Kabanata 181
“The photo of you kissing me is great, but I can’t see your face. Dito naman, nakatingin tayo pareho sa camera, pero hindi mo ako hinalikan. Should we take another photo?” Masiglang ipinakita ni Rage ang mga pictures isa-
isa.
Halos matawa si Klaire pero pinigilan niya ang sarili nang makita ang seryosong mukha ng asawa.
“Sabi mo ayaw mong magpa–picture…”
“Wala akong pakialam.”
Biglang tumayo si Rage at inayos ang upuan ni Klaire para nakaharap ito sa kanya. “Sandali… wala ka man lang bang picture natin sa phone mo? Ginagamit mo lang ba ako para gantihan ang stepsister mo?”
Mukhang hindi natuwa si Rage. Ilang oras na niyang iniisip kung alin ang pipiliing gawing homescreen, samantalang si Klaire ni isa walang ginamit sa mga pictures!
“Saan ang phone mo?” seryosong tanong ni Rage.
“Nasa itaas. Kukunin ko.”
Kinakabahan si Klaire dahil halos burado na niya ang karamihan sa kanilang mga pictures. Plano niya sanang i- restore ang mga ito at maglagay ng kahit anong picture sa home screen bago siya bumaba. Pero sinundan na siya ni Rage.
Kitang–kita ang pagkadismaya sa mukha ni Rage nang makita na ang home screen ni Klaire ay ang picture ng isang cute na aso na pagmamay–ari ng kung sino. Bigla niyang kinainisan ang asong iyon.
“Sabihin mo nga… hindi mo na ba ako mahal at mas gusto mo pa ang aso ng iba? O gusto mo ang may–ari ng asong ito?” akusasyon ni Rage habang hawak ang phone ni Klaire.
Napanganga si Klaire, hindi makapaniwala sa iniisip ni Rage.
“Matanda na ang may–ari ng asong ‘yon, honey! At wala pa kasi akong oras na magpalit ng homescreen ko,” depensa ni Klaire.
“Eh ako rin tumatanda na… anong pinagkaiba namin?!”
Umiling si Klaire, Animnapung taong gulang na ang may–ari ng aso sa picture. Samantalang si Rage De Silva magkukwarenta pa lang at mukha pa rin namang binata. Gwapong–gwapo pa rin!
“And look at this… why did you name me Mr. Rage De Silva. Hindi mo na ba ako kinikilala bilang asawa mo?” tuluyang nairita si Rage. “Dapat ganito ang pangalan ko sa phone mo!” sabay pakita ng contact name niya kay Klaire.
Nawindang si Klaire nang makita ang pangalan niya sa phone ni Rage…
‘Beautiful Wife ”
Talagang may puso pa!
1/3
Kabanata 181
+25 BONUS
Dahil lang sa simpleng bagay na ‘yon, kinulit ni Rage si Klaire buong gabi. Pinalitan naman ni Klaire ang display at pangalan ni Rage sa kanyang phone, pero tuloy pa rin ang pagmamaktol nito na hindi na raw niya mahal ito.
Napatawa na lang si Klaire sa sarili. ‘Ilang taon na ba siya? Bakit parang mas exaggerated pa siya sa mga teenager na in love?‘
“Hindi mo ba ako narinig?”
“Narinig kita, mahal kong asawa… huwag ka nang magalit…” sabay bukas ng mga braso ni Klaire. “Halika rito… babawi ako sa pagkukulang ko.”
Napabuntonghininga si Rage habang pinipigilan ang tawa at tinitigan ang asawa. Inilapag niya ang kanilang mga phone sa tabi ng kama.
“Sige na nga…” sagot ni Rage na may kunwaring tampo.
***
Samantala, may isang taong galit na galit matapos basahin nang paulit–ulit ang text messages ni Klaire. Walang iba kundi si Kira, na lubos na na–insulto sa kanyang stepsister.
“Ang kapal ng mukha mo! Kailan ka pa naging ganyan ka–arogante?!”
Nagngingitngit si Kira dahil mas malaki ang natanggap ni Klaire kaysa sa kanya. ‘Tapos, sinabi pa nito na mas maganda raw ang nakuha niyang apartment!
Paano mo nga naman maikukumpara ang presyo ng isang luxury apartment sa isang isla?!
Hindi matanggap ni Kira na si Rage ay basta na lang magbibigay ng ganoon sa babaeng ‘yon.
“Imposibleng nahulog na agad si Uncle Rage kay Klaire matapos lang ang dalawa o tatlong pagkikita. Malamang may relasyon sila at ginamit lang ang bridal shower na sinet up ko para magkita sila at magtampisaw sa kalandian nila!”
Unti–unting naghihinala ang isip ni Kira. Lalong tumindi ang kanyang hinala nang makita ang isang picture ni Rage na puno ng pagmamahal ang tingin kay Klaire.
Hanggang sa bumukas ang pinto. Naputol ang pag–iisip ni Kira at dali–daling sinalubong ang asawa.
“Kumusta ang trabaho?” tanong niya habang tinutulungan si Miguel na hubarin ang jacket.
Karaniwan ay tinatanggihan ni Miguel ang mga ganitong kilos ng asawa, pero sa pagkakataong ito, hinayaan niyang tulungan siya ni Kira.
Natuwa naman si Kira, kaya nakalimutan niya pansamantala ang inggit kay Klaire.
“Kumain ka na ba? May niluto ako para sa’yo.”
“Ikaw ang nagluto?” taas–kilay na tanong ni Miguel.
Hinila siya ni Kira sa dining room. “Tikman mo muna. Kung ayaw mo, magpapa–deliver na lang ako.”
Sumunod si Miguel at tinikman ang unang putahe ng kanyang asawa.
2/3
Kabanata 181
+25 BONUS
“Masarap. Marunong ka pala talagang magluto.”
Totoong papuri iyon mula kay Miguel.
Tuwang–tuwa si Kira sa papuri ni Miguel. Pero lingid sa kanyang kaalaman, may binabalak na pala ang asawa na makakuha ng impormasyon mula sa kanya. Iniisip rin nito ang isa pang babaeng nananatili sa puso nito.
‘Kung may ginawang masama sa ‘yo ang Uncle ko, ako mismo ang maglalayo sa ‘yo sa kanya. At kung nagtaksil nga kayong dalawa habang tayo pa… ipinapangako kong wawasakin ko kayong pareho…‘ pangako ni Miguel sa
sarili.
P
Kabanata 182

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)