“Hindi. They rented the top floor. There’s no recording of them going to that floor. You get my point, right?”
Tumango si Miguel. “Naiintindihan ko. Ibig sabihin, may tinatago talaga si Uncle at si Klaire. Pwede mo pa bang alamin kung ano talaga ang nangyari noong gabing ‘yon?”
“I’m sorry, sir. Hindi ko na kaya. Nawala na ang lahat ng ebidensya, at imposibleng magsalita ang mga saksi kung pinatahimik sila ni Mr. Rage De Silva.” Saglit na natahimik si Emilio. “Pero may isang tao na maaaring magsabi ng totoo tungkol sa gabing ‘yon.”
Napabalikwas si Miguel na kanina’y wala sa wisyo. Umayos siya ng upo at sabik na hinintay ang susunod na sasabihin ni Emilio.
“Hindi ba’t kasama ng misis mo si Klaire noong gabing ‘yon? Pwede mo siyang tanungin nang direkta,” mungkahi ni Emilio.
Na–review na ni Emilio ang lahat ng imbitasyon sa party noong gabing iyon, ngunit wala siyang nahanap na kahit ano. Tahimik ang lahat sa parehong dahilan… nalasing sila at nakalimutan na ang mga nangyari dahil halos dalawang buwan na ang nakalipas.
“My wife and I aren’t on good terms as you think.” napabuntonghiningang sabi ni Miguel.
“Ang babae, sasabihin ang kahit anong gusto mong marinig… kung mapapalambot mo ang puso niya.”
Umiikot sa isipan ni Miguel ang sinabi ni Emilio. Napagpasyahan niyang lapitan si Kira upang makuha ang impormasyong kailangan. Ngunit pag–uwi niya, nabuwisit agad siya nang malamang nagsumbong si Kira sa ama niya.
“Miguel, matanda ka na. Hindi kita ipinakasal kay Kira para sa ikabubuti ng kumpanya. Gusto ko rin na magkaroon ka na ng anak. Bakit hindi mo sinabi sa akin na kakanselahin mo ang honeymoon ninyo?”
Laging nakakaramdam ng pressure si Miguel tuwing humaharap sa ama. Mula pagkabata, istrikto na ang ama sa kanya kaya’t palagi siyang sumusunod sa bawat utos nito. Hindi siya marunong magpahayag ng damdamin, dahil ayaw niyang biguin ang ama o masaktan ang ina.
“Hindi naman gano’n, Dad… sa totoo lang… gusto kong ituloy ang honeymoon namin dito na lang. Gusto kong dalhin si Kira sa apartment at magsimula ng hiwalay sa bahay na ‘to.” Isang palusot na inakala niyang papasa sa kanyang ama.
At tama nga siya, tila nasiyahan si Julius sa sagot niya. Dahan–dahang huminga ng maluwag si Miguel. Pero ang totoo, ayaw naman talaga niyang tumira nang mag–isa kasama si Kira sa isang bubong.
“Ayoko lang na mag–alala si Mom kung aalis kami agad sa bahay.”
“Maganda ‘yan. You two can be closer if you live together. Ako na ang kakausap sa Mommy mo. Pumili na lang kayo ng apartment na gusto ninyo ni Kira.”
Iyon ang huling sinabi ng kanyang ama na ipinarating na rin kay Kira. Nalilito si Miguel sa naging takbo ng desisyon. Maaari nga silang maging mas close ni Kira kung titira sila nang magkasama sa iisang bahay nang sila lang, pero hindi pa siya handang papasukin ang babae sa personal niyang buhay.
1/2
Kabanata 179
+25 BONUS
‘Buntis si Klaire sa anak ni Uncle Rage.‘ Iyon ang linyang nagpapatibay sa determinasyon ni Miguel. ‘Kailangan kong malaman ang totoo.‘
“Totoo bang bubukod na tayo?” tanong ni Kira na pumukaw sa mga iniisip ni Miguel.
“Oo. Dapat nga doon na tayo mag–honeymoon sa bagong apartment natin. Para makakapagtrabaho pa rin ako.”
Tuwang–tuwa naman si Kira. Sa wakas, nagbunga rin ang paghihintay niya sa atensyon ni Miguel.
Hindi na sila nag–aksaya ng oras sa pagpili ng apartment na gusto ni Kira. Sa parehong araw, napuno na ng bagong furniture ang marangyang apartment. Hindi nalimutan ni Kira na kunan ng litrato ang sarili habang nakadikit kay Miguel sa bago nilang apartment.
“Hey husband, halika nga rito. Gusto kong mag–selfie tayong dalawa sa unang araw natin sa apartment.”
Bagama’t hindi masaya si Miguel, pinilit pa rin niyang ngumiti. Yumuko siya at maamo niyang inakbayan si Kira.
Ang intimate na picture na ‘yon nila ni Miguel ay na–receive ng phone ni Klaire.
Sinadya ni Kira na ipamukha kay Klaire ang kasiyahan niya.
[Huwag ka nang mainggit, ate… bumili ng bagong apartment si Miguel para makabukod na kami. Ang cute niya, ‘ di ba? Lately, ayaw niyang mapalayo sa akin. Kumusta ka naman? Magpapanggap ka pa rin bang masaya sa matanda mong asawa na ang gusto lang ay ang katawan mo?]

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)