Kabanata 177
Pinatahimik ni Klaire si Rage gamit ang kanyang mga labi. Inikot niya ang katawan ng asawa at siya naman ang pumatong dito. Pagkatapos, hinalikan niya ang leeg ni Rage habang isa–isang inaalis ang mga butones ng damit
nito.
Isa–isang nahulog sa sahig ang mga butones, unti–unting pinapakita ang maganda at nakakaakit na mga muscles ni Rage.
“Ginagaya mo ba ako?” Nanlaki ang mga mata ni Rage sa biglaang kilos ng asawa. Madalas kasi niyang punit- punitin ang mga damit ni Klaire sa sobrang pananabik.
Oo, ginagaya ni Klaire ang lahat ng ginagawa ng asawa sa kanya. Binigyan niya ito ng parehong haplos na madalas gawin ni Rage sa kanya.
At siyempre, hindi na kayang pigilan ni Rage ang mga halik ni Klaire. Nanatili siyang nakahiya, napapapikit ang mga mata tuwing may dumadampi na sobrang sarap sa kanyang balat.
Bigla namang tinakpan ni Klaire ng kumot ang katawan ng asawa, na ngayo’y naglalagablab na sa pagnanasa. Napadilat si Rage, naghahangad pa ng mga halik at haplos ng asawa.
“Hindi kita hahaplusin hangga’t hindi mo inuulit ang sinabi mo.”
“You think I can’t force you? Continue!” utos ni Rage.
Puno ng init ang boses at mata ni Rage. Agad niyang inikot ang katawan ni Klaire para siya naman ang may kontrol. Mabilis niyang tinanggal ang lahat ng saplot nito.
Mahigpit na inipit ni Klaire ang kanyang mga hita, natatagis din ang kanyang bagang. Hindi niya papayagang maganap ang gusto nitong mangyari hangga’t hindi muling sinasabi ni Rage na mahal siya nito.
“Hindi tayo magpapatuloy hangga’t hindi ko naririnig ulit.”
Huminga si Rage sa tainga ni Klaire, sabay kinagat ito habang sinusubukang paghiwalayin ang mga hita ng asawa. Pero matatag si Klaire. Hindi siya kayang pilitin ni Rage, lalo’t ayaw nitong mapahamak ang dinadala niya.
May isa na lang siyang paraan…
“Mahal kita, Klaire,” bulong ni Rage, “Mahal na mahal kita… at ikaw lang…‘
Unti–unting lumuwag ang mga kalamnan ni Klaire. Hinawakan niya ang mukha ni Rage at itinapat ito sa kanya.
Namula nang husto ang mukha ni Rage, pati na ang mga tainga.
Labis ang kasiyahan ni Klaire sa narinig at nakita.
Matagal silang nagtitigan, at sa huli ay nagsalubong ang kanilang mga labi sa isang banayad at malambing na
halik.
“Mas mahal kita, Rage De Silva,” nanginginig ang boses ni Klaire nang sabihin niya ito. Mabilis ang tibok ng puso niya, nanlalambot ang kanyang mga labi, at tila lumulutang ang kanyang isipan.
1/2
Kabanata 177
+25 BONUS
Tumigil si Rage sa paggalaw. Natulala siya sa pag–amin ni Klaire.
Parang milyong paru–paro ang lumilipad sa kanyang tiyan, sumasayaw sa bawat ugat ng kanyang katawan, at nagbibigay ng di mapigilang tuwa sa puso niya. Kaya mas nag–alab pa ang pagnanasa niya, dahilan mapasigaw si Klaire sa sobrang sarap ng pagpapaligaya niya dito.
para
Ibang–iba ang gabing ito. Hindi lang mga katawan nila ang nagtagpo, kundi pati mga puso nila.
Sa buong magdamag, paulit–ulit na binulong ni Rage na mahal niya ang asawa sa tuwing lalapat ang labi niya sa tainga ni Klaire. Wala na siyang alinlangan o hiya, dahil palaging sinasabi ni Klaire na mas mahal siya nito.
Bakit nga ba hindi pa niya sinabi ito noon pa kung ganoon din naman pala ang nararamdaman ni Klaire?
“Kailan mo pa ako minahal?” tanong ni Rage pagsapit ng umaga. Nakapatong ang kamay niya sa ulo ni Klaire habang banayad na hinihimas ang buhok nito.
Hindi sila nakatulog buong gabi. Hindi lang dahil sa init ng pagtatalik, kundi dahil sa pag–amin nila sa isa’t isa na nagpabago ng lahat.
“Pinili ko nang mahalin ka mula noong ikinasal tayo. Pero hindi ko alam kung kailan ako naramdaman ng ganito
11
“Ang alin?” tanong ni Rage. Hindi siya nagsasawa sa mga pag–amin ni Klaire. Gusto na niyang i–record ang boses nito para mapakinggan palagi.
“Sinabi ko na ito ng isang daang beses ha!” kurot ni Klaire sabay kurot sa dibdib ng asawa.
“Aray… ang sakit…” tumawa si Rage. “Sobra ka naman. Apatnapu’t anim pa lang na beses mong sinabi ‘yon.”
“Binibilang mo?!” Nanlaki ang mga mata ni Klaire.
“Hmm… and I’ve said it fifty–three times. You owe me seven times.”
Napanguso si Klaire at napailing. “Ang sipag mo ha?”
“My job now is just to listen to your love… quickly pay off your debt,” giit ni Rage.
Hinalikang muli ni Klaire ang mga labi ni Rage.
“Mahal kita, Rage De Silva, ang aking mabangis pero nakakagulat na mahiyaing asawa.‘
Sinabi niya ito ng pitong beses, at nagdagdag pa ng bonus para sa pinakamamahal na asawa.
Kabanata 178

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)