Kabanata 182
Tuwang–tuwa si Kira. Hindi lang dahil sa pinuri ni Miguel ang luto niya, kundi matapos nilang pumasok sa kwarto, sinabi pa nitong maghanda siya ng maligamgam na tubig para sa pagligo. Hindi naman ganito si Miguel
dati.
Ano kaya ang dahilan ng biglang pagbabago nito? Nagsimula na ba itong mahalin siya? Wala na siyang pakialam. Ayaw na ni Kira alamin pa kung ano ang nagbago.
Ngayon, hindi na siya kikilos ng pabigla–bigla. May nakahanda na siyang sorpresa para sa asawa.
Lahat ng pagkaing kinain ni Miguel ay may halong gamot na nagpapataas ng sex drive. Hahayaan niyang si Miguel ang unang gumawa ng hakbang.
Desidido si Kira na mapasakanya si Miguel ngayong gabi. Mas may kalayaan na siyang patibongin ito dahil hindi na siya laging binabantayan ng mama nito. Ayaw din niyang malamangan ni Klaire sa pagpapakita ng lambing sa asawa nito.
Samantala, si Miguel naman ay hindi na mapigilan ang matinding pagnanais na malaman ang totoo tungkol sa pagbubuntis ni Klaire. Kailangan niyang alamin agad ang nangyari noong gabing iyon gamit ang kanyang asawa.
Pagkatapos maligo, lumabas si Miguel ng silid na nakatapis lamang. Pinupunasan ang kanyang buhok gamit ang tuwalya at dumiretso sa kama.
Nagulat siya nang kunwaring tumayo si Kira para pulutin ang pulseras na nahulog malapit sa nightstand, at yumuko ito kaya’t lumantad ang suot nitong nightgown.
Kinabahan si Miguel at nais sanang ipagpaliban ang pang–aakit kay Kira.
‘Hindi ko kaya ‘to,‘ naisip niya.
Bigla niyang naalala ang mukha ni Klaire habang tinititigan ang magandang katawan sa kanyang harapan. Pakiramdam niya’y pinagtaksilan niya ang pagmamahal para kay Klaire.
Pero hindi ba’t pinagbubuntis na ni Klaire ang anak ng tiyuhin niya? Ilang beses na bang hinawakan ni Rage ang katawan nito? Sino ba talaga ang unang nagtaksil?
Bunsod ng selos at sakit, muling tumatag ang paninindigan ni Miguel. Lumabas siya ng kuwarto at kumuha ng inumin para kay Kira.
Hindi niya pipiliin na akitin si Kira. Lalasingin na lamang niya ito para sabihin nito ang lahat ng alam.
Nakatapis pa rin si Miguel nang bumalik ito, dahilan para lalong mamangha si Kira sa katawan ng kanyang asawa. Ang katawang ‘yon ay magiging kanya na.
Maya–maya, inabutan ni Miguel ang asawa ng juice na may halong alak.
“Drink this… sigurado akong napagod ka sa pagluluto.” Pinanood ni Miguel ang pagkakunot ng noo ni Kira habang iniinom ito.
“Nilagyan mo ng alak ‘to, ano?” tanong ni Kira dahil sanay na siya sa mga inuman sa bar.
Kabanata 182
+25 BONUS
“Hmm. Gusto kong masaya ang gabi natin ngayon.”
Nang mahuli na ni Miguel ang loob ni Kira, nagdala siya ng dalawang bote ng alak. Nag–inuman sila hanggang sa malasing si Kira at halos hindi na maintindihan ang sinasabi.
Samantala, nanatiling malinaw ang isipan ni Miguel. Kaunti lamang ang iniinom niya at kunwaring umiinom kapag pinapanood ni Kira. Ngunit bigla siyang nakaramdam ng init sa katawan.
Lalo pang nagpahirap sa sitwasyon ang paghaplos ni Kira sa hubad niyang dibdib dahilan para mapapahalinghing siya. Hanggang sa nawalan siya ng kontrol at mapang–angkin na hinalikan niya si Kira sa
labi.
“Hindi! Mali ‘to!” Itulak niya si Kira kahit pa matindi ang pagnanasang nararamdaman. “Anong nangyayari sa akin?”
“Nagsisisi ka ba na hindi mo pinakasalan ang stepsister ko?” biglang sambit ni Kira. “Pa–pasensya ka na, Miguel. Kasi ako ang—”
Pinatahimik ni Miguel ang asawa sa pamamagitan ng halik sa labi. Pinahiga niya ito sa kama at pumatong siya sa kanya.
Sa kasamaang–palad, sobrang lakas ng epekto ng gamot na ibinigay ni Kira kaya’t halos matalo siya ng
pagnanasa.
“Ah… Klaire…” ungol ni Miguel habang nakasubsob sa leeg ni Kira. “…buti na lang at ‘di ko siya pinakasalan. Ikaw talaga ang nakakapagpabaliw sa akin,” bulong niya.
Kahit lasing na lasing na, narinig pa rin iyon ni Kira. Ngunit hindi niya napansin na maling pangalan ang binanggit ni Miguel.
“May gusto lang sana akong malaman.” Napakagat–labi si Miguel, pinipigilan ang sarili.
Napakuyom ang mga kamao niya hanggang bumaon ang mga kuko sa palad. Kailangang malaman niya ang katotohanan sa gabing iyon, kahit pa bumubuhos na sa kanya ang init ng katawan.
“Anong ginawa mo nung gabi ng bridal shower kasama si Klaire?” tanong ni Miguel.
Sa konting pilit at lambing, at dahil nalasing na rin si Kira, isinalaysay niya nang detalyado ang mga nangyari noong gabing iyon. Galit na galit si Miguel. Labis ang pagkasuklam niya kay Kira na nasa ilalim niya ngayon.
“Ikaw… paano mo nagawang gawin ‘yon?” Galit niyang pinunasan ang mga labi niyang kahahalik lang kay Kira.
“Mahal kita, Miguel.” Tinangka siya ni Kira na halikan ulit pero agad siyang umiwas. “Miguel…”
“May pinainom ka ba sa akin?” Nagsimulang maghinala si Miguel, dahil biglang nanumbalik ang matinding pagnanasa sa katawan niya. Lalo na matapos niyang malaman na pinahamak nito ang sariling stepsister.
“Sorry, Miguel. Gusto ko lang naman maging ganap tayong mag–asawa…‘
>>
“Napalandi mo!” Gumalaw ang kamay ni Miguel para malibugan ang asawa, pinatatahimik ito at pinapahinto sa paghawak sa kanya kahit na gustong–gusto niya ang mga ‘yon.
Kabanata 183

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)