Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 175

Kabanata 175

Mas mahigpit niyang itinaklob ang kumot sa katawan, pinagpapawisan na siya ng malamig. Nang maramdaman niyang gumalaw ang kama, napigil ang kanyang paghinga. Para bang huminto rin sa pagtibok ang puso niya.

Gusto sana niyang silipin kung si Rage nga iyon. Pero natakot siyang gawin. Hanggang sa marinig niya ang mahina ngunit pamilyar na boses ni Rage na nakayuko malapit sa kanyang mukha.

Masusuffocate ka niyan kung matutulog kang ganyan.

Labis ang ginhawa ni Klaire nang marinig ang tinig ng asawa. Agad niyang inalis ang kumot at niyakap si Rage, na tila nabigla sa ginawa niya.

Have you been crying?

Natakot ako nung umalis kaAkala ko hindi ikaw ang dumating.

Hinaplos ni Rage ang buhok ni Klaire. Ngunit biglang sumagi sa isip niya ang ginawa nitong palihim na pakikinig sa usapan nila ni Monique.

Shit,bulong ni Rage sabay iwas.

Galit ka pa rin ba sa akin?Tumulo muli ang luha ni Klaire. Hindi pa siya lubusang nakakabawi sa takot, heto’t mas lalo pang nadagdagan dahil sa galit ni Rage sa kanya. Hindi na makalma ang damdamin niya.

No,maikling tugon ni Rage. Agad siyang humiga, nakatalikod kay Klaire.

Bakit hindi mo ako pinapansin? Pinaparusahan mo ako,umiiyak na sabi ni Klaire.

Hindi na matiis ni Rage ang marinig ang mga hikbi ni Klaire dahil sa kanya. Gusto na niya itong yakapin, pero pinipigilan niya ang sarili.

Hindi naman niya intensyon na magalit o saktan ito. Ang totoo, labis siyang nahihiya!

Nang malaman niyang alam na ni Klaire ang laman ng usapan nila ni Monique, nablangko na ang isip niya. Nag- iisip siya kung paano iiwasan na pagusapan nila ang mga nasabi niya kay Monique, pero wala siyang maisip na

paraan.

Muli na namang pinaramdam ni Klaire sa kanya kung gaano siya kahina pagdating sa mga emosyon niya. Ano’ng gagawin niya ngayong alam na ni Klaire ang lahat?

Hindi niya maiwasang mapraning, malito at mastress. Paano kung hindi na siya mahalin ni Klaire?

Napatigil si Klaire sa pagiyak nang bumalikwas ng bangon si Rage at puno ng inis na ginulo ang buhok nito.

I’m sorryMasyado akong nakialam sa inyo ni Monique,mahinang sabi ni Klaire, natatakot sa kinikilos ni Rage.

Enough! Don’t keep apologizing! Aren’t you tired of apologizing?!hindi sinasadyang sigaw ni Rage.

Nagulat si Klaire at nanlaki ang mga mata. Ang Rage na ilang araw nang kalmado at malambing sa kanya ay biglang bumalik sa dati nitong marahas at malamig nitong ugali. At dahil yon lahat sa katangahan niya.

1/2

Kabanata 175

+25 BONUS

Hindi ko sinasadyang sigawan ka.Hinilamos ni Rage ang dalawang palad sa mukha. Come hereabot niya

sa braso ni Klaire.

Ngunit nanatiling tahimik si Klaire. Ayaw niyang ipilit ni Rage ang pagpapatawad kung hindi pa ito handa. Baka sobrang dismayado nito at ayaw lang dagdagan pa ang stress lalo na’t buntis siya.

Inaantok na ako,mahina niyang tugon.

Marahas na huminga si Rage.

Tila tama ang hinala ni Klaire, na malalim pa ring galit o tampo si Rage sa kanya.

Kailangan nating magusap, Klaire De Silva,seryosong sabi ni Rage.

Tumango si Klaire pero nanatili sa kinahihigaan. Hinawakan ni Rage ang kanyang kamay at dahandahang lumapit, nanginginig ang dibdib sa kaba.

Shit,muling bulong ni Rage.

Narinig iyon ni Klaire at akala niya ay siya ang minumura. Kaya lalo siyang yumuko at pinisil ang sariling mga palad.

Bakit ka umiiyak?tanong ni Rage. Sigurado siyang hindi lang dahil sa takot ang pagiyak ni Klaire.

Sinabi ko na sa’yo,paos at mahina ang tinig ni Klaire, halos matabunan ng kulog sa labas. Wala ka nang sasabihin pa, di ba?

Tahimik lang si Rage, nalunod sa sariling naiisip. Si Klaire naman ay muling nalugmok, puno ng lungkot at pagkadismaya.

Isang mainit na yakap ang biglang bumalot sa kanya. Ramdam ni Klaire ang dibdib ni Rage na nakadikit sa kanyang likod. Yakap siya nito ng mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.

Nasasakal ako,mahina niyang bulong habang pilit kumakawala.

You shouldn’t have heard that,bulong ni Rage, nanginginig ang tinig.

Naunawaan agad ni Klaire ang tinutukoy niya. Sorry, hindi ko na uulitin. Sa susunod, hahayaan na lang kitang makipagusap sa kahit sinong babae.

Hindi yon ang ibig kong sabihin.Mas hinigpitan pa ni Rage ang yakap, sabay patong ng isa niyang binti sa binti ni Klaire. Idinantay rin niya ang kanyang baba sa ulo nito.

Hindi na ako makagalaw,mahinang reklamo ni Klaire.

Sinadya ni Rage na yakapin nang mahigpit si Klaire upang hindi siya makatingin habang sinasabi niya ang mga

susunod na salita.

I should have told you straight awayMinahal na agad kita simula pa lang noong unang gabi na nagkita tayo. Mula noong ipinangako kong pananagutan ko ang lahat ng ginawa ko sa’yo.

212

Kabanata 176

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)