loved you as a friend back then. Sana noon ko pa narealize yon para hindi na kita nabigyan ng pagasa.

No! Katunayan, galit ka at nasaktan nang iwan kita, ‘di ba?!umiiyak si Monique, hindi makapaniwala.

Galit ako nang malaman kong niloko mo ako. Dahil nagtiwala ako sa’yo, sa taong matagal kong nakasama. At nasaktan ang pride ko nang makipagrelasyon ka sa pinsan ko habang girlfriend kita noon.

Umiling si Monique, muling naluha. Sinasabi mo lang yan para layuan kita, di ba?

Hindi. Totoongtotoo ang sinasabi ko ngayon. Ibangiba ang nararamdaman ko para kay Klaire kaysa sa’yo. Masyado pa akong bata noon at hindi ko alam ang kaibahan ng pagmamahal sa isang babae at sa isang kaibigan. You know, we’ve been friends for a long time. I’ve always cared about Amanda, too.

Hindihindi totoo yan!Tinakpan ni Monique ang kanyang mga tainga. Bakit mo pa ako tinanggap noon?! Wala bang halaga ang lahat ng alaala natin?!sigaw niya.

Humugot ng malalim na hininga si Rage. Get a grip on reality and move on. Don’t pretend you accidentally ran into me and Klaire again.

Hindi nagsalita ang dalawa sa loob ng ilang minuto. Nasabi na ni Rage ang gusto niyang sabihin, ngunit nanatili siyang mabuti bilang kaibigan ni Monique, hinihintay na tumigil ito sa pagiyak.

Magiging iba ba ang lahat kung wala si River?mahinang tanong ni Monique.

I never promised you a future. Kung hindi ko nakilala si Klaire, baka napilitan akong pakasalan ka. Pero masuwerte akong nakilala ko siya at naexperience ang tunay na pagmamahal.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)