Nagpatuloy ang kanilang ‘secret affair‘ hanggang sa sumikat ang araw. Kakauwi lang ni Miguel mula sa pagbili ng bagong apartment para kay Erica, na mas maayos at mas ligtas mula sa mapanghusgang mata ng iba.
Sa kwarto, wala pa ring malay si Kira. Binuksan ni Miguel ang kurtina ng bintana, dahilan para makakurap si Kira sa liwanag na bumungad mula doon.
Pinanood ni Kira si Miguel habang hinuhubad nito ang t–shirt, may ngiti sa kanyang labi. Naalala niyang hinalikan siya nito kagabi. Pero… ano ang nangyari pagkatapos noon?
Pilít na inalala ni Kira ang nangyari kagabi, pero wala siyang matandaan. Nakipagtalik ba siya kay Miguel? Pero bakit ngayon lang ito naghuhubad?
‘Imposibleng hindi tinablan si Miguel ng pampalibog na iyon.‘
Naniniwala si Kira na nakipag–sex sa kanya si Miguel. Naramdaman din niya ang basa sa pantalon nito. Pero bakit wala siyang naramdamang sakit o kirot? Masiyado ba itong maingat?
‘Argh! Wala akong maalala! Kailangan ko ‘yong ulitin!‘
“Miguel, pasensiya na at late akong nagising. Pumasok ka ba sa opisina kaninang umaga?”
“Oo,” matipid na sagot ni Miguel. Wala siyang ganang kausapin si Kira, lalo na ang makita ito.
Matapos magbihis, agad na umalis si Miguel sa apartment, ayaw sagutin ang anumang tanong ni Kira. May mahalaga siyang kailangang gawin.
Kailangan ni Miguel na pabagsakin si Rage De Silva upang makuha si Klaire. At ang tanging taong makakatulong sa kanya ay nasa harapan lang niya.
“You haven’t visited me in a while. Kumusta naman ang asawa mo?” kaswal na tanong ni Baltazar De Silva habang umiinom ng kape.
“Pasensya na, Lolo. Naging abala ako sa trabaho.” Hindi sinagot ni Miguel ang tanong tungkol kay Kira.
“Hindi kayo nag–honeymoon?”
Bago pa makasagot si Miguel, dumating naman si Anna De Silva kasama ang mga kasambahay na may dalang meryenda para sa kanyang apo.
“Miguel… bakit parang pagod na pagod ka? Siguro ay nahihirapan ka sa asawa-
})
“Anna!” saway ni Baltazar.
“Yun nga… parang gusto ko na yatang lumipat dito, Lola,” mahinang tawa ni Miguel.
Matapos ang kaunting kamustahan, sa wakas ay sinabi na ni Miguel ang tunay na pakay niya. Kinakabahan siya dahil ni minsan ay hindi pa siya humingi ng pabor sa kanyang lolo.
“Lolo, nahihirapan na po ako ngayon. Pwede niyo po ba akong tulungan?” tanong ni Miguel na may pagsusumamo sa mukha.
1/2
Kabanata 185
+25 BONUS
Nagulat sina Baltazar at Anna sa biglaang kahilingan ni Miguel.
“Anong klaseng tulong, hijo?” tanong ni Baltazar.
“Pwede niyo po ba akong bigyan… ng ilang bahagi ng assets ng De Silva Group of Companies?”
Alam ni Miguel na si Rage na ang presidente ng De Silva Group sa loob ng maraming taon, at hindi na talaga interesado ang lolo niya sa pamamalakad. Pero kung gugustuhin nito, kaya pa rin nitong magdesisyon dahil siya
rin ang may malaking bahagi ng kompanya.
pa
“Gusto mong sumali sa De Silva Group? Noon ko pa inaalok sa’yo ‘yan, pero palagi mong tinatanggihan dahil gusto mong tulungan ang Daddy mo.” Masusing pinagmasdan ni Baltazar si Miguel.
“Alam n’yo naman pong pinilit lang ako ni Dad na pakasalan si Kira, ‘di ba?” Lalong nainis si Miguel habang nagsasalita. “Hindi po ako naging masaya sa kasal na ‘yon, Lolo. One day, when I can’t take it anymore, I want to break up with her. But Dad will definitely kick me out of the company if that happens.”
Napabuntonghininga si Baltazar. Naawa siya sa apo, alam kung paano ito pinalaki ni Julius.
Pagkatapos ng lahat, si Miguel pa rin ang kanyang unang apo. Gusto niyang tulungan ito kahit papaano.
“Sige, kakausapin ko muna ang Uncle mo. Si Rage pa rin kasi ang may huling pasya sa mga ganyan.”
Pinigilan ni Miguel ang galit sa narinig. Bakit kailangang si Rage De Silva na naman?!
Alam ba ng kanyang lolo kung gaano kalupit si Rage at inagaw ang dapat sanang magiging asawa niya? Wala bang ni isa man lang ang nagmamalasakit sa kanya, na nahihirapang tanggapin at isuko ang babaeng mahal niya dahil sa pagkakamali ng Rage na ‘yon?
Lalong lumalim ang poot ni Miguel tuwing binabanggit pangalan ng Uncle niya. Ngunit biglang nawala ang kaba at lungkot sa dibdib niya nang maisip niya si Klaire.
“Hindi ko naman kailangang magpatakbo ng malaking kumpanya, Lolo. Gusto ko lang magkaroon ng maayos at matatag na trabaho kung saka–sakaling palayasin ako ni Dad. ‘Yun lang,” pagsusumamo ni Miguel.
Matapos makuha ang bahagi ng ari–arian mula sa kanyang lolo, balak ni Miguel na unti–unting angkinin ang nararapat sa kanya. Naniniwala siya na ang lahat ng hawak ni Rage ay dapat ay sa ina niya na siyang mas matanda rito.
Bukod sa pagbawi ng karapatan, gusto rin niyang maghiganti sa ginawa ni Rage kay Klaire,
Siguradong naging miserable ang buhay ni Klaire kasama ang tiyuhin niya. Sigurado siya doon dahil hindi kailanman naging mabait si Rage sa kahit na sino.
Bagamat huli na niyang natutunan ang lahat, naniniwala si Miguel na hangga’t patuloy siyang lumalaban, hindi pa huli ang lahat.
“Wait for me, Klaire… I will free you from the marriage you don’t want.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)