Kakaibang tensyon ang bumalot sa silid ng isa pang bagong kasal. Maagang–maaga pa lang ay galit na galit na si Kira dahil sa biglaang pagkanselah ni Miguel ng kanilang honeymoon. Matagal na niya itong inaasam, ngunit abala si Miguel sa mga mahahalagang bagay sa kumpanya.
“Bakit mo biglang pinostpone ang honeymoon natin? Husto na ‘yung ni hindi mo ako hinahawakan. Hindi na ito tama! Asawa mo ako, Miguel! Please naman… igalang mo naman ang nararamdaman ko.”
Dahil hindi umuwi si Miguel kagabi, buong gabi ring naghanda si Kira ng mga bagong damit na espesyal niyang binili para akitin si Miguel; mga damit na maiksi, mga lingerie, at mga underwear na may matitingkad na kulay na maayos na nakalagay sa maleta. Pero ano ang nangyari?
“Dahil asawa kita… dapat maintindihan mo kung gaano ako ka–busy sa trabaho. Marami pa namang panahon para sa honeymoon na ‘yan. Pero ang bagong project ko, hindi puwedeng ipagpaliban.”
Totoong mahalaga ang proyektong binanggit ni Miguel para sa negosyo ng pamilya nila, pero maaari naman itong ipagpaliban. Ang totoo, mas abala siya ngayon sa pag–iimbestiga ukol sa mga pangyayari noong bridal shower ni Klaire, ang gabi na naging dahilan ng paghihiwalay nila.
Bago pa tuluyang mapaiyak si Kira at masaktan si Miguel, agad itong lumabas ng silid at sinabing, “Pupunta na ako sa opisina. Huwag mong kalimutang mag–almusal.”
Gusto sanang sundan ni Kira ang asawa, pero nanghina ang kanyang katawan sa tindi ng pagkadismaya. Bakit ba palaging sumasablay ang lahat ng plano niya? Eh dati naman, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.
Mula nang umalis si Klaire sa mga Limson, pakiramdam ni Kira ay patuloy siyang tinutulak ng tadhana sa isang bangin na puno ng paghihirap. Para bang kailangan niya pang lumapit kay Klaire para magsilbing sakripisyo sa kasiyahan niya.
“Siguradong nag–eenjoy ngayon si Klaire kasama ang matandang ‘yon! Argh! Nakakainis talaga!” sigaw ni Kira sabay bagsak ng katawam sa kama at pinagsusuntok ang kutson.
Samantala, hindi talaga patungong opisina si Miguel. Nagpunta siya sa opisina ng isang private investigator para alamin ang tungkol sa pagtataksil nina Rage at Klaire.
Kasama niya si Emilio, ang detective, at nagtungo sila sa mismong lugar ng insidente. Sa kasamaang–palad, wala silang nahanap na kahit ano. Burado na ang CCTV footage, at ang hotel room ay nasira na rin ng sunog at hindi na ginagamit.
“Maaaring tama ang hinala ninyo, sir. Una, CCTV footage lang ng araw na ‘yon ang nawala. Pangalawa, maraming sabi–sabi na sinet–up talaga ang sunog sa kwartong ‘yon.”
Pinakalat ng mga tauhan ni Rage ang sabi–sabi na may sumpa ang room 4306 sa hotel na ‘yon. Bagamat mahirap paniwalaan ‘yon sa panahon ngayon, ang sunog at sunod–sunod na kakaibang pangyayari ay unti- unting nagpabago sa opinyon ng mga guests doon.
Pagkaraan ng renovation, sinadya rin ng mga tao ni Rage na magsimulang mag–acting sa gitna ng gabi―mga eksenang kagaya ng may sinasapian o may multo. Marami sa tauhan niya ang sangkot sa ideyang ‘yon.
Dahil dito, naniwala na ang marami sa “sumpa” ng kuwarto. Hanggang sa tuluyan na itong isinara ng hotel at
Kabanata 178
+25 BONUS
hindi na muling pinagamit.
Kayang–kaya naman sanang ipasara ni Rage ang kwartong ‘yon sa isang utos lang. Pero ayaw niyang maging kapansin–pansin kung bakit bigla na lang isinara ng hotel ang kwarto dahil sa isang maliit na sunog.
Wala ring bakas na personal na nagtungo si Rage sa hotel noong gabing iyon. Kaya kahit sino pang mag- imbestiga ng koneksyon at ginawa niya sa kwartong ‘yon, ay walang mapapala. Pati na rin sa pagkawala ng mga CCTV footage.
Kung hindi dahil sa sinabi ni Emilio, baka naniwala na si Miguel sa mga nagsasabing may multo nga sa kwartong
‘yon.
“Sinasabi mo bang nagpapanggap lang ang mga taong ‘yon? Hindi lang isa o dalawa ang umalis ng hotel sa gitna ng gabi dahil sa multo raw.”
“That’s precisely why… after the fire, strange rumors started circulating. And do you believe the fire was purely accidental?” Nagbigay ng makahulugang tingin si Emilio kay Miguel. “After you told me everything, I’ve found out that on the night of the fire, Mr. Rage De Silva and his wife spent their first night at this hotel.”
“Sila rin ang nag–renta ng kwartong iyon?” Hindi kailanman inalam ni Miguel ang mga galaw ng kanyang Uncle at ng dati niyang fiancée–isang detalye na ngayon ay tila dumudurog sa puso niya.
Kabanata 179

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)