Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 176

Kabanata 176

Mahal kita, Klaire De Silva,muling sambit ni Rage.

Mas malakas pa ang tibok sa dibdib ni Rage kaysa sa kulog sa labas ng villa. Nanginginig siya sa nerbiyos matapos niyang sabihin iyon.

Hindi niya napigilang balikan sa isipan ang mga alaala niya kasama si Monique. Paano nga ba niya ipinahayag ang pagmamahal sa babae?

Sa kasamaangpalad, wala siyang maalala ni isang pagkakataon na ginawa niya iyon!

Saka lang niya naisip na sa buong relasyon nila ni Monique, hindi niya kailanman nasambit kung ano talaga ang nararamdaman niya. Binibigyan lang niya ito ng atensyon dahil ito ang kaniyang kasintahan. At tuwing sinasabi nitong mahal siya nito, Me too,lang ang sagot niya.

Naiinis siya dahil hindi niya alam kung paano simulan ang isang bagay na bago sa kaniya. Maraming babae na ang nagpahayag ng nararamdaman sa kaniya, pero ni minsan ay hindi siya nagsabi ng ganoon sa kahit kanino.

Kaya siguro palagi niyang hinihintay si Klaire ang maunang umamin, dahil hindi niya alam kung paano ipapahayag ang sarili. Hindi kasama sa bookshelf ni Rage ang komplikadong usapin tungkol sa damdamin ng tao.

Totoo ba talagang sinabi na niya yon?

Bakit walang sagot si Klaire?

Napamura siya sa isipan. Baka hindi natouch si Klaire sa pagamin niya!

Atbakit nga ba niya sinabi iyon habang nasa kama sila? Dapat ay nagrent siya ng magandang lugar, romantiko at magarbo, para mapaiyak sa tuwa si Klaire habang pinapakinggan ang pagamin niya. Pinagsisisihan niya ito ngayon at gusto na niyang bawiin ang lahat ng sinabi.

Hindi alam ni Rage na tila tinamaan ng kidlat si Klaire sa gulat. Akala niya ay nagkukunwari lang si Rage sa harap ni Moniquena galit na galit pa ito sa kaniya.

Pero ngayon, biglang inamin ni Rage ang matagal na niyang inaasam na marinig. Hindi lang kahaponkundi noon pasimula nang piliin niyang ibigay ang puso niya sa asawa.

Parang ang lahat ng bituin sa langit, na ngayo’y natatakpan ng ulap, ay lumipat sa dibdib ni Klaire. Parang may liwanag na kumikislap sa kanyang kalooban. Ramdam niya ang init at matinding kaligayahan sa kanyang balat.

Nananaginip ba siya ngayon?

Hindi mo ba ako sasagutin?tanong ni Rage, halatang nadismaya. Niloloko mo lang ba ako noong sinabi mong ibibigay mo ang puso mo sa akin?

Bakit naman magsisinungaling si Klaire?

Sino bang babae ang hindi mahuhulog sa kagaya ni Rage? Lalo na ngayong palagi nitong pinapakita ang matatamis na ngiti sa kanya, ngiting nakakaubos ng hininga!

You still have feelings for my nephew?alanganing tanong ni Rage, ayaw na sanang banggitin si Miguel upang

Kabanata 176

+25 BONUS

hindi na ito maalala ni Klaire.

Wala na!” mabilis na sagot ni Klaire. Bakit niya biglang naisip si Miguel?!

Damnthis is so embarrassing!

Muling kinabahan si Rage, hindi alam kung ano ba talaga ang iniisip ni Klaire. Wala na ba talaga siyang nararamdaman kay Miguel? O baka may katotohanan ang hinala ni Rage?

Gusto sana niyang magtanong pa, pero ayaw niyang magmukhang atat. Kailangan niyang magpanggap na parang bedtime stories lang ang kanyang pagamin. Dahil gusto niyang ulitin ito nang mas maayos.

Iikaw bakinakahiya mo na mahalin ako?tanong ni Klaire, inakalang iniinsulto siya ni Rage.

Umiling si Rage, kahit hindi iyon ang nararamdaman ni Klaire.

AArgh! Nakakainistama na nga! Matulog na tayo!

Hindi! Gusto kogusto kong marinig ulit yon at makita ang mukha mo,pakiusap ni Klaire sa matamis at maamong tinig.

Ni hindi mo nga ako sinagot! Pinahiya mo si Rage De Silva!

Nanginig ang likod ni Klaire sa sigaw ni Rage.

Sasagutin kita pagkatapos mong sabihin ulit nang nakaharap sa akin,giit ni Klaire, hindi isasara ang mga mata hangga’t hindi natutupad ang hiling niya.

Tahimik si Rage sa mahabang saglit. Pagkatapos ay untiunting niluwagan ang yakap upang makaharap siya ni Klaire at makita ang kaniyang namumulang mukha.

Sabihin mo ulit,pagsusumamo ni Klaire.

Sabihin ang alin?tanong ni Rage, nagpapanggap na inosente, pero halata ang pagpapanggap sa ekspresyon niya.

Inis na inis si Klaire sa kanyang asawa. Sa isip niya, sobrang tuso at makapal ang mukha ni Rage. Halos atakihin siya sa puso sa biglaang pagamin nito, tapos ngayon ay nagkukunwaring parang wala itong sinabi.

Hindi mo na uulitin?tanong ni Klaire, pero ngayon ay may pagbabanta na sa boses niya.

Samantala, gustonggusto ni Rage na ulitin ang pagamin niyapero sa mas maganda at romantikong lugar sana. Kaya gusto niya sanang kalimutan na lang ni Klaire ang lahat.

Ano bang pinagsasasabi mo? Nananaginip ka ba? Baka sobra na ang tulog mo-

Kabanata 177

+25 BONUS

Kabanata 177

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)