Kabanata 169
+25 BONUS
Kabanata 169
Ramdam ni Monique ang matinding pagsisisi sa mga nagawa niya noon. Kung natutunan lang sana niyang kontrolin ang sarili, hindi sana nawala sa buhay niya si Rage.
“Kung nagpakasal man tayo noon, baka pagtaksilan lang din kita kung nakilala ko si Klaire. Siya lang ang nag- iisang babaeng minahal ko ng totoo,” pagpapatuloy ni Rage.
Dahil wala siyang narinig na tugon mula kay Monique, sinabi ni Rage, “Umuwi ka na. I’ve sent someone to take you. Remember what I said, don’t talk about our past in front of Klaire again. At mas mabuti na rin siguro na huwag na tayong mag–usap pa. Magpanggap na lang tayong hindi magkakilala.”
Tumalikod si Rage para umalis, dala ang magaan na pakiramdam. Sa wakas, naging totoo na siya sa sarili. Ngunit hindi niya magawang sabihin kay Klaire ang laman ng kanyang puso.
Lingid sa kaalaman niya, kanina pa pala nakikinig si Klaire sa pag–uusap nila. Tahimik siyang umiiyak habang naririnig ang lahat ng sinabi ni Rage.
Nagsisinungaling pala si Rage…
Bakit kailangan pa niyang gawin ang lahat para mahalin siya nito, kung sa una pa lang ay mahal na siya nito?
Bakit hindi sinabi ni Rage ang lahat sa kanya?
*KRAK!*
Napakislot si Klaire sa tunog ng papalapit na mga yapak ni Rage. Agad niyang pinunasan ang mga luha at mabilis na naglakad pauwi bago pa siya makita nito.
Makalipas ang limang minuto matapos makauwi si Klaire, dumating si Rage na hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha. Nagtaka si Klaire kung ano ang iniisip nito matapos makipag–usap kay Monique.
“N–Nakabalik ka na?” Napalunok si Klaire, bahagyang hinihingal pa dahil sa pagtakbo.
“Hmmm… it’s over now.” Mahigpit siyang niyakap ni Rage. “Galit ka siguro na bigla ko siyang kinausap.”
“Hindi naman.” Tapat na sagot ni Klaire. Kung hindi niya pinayagang makausap ni Rage si Monique, hindi niya malalaman ang tunay nitong nararamdaman.
Ngunit hindi natuwa si Rage sa sagot ni Klaire. Ibig bang sabihin nito’y sumuko na si Klaire sa pagmamahal sa kanya? Dahil lang ba kay Monique?
“Hindi ka nagseselos?” Marahang itinulak ni Rage si Klaire palayo para makita kung nagsisinungaling ito. Pero, parang wala naman tinatago ang mukha nito.
“Hindi.”
“You must be angry and jealous! Your answers are so short.”
‘Dahil pagod na ako!‘ sigaw ni Klaire sa isip.
Kumunot ang noo ni Rage. “Teka… bakit ka pawis na pawis? Ang lamig ng panahon ngayon.”
1/2
Kabanata 169
+25 BONUS
“A–aah…k–kasi… nasa harap ako ng kalan ng matagal. Ha ha ha. Hindi ko pala kayang magluto.”
“Are you hungry?” tanong ni Rage, may halong pag–aalala. “Gusto mo bang kumain? Hindi ka ba kumain nang
marami kanina?”
Naningkit ang mga mata ni Rage, nagtataka sa pananahimik ni Klaire na para bang malalim ang iniisip. Hanggang sa bigla na lang gumunit ang isang ngiti sa labi ng asawa.
Naalala ni Klaire ang lahat ng sinabi ni Rage tungkol sa kanya.
‘Ibig sabihin, na–love at first sight siya sa akin? Nahihiya lang ba siyang umamin? Ako na kaya ang unang umamin?‘
“Ano bang iniisip mo?”
Hindi narinig ni Klaire ang tanong ni Rage.
‘Hindi! Ayokong maging katulad ni Monique! Si Rage ang dapat maunang umamin“” Lalo pang lumawak ang kanyang ngiti.
“Klaire De Silva! I’m asking you! Anong gusto mong kainin? Ayokong magutom ang anak baby natin sa tiyan mo!”
Napatalon si Klaire sa lakas ng sigaw ni Rage. “Oh… nag–aalala ka siguro kasi mahal mo ako.” Ngumiti siya muli.
Bahagyang itinagilid ni Rage ang ulo. Kakaiba ang ikinikilos ngayon ni Klaire. Karaniwan, sobrang nate–tense ito kapag pinag–uusapan nila si Monique.
Imposible namang magbago si Klaire nang gano’n kabilis.
‘Tapos ngayon, nakangiti pa ito nang mag–isa.
May mali, sa isip ni Rage.
“H–Hindi mo ba ako narinig? Anong nangyari habang wala ako?”
“Wala naman… halika na, maligo na tayo, honey,” ani Klaire, sabay hila sa braso ni Rage; hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. “Gusto ko sabay tayong maligo.”
Sa pagbibigay signal ng asawa, biglang naglaho ang lahat ng tanong sa isip ni Rage. Tinawag pa siya ni Klaire na ” honey“, isang salitang bihira niyang marinig, maliban na lang kapag naglalampungan sila.
“Sige, if you insist.” Agad na naghubad si Rage at sumunod kay Klaire.
‘Kaya ba gustong–gusto niyang makipag–make love sa akin kasi mahal niya talaga ko?‘ Bumungisngis si Klaire sa sarili. ‘Siguro naman, ‘di ba? Hindi naman tatawaging ‘make love‘ ‘yon kung walang pagmamahal…‘
“Honey, gusto kong ikaw ang magsabon sa akin,” hiling ni Klaire, pilyang tumingin kay Rage habang dahan- dahang pumasok sa bathtub.
Honey… Napangiti si Rage nang bahagya sa tawag na iyon.
Agad niyang binuksan ang gripo, at tinitigan ang magandang hubog ng katawan ni Klaire, lalo na ang bahagyang
11
Kabanata 169
+25 BONUS
nakausling tiyan nito. Hindi na makapaghintay, hinawakan ni Rage ang batok ni Klaire at agad hinalikan ang malambot nitong mga labi… ang paborito niyang halikan.
“Gusto mo ba makipag–make love sa akin ngayon?” Hindi karaniwan para kay Klaire na maunang gumawa ng hakbang.
Ngumisi si Rage. “Do you want to do it now?”
“Pwede kahit saan.” Si Klaire naman ngayon ang humalik sa mga labi ng asawa na ginamit nito upang ipahayag ang pagmamahal nito sa kanya. “Pero may gusto muna akong itanong sa’yo.”
Kabanata 170

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)