Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 180

Galit na galit si Klaire sa iMessage na natanggap na may kasamang picture nina Kira at Miguel. Hindi dahil sa selos, kundi dahil sa mga salitang sinabi ni Kira na nakainsulto sa kanyang asawa.

Ang kapal nitong sabihin na matanda na si Rage at ang gusto lang ay ang katawan niya.Paulitulit na nga nitong sinabi na mahal na mahal siya nito!

Habang binabasa ni Klaire ang text, magkasama pa sila ni Rage sa kanilang silid, nakaupo habang

pinagmamasdan ang ulan. Dahil sa patuloy na pagambon sa isla, nanatili na lamang sila sa villa, pinapainit ang katawan at puso ng isa’t isa.

Nabasa rin ni Rage ang text message ni Kira. Crazy woman! Gusto mo bang ipatapon ko siya sa ibang bansa para hindi mo na siya muling makita?

Hindi na, honey. Ako na ang bahala kay Kira. Hindi mo na kailangang tumulong.

Napangiti si Rage sa tuwa. Simula nang malaman ni Klaire ang tunay niyang damdamin, mas lalo pa itong nagbago sa arawaraw. Naging masigla at matapang na babae na ito. Wala na ang takot sa mga mata nito.

Okay. I trust you. You can ask me anything to get back at that shameless stepsister of yours.

May biglang naisip si Klaire.

May pwede ka pang maitulong sa akinSabay bulong sa tenga ng kanyang asawa.

Pagkatapos humupa ng masamang panahon, niyaya ni Klaire si Rage na magpakuha ng mga picture sa iba’t ibang bahagi ng isla. Nagsimula sila sa bahagyang nalalantang mga bulaklak sa garden, at tumuloy sa isang lugar na hindi pa nararating ni Klaire.

I actually don’t like taking photos,reklamo ni Rage.

Pero kahit na sinabi niyang ayaw niya, kapag tinutok na ni Klaire ang camera sa kanya, agad itong pumupuwesto para sa isang sweet na pose. Nagiging aware agad si Rage sa camera, hinahalikan at niyayakap si Klaire habang kinukuhanan.

Sabi mo ayaw mong nagpapakuha ng picture?tanong ni Klaire habang inaayos ang mga picture sa gallery.

Tinutulungan lang naman kita gumanti sa stepsister mo,katwiran ni Rage. Isend mo lahat sa akin.

Agad namang ipinadala ni Klaire ang daandaang pictures na kuha nila noong araw na iyon. Binura niya ang mga hindi niya gusto, Samantalang si Rage naman ay gustonggusto ang lahat ng kuha nila.

Napangiti si Rage sa sarili nang palitan niya ang home screen ng kanyang cellphone. Pinili niya ang magandang picture para sa kanyanakabalik si Klaire sa pisngi niya habang nakapikit ang mga mata niya. Pero agad rin niyang pinalitan ng isa pang mas gusto niya.

Samantala, nagpadala si Klaire ng sagot kay Kira sa text:

[Mukhang ang sayasaya mo. Congratulations, haHindi ako kasingswerte mo, Kira. Hindi ako binilhan ng apartment ng asawa ko. Kuripot pala si Rage De Silva. Binili lang niya naman ako ng isang isla na palaging inuulan. Simple lang ang villa namin na gawa kawayan. Ang swerte mo talaga sa bagong apartment mo mula kay

1/2

Kabanata 180

+25 BONUS

Miguel. Enjoy ka, ha.]

Napatawa si Klaire habang binabasa muli ang text niya kay Kira. Pagkatapos, nagdagdag pa siya:

[Masaya ka naman na, di ba? Tigilan mo na ako sa mga walang kuwentang text message mo. Abala ako sa pagdidisenyo ng bagong isla na binigay ng asawa ko. Nakakapagod at matrabaho kasi hindi ito kasing gara ng apartment na binigay ng asawa mo.]

Sa huli ng text message, nagpadala si Klaire ng ilang pictures bilang patunay. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihing abala siya sa pagdidisenyo. Pinapagawa talaga siya ni Rage kay ng concept para sa pagpapaganda ng kanilang honeymoon island.

Kaya lang, ipinasa lang niya ang trabaho kay Chris. Hindi naman kasi siya masyadong mahusay sa design at wala rin namang gana.

Nagpatuloy si Klaire sa pagtitig sa kaniyang cellphone, naghihintay ng reply ni Kira. Kitangkita na nabasa na iyon ni Kira, pero hindi ito nagreply.

Ibinaba na lang ni Klaire ang phone at bumalik sa piling ng asawa. Ngunit wala si Rage sa kwarto.

Rage, nasaan ka?Hinanap ito ni Klaire sa banyo pero wala roon. Agad siyang bumaba at sinuyod ang bawat

silid.

Uncle!asar niyang tawag. Rage De Silva!

Hanggang sa lumabas na siya sa harap ng villa. Nakita niya si Rage na nakaupo sa porch.

Kanina pa kita tinatawag! Anong ginagawa mo riyan?Sabay tapik niya sa balikat ni Rage.

Gulat na gulat si Rage kaya muntik na nitong mabitawan ang hawak na cellphone. Bakit?

Napatitig si Klaire. Ang weird, hindi naman ugali ni Rage na matagal magbabad sa cellphone. Karaniwan, ginagamit lang nito iyon para sa mahahalagang tawag o text.

May tinetext ba si Rage?

Anong meron sa cellphone mo? Bakit parang nataranta ka nang makita mo ako?

Tinapik ni Rage ang hita niya para maupo si Klaire sa kandungan niya. Sumunod naman si Klaire, at agad kinuha ang cellphone nito.

Binuksan niya ito nang hindi na nagtatanong. Binigay na kasi ni Rage sa kanya ang code sa phone nito.

Tinitingnan mo lang pala ang mga pictures na ito simula kanina pa?

HmmNahihirapan kasi akong pumili kung alin ang mas magandang idisplay, Tingnan mo sa favorites section, ikaw na pumili.

Natigilan si Klaire, hindi makapaniwala. Kailan pa naging interesado si Rage sa ganitong mga simpleng bagay?

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)