Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 174

Kabanata 174

SSorrymahinang sambit ni Klaire.

Nakaramdam siya ng matinding guilt dahil halatang galit si Rage sa kanya. Inaamin naman niya na sumobra siya sa panghihimasok sa nakaraan ng asawa, lalo na’t lihim pa siyang nakinig sa usapan nito at ni Monique.

Nabalot siya ng pagdududa sa mga sinabi ni Rage kay Monique tungkol sa kanya. Kung talagang mahal siyani Rage, hindi dapat ito galit na galit ngayon sa kanya.

Wala siyang natanggap na pagamin ng pagmamahal mula kay Rage. Bagkus, hindi na siya pinansin nito.

Habang humuhupa ang ulan at dumidilim na ang gabi, nanatili si Rage sa kama nang tahimik. Alam ni Klaire na hindi pa ito talaga natutulog.

Galit ka pa rin ba at dededmahin mo na lang ako? Sorry nanagsisising bulong ni Klaire. Nagugutom na ako, at hindi pa tayo naghahapunan

Huminga nang malalim si Rage, pagkatapos ay tumayo para kunin ang kanyang phone. Mayamaya lang ay may kumatok sa pinto, ang mga tauhan ni Rage.

Muli itong nahiga sa kama, samantalang binuksan ni Klaire ang pinto at tinanggap ang pagkaing dinala ng tauhan nito. Agad niyang inayos ang mainit pang pagkain sa mesa at tinawag ang asawa.

Kain na tayo.

Kumain ka na lang magisa. Hindi ako gutom,sagot ni Rage, nakasubsob pa rin sa unan.

Patuloy na nilambing ni Klaire si Rage, ngunit nanatili itong tahimik.

Kahit ayaw kumain ng asawa, kailangan pa ring kumain ni Klaire para sa baby sa kanyang sinapupunan. Kumain siya magisa sa hapagkainan nang may malungkot ng mukha.

Bakit naging ganito? Hindi ko naman intensyong makialam sa problema nila. Ayoko lang na matukso si Rage kay Monique noong gabing iyon.

Pinilit ni Klaire na isubo ang pagkain. Pero tila hindi iyon tinatanggap ng kanyang lalamunan. Sa huli, nasuka siya bago pa niya ito malunok.

Marahang narinig ang paghikbi niya habang nakasalampak sa harap ng lababo, bukas pa rin ang gripo.

Kainis ka naman, Klaire!bulong niya sa sarili. Siyempre magagalit ang asawa mo, pinakikialaman mo masyado ang buhay niya. Baka nga sinabi lang niya yon para tumigil si Monique na guluhin siya.

Pinunasan ni Klaire ang luha at naghugas ng mukha. Pagkatapos magpakalma, dahandahan siyang muling kumain. Ayaw niyang mapahamak ang baby sa kanyang sinapupunan, kahit na puno siya ng sama ng loob.

Matapos kumain, sumilip si Klaire sa pintuan ng kwarto. Nandoon pa rin si Rage, nasa parehong posisyon nang iwan niya ito.

Hindi na siya naglakas loob pa na istorbohin ang galit na asawa. Pinili niyang matulog magisa sa ibaba.

1/2

Kabanata 174

+25 BONUS

Nanlalabo ang mga mata niya sa luha. Matindi ang pagsisisi niya sa ginawa niyang nakakahiyang pakikinig sa usapan ng asawa at ng ex nito. Lalo pa niyang pinagsisihan na sinabi niya ito kay Rage.

Kung tinago niya na lang sana, hindi ito malalaman ng asawa, at hindi siya kamumuhian nito. Pero ang higit sa lahat, labis siyang nasasaktan dahil hindi talaga siya mahal ni Rage.

Muling umalingawngaw ang kulog sa langit. Bumuhos ulit ang malakas na ulan.

Namulupot si Klaire sa malamig na kama, walang kumot. Wala rin kasing kurtina ang bintana. Ang dilim sa labas ay lalong nagpanginig sa kanyang katawan at damdamin.

Samantala, sa master bedroom, tila nakatulog na si Rage. Bigla itong napabangon at lumingalinga sa paligid.

Wala si Klaire. Hinilamos ni Rage ang mga palad sa mukha, sabay mura ng paulitulit.

Kumakalam na tiyan ang nagtulak sa kanya para bumaba. Pero sumilip muna siya sa hagdan para tingnan kung nandoon si Klaire.

Nang masiguradong wala si Klaire roon, agad siyang dumiretso sa hapagkainan. Mabilis niyang kinain ang malamig ng mga pagkain.

Pagkatapos makakain, dahandahang naglakad si Rage para hanapin ang asawa. Ni hindi maririnig ang bawat hakbang niya habang sinusuyod ang bawat silid ng villa. Napahinto siya nang makita si Klaire, nakatalikod at nakapulupot sa kama, nanginginig ang katawan.

Alam ni Rage na natatakot si Klaire. Kaya dahandahan siyang pumasok. Nang makalapit siya, napansin niyang gumalaw si Klaire, nagpapanggap na tulog.

Get up. Go to sleep upstairs.”

Hindi pa rin sumagot si Klaire. Kaya naman binuhat siya ni Rage papunta sa kanilang kwarto.

Diretso lang ang tingin ni Rage, ni hindi siya tiningnan, alam niyang gising lang si Klaire. Basta na lang niya itinapon ang kumot sa ibabaw nito.

Nang marinig na isinara ni Rage ang pinto ng kwarto, agad bumangon si Klaire. Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang makalumang pinto sa ibaba, kasunod ng malakas na pagsara nito.

Saan siya pupunta? Bakit niya ako iniwan magisa?

Umiyak si Klaire, tinatakpan ang mukha gamit ang mga palad. Ngunit bigla niyang narinig ang malakas na pagbukas at pagsara ng pintuan sa ibaba. Agad siyang natigilan sa pagiyak at nahiga, tinakpan ang mukha ng

kumot.

Sumabay ang langitngit ng mga yapak ni Rage sa tibok ng puso ni Klaire. Ngunit habang papalapit ito, unti- unting nawala ang ingay ng mga yapak.

Lalong naging tensyonado ang paligid. Biglang pumasok sa isip ni Klaire ang nakakatakot na mga posibilidad. ” Nasaan si Rage? Bakit hindi siya pumasok agad sa kwarto? Baka hindi siya yon!

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)