Agad na ipinaabot kay Rage ang kahilingan ni Miguel. Ang lalaki, na hinahaplos ang bahagyang umbok sa tiyan ni Klaire, ay naputol sa ginagawa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
“May tumatawag.” Tinulak ni Klaire ang ulo ni Rage na lalo pang dumidikit sa kanyang tiyan.
“Honeymoon natin ngayon. Walang dapat manggulo sa atin.”
Tumunog muli ang cellphone. Naiinis si Klaire dahil hindi pa rin sinasagot ni Rage ang tawag.
“Bilisan mo, sagutin mo na ‘yan… Hindi mo mabibisita ang baby natin kung patuloy na nagri–ring ‘yang phone mo dahil sa katigasan ng ulo mo.”
Napilitang tumayo si Rage dahil sa banta ni Klaire. Walang gana niyang dinampot ang phone mula sa
nightstand. Lumiwanag ang screen at bumungad ang pangalan ni Chris.
Maya–maya, natapos ang tawag bago pa niya masagot. Ngunit tumawag ulit ito.
“What’s wrong?” tanong ni Rage na may inis ang boses.
Ayaw naman ni Klaire na naririnig ang suplado at aroganteng boses ni Rage. Kaya inilapat niya ang mga kamay sa maseselang bahagi ng asawa upang pakalmahin ito.
“Ough… Honey… ‘Wag kang malikot. Ikaw ang nagsabing sagutin ko ‘tong tawag.”
Tahimik sa kabilang linya, natataranta nang marinig ang kakaibang boses ng boss. Hindi siya sanay marinig si Rage na umuungol at tila dumadaing pa.
Ngunit nang muli itong magsalita, bumalik si Rage sa normal nitong boses.
“Bakit ang tahimik mo?”
Agad na binalita ni Chris ang mga kahina–hinalang kilos ng pamangkin ni Rage, mula sa pagdating ni Miguel sa mansyon ng mga De Silva hanggang sa naging pag–uusap nito at ng kanyang ama.
Sa simula, tumanggi si Baltazar De Silva na bigyan ng kahit ano si Miguel nang walang pahintulot ni Rage. Ngunit ayaw na rin ni Baltazar na gambalain ang honeymoon ng anak kaya ibinigay na lang niya kay Miguel ang ísa sa mga kumpanyang wala namang kaugnayan sa mga pinapatakbo ni Rage, upang hindi ito ma–offend.
“Miguel took over my father’s textile company? So? Ano ngayon? Hayaan mo… may karapatan din naman siya sa mga ari–arian ni Papa.”
Hindi masyadong interesado si Rage sa mga assets ng kanyang ama. Lahat ng meron siya ngayon ay bunga ng sarili niyang pagsisikap, kahit na may tulong din naman sa kapital mula sa pamilya.
Pagkasabi nito, ipinagpatuloy ni Chris ang pagre–report. Ayon sa narinig nito, sinabi raw ni Miguel sa grandparents nito na gusto na niyang i–annul ang kasal nila ni Kira.
Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Rage. May kutob siyang kakaiba sa mga kilos ni Miguel. Hindi kailanman nagrebelde ang pamangkin at palaging sumusunod sa ama nito. Bakit bigla na lang nitong gustong makipaghiwalay sa babaeng pinili ni Julius?
1/2
Kabanata 186
+25 BONUS
“May nireport din ang impormante natin, Sir. Nagpunta raw si Sir Miguel sa isang private investigator at nagtungo sila sa Conrad Hotel para mag–imbestiga tungkol sa… inyo ni Ma’am Klaire.”
Nanigas ang mga kalamnan sa mukha ni Rage sa narinig. Tiyak niyang may kutob na si Miguel. Posibleng may sinabi si Kira o p–in–rovoke nito si Miguel. Alam ni Rage na madali itong maimpluwensiyahan ng mga salita.
Napagtanto ni Rage na kaya gusto talagang hiwalayan ni Miguel si Kira ay dahil may alam na ito tungkol sa sitwasyon ni Klaire, at ngayon ay may kinuha pa itong assets ng pamilya. Maliban sa isyu nito kay Kira, halos lahat ng kilos ni Miguel ay may kaugnayan sa kanya.
Posibleng… binabalak ni Miguel na agawin si Klaire sa kanya.
Pwes, hindi niya hahayaang mangyari iyon!
Nang makita ni Klaire ang seryoso at tensyonadong mukha ng asawa, huminto siya sa panunukso dito. Matapos ibaba ni Rage ang tawag, tahimik lang ito habang nakatingin sa kawalan, paminsan–minsan ay nagtatagis ang mga ngipin.
“May nangyari ba? May problema ba sa kumpanya?” Tinanggal ni Klaire ang pag–iisip ni Rage tungkol kay Miguel sa pamamagitan ng malambing na boses.
“A little. There’s no need to worry about it. Maaasahan naman si Chris.”
“Ikaw nga ‘tong mukhang problemado. Uuwi na ba tayo? Ayos lang sa’kin. Sa totoo lang, ang saya–saya ko sa halos dalawang linggo nating magkasama rito.”
“No,” mabilis na tugon ni Rage.
Sa totoo lang, ayaw ni Rage na umuwi pa sila. Kung totoo ngang alam na ni Miguel ang tungkol sa nangyari noong gabing iyon, at may balak itong bawiin si Klaire, ayaw niyang bigyan pa ito ng pagkakataong makita ang kanyang asawa.
Kilalang–kilala niya si Miguel. Hindi ito basta–basta gumagawa ng padalus–dalos na desisyon nang walang matinding dahilan.
At si Klaire… Tinitigan ni Rage ang kanyang asawa nang puno ng pagmamahal.
Karapat–dapat lang na ipaglaban niya ito…
“Hindi mo ba ishi–share sa akin ang mga problema mo? Hindi naman ako magpapaka–stress doon. Gusto lang kitang suportahan.”
“Simpleng issue lang naman ‘yon. Hindi masyadong big deal.” Ipinatong ni Rage ang kanyang ulo sa hita ni
Klaire.
Mula sa kanyang posisyon ngayon, mas lalong gumanda si Klaire sa paningin niya. Hindi… anumang anggulo pa niya pagmasdan ito, lagi itong maganda sa paningin niya.
Pagkatapos ay ipinihit ni Rage ang ulo at marahang kinagat ang malambot na hita ng asawa. Sinundan niya ito ng marahang pagsupsop hanggang sa mapaungol si Klaire at nakiusap na tumigil na siya.
Kabanata 187
+25 BONUS
Kabanata 187

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)