“Hindi… Gusto kong marinig ko munang pinapatawad mo ako. Saka lang ako aalis dito,” giit ni Miguel.
Ayaw ni Miguel na maging duwag at iwan na lamang si Erica matapos niya itong dungisan. Ayaw niyang mabuhay sa konsensiya at gusto niyang marinig mismo kay Erica ang kapatawaran sa ginawa niya.
“Sa tingin mo ba, basta–basta ko na lang mapapatawad ang ginawa mo?” patuloy na humihikbi si Erica kahit natuyo na ang kanyang mga luha. “Bakit ka sa akin pumunta at hindi sa asawa mo umuwi?”
“Erica, I’m sorry… Nalaman kong ang asawa ko pala ay napakasamang tao na sinira ang buhay ko. Siya ang nagbigay sa akin ng drugs. At ayokong galawin siya.”
“At ako ang ginusto mong galawin, isang taong hindi mo naman kilala?” galit na sabi ni Erica, tumatangging tanggapin ang palusot ni Miguel. Bagamat nagulat siya nang bahagya sa pagkatuklas na hindi pala masaya ang marriage ni Miguel tulad ng inaakala niya. “Paano kung mabuntis ako?”
Nagulat si Miguel sa tanong ni Erica. Hindi niya namalayang ipinutok niya ang kanyang semilya sa loob ng dalaga dahil iyon ang una niyang karanasan.
Paano nga kung mabuntis si Erica? Balak pa naman niyang agawin si Klaire mula sa tiyuhin niya. Hindi pwedeng malaman ni Klaire ang nangyari sa kanya at sa babaeng ilang ulit pa lang niyang nakikita.
Hindi pwede… Kailangan niyang patahimikin si Erica kahit ano pa ang mangyari!
Gayunpaman, hindi kayang patayin ni Miguel ang sarili niyang laman kung sakali mang mabuntis si Erica. Naawa rin siya sa dalaga, na wala namang kinalaman sa mga personal niyang problema.
Mabilis siyang nag–isip ng solusyon sa kagagawan niya. Ayaw niyang masira ang plano niya kay Klaire dahil lang sa pagbubuntis ni Erica. Pero hindi rin niya kayang ipalaglag ang batang hindi pa nga nabubuo.
“I… I’ll give you money once a month. You won’t have to work at the bar anymore. Makakapag–aral ka ulit, makakapag–kolehiyo ka, at tatanggapin kita sa kumpanya ko pagkatapos mong maka–graduate” panunuyo ni
Miguel.
Tahimik na pinag–isipan ni Erica ang sinabi ni Miguel. Mabigat sa kanya ang sitwasyon… Ninakaw ng isang mayamang lalaki ang kanyang puri!
Sa loob ng labingwalong taon, palaging salat sa pera si Erica. Gusto rin niyang makapag–aral at makapag- kolehiyo tulad ng mga kaibigan niya.
Wala ring pakialam sa kanya ang mga magulang niya. Kaya naman kahit papaano, natutukso siya sa alok ni Miguel.
Magiging praktikal si Erica kung tatanggapin niya ito. Huli na rin naman ang lahat, hindi na mababalik ang puri niya na kinuha nito.
Hindi rin naman magkasundo si Miguel at ang asawa nito. Malay ba niya. Baka makalasap rin siya ng marangyang buhay tulad ng mga kliyente niya sa bar kung saan siya nagtatrabaho.
“Pakakasalan mo ba ako kung mabuntis ako?”
1/2
Kabanata 184
+25 BONUS
“Alam mong may asawa na ako. Our marriage isn’t based on love. Pero hindi rin kami basta pwedeng maghiwalay dahil sa pamilya namin.”
“Eh paano kung hindi naman ako mabuntis? Wala nang lalaking magpapakasal sa isang marumning babae na tulad ko.”
Napabuntong–hininga si Miguel. Naawa siya sa dalagang katabi niya.
“Susuportahan pa rin kita hanggang makahanap ka ng lalaking magmamahal sa’yo.” Iyon lang ang maipapangako ni Miguel. Naiisip na niya ang masayang future kasama si Klaire, kaya hindi niya magagawang pakasalan si Erica.
Nang makitang malungkot na mukha ni Erica ay lumapit si Miguel. Niyakap niya ang katawan na nagbigay sa kanya ng kaginhawaan at pinunasan ang luha sa pisngi nito.
“I’m sorry…”
11
Sa kabila ng kanyang pagsisisi, hindi maikakaila ni Miguel na lubos niyang na–enjoy ang ginawa nila. Bigla ring bumalik ang pagnanasa niya para sa dalaga. Ngunit sa pagkakataon na ‘yon, pinigilan na niya ang sarili.
‘Malaking kasalanan ang ginawa mo sa’kin, Miguel Bonifacio! At ayaw mo akong panagutan? Aangkinin kita nang tuluyan matapos mong gawin ito sa’kin,‘ may galit ang bawat tibok ng puso ni Erica habang iniisip ito.
Ramdam niya ang pagbabago sa katawan ng lalaking katabi niya. Hindi niya hahayaang umalis si Miguel ngayong gabi.
Gagantihan niya ito sa paraang mapapakinabangan niya ito. At ang tanging paraan para makamit niya ang gusto ay ang ialay ang katawan niyang sinira na rin ni Miguel.
Nagulat si Miguel nang gumalaw ang mga kamay ni Erica sa ilalim ng kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Napapikita siya, umungol, at lalong idinikit ang sarili sa dalaga habang nilulunod ang sarili sa mga ginagawa
nito.
“Will you forgive me?” tanong ni Miguel sa paos at malalim na boses, tanda ng muling pagkabuhay ng
pagnanasa.
“Pinilit mo akong galawin, Sir. Pero wala akong nakuhang kahit anong ligaya, kundi sakit.” Hinalikan ni Erica si Miguel sa labi. “Magre–resign na ako sa bar at tatanggapin ko ang alok mo. Gusto kong makapag–aral sa pinaka- best na school sa buong bansa.”
“Sige. Ako na ang bahala bukas ng umaga. Pero hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino ang tungkol sa gabing ito.” Ipinuwesto ni Miguel ang sarili sa ibabaw ni Erica.
“Siyempre… magtitiis at mananahimik ako,” matatag na sagot ni Erica.
“Call my name…” Hindi na kayang labanan ni Miguel ang tukso sa harap niya.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)