Kabanata 187
Pero, tinutukso si Rage ng matinding pagnanasa na ituloy pa ang ginagawa niya. Gusto niyang marinig ang mga sigaw ng asawa na sarap na sarap. Ang mga ungol ni Klaire ay parang reminder na kailangang marinig ni Rage bawat ilang oras, araw–araw.
Madali niyang pinunit ang tatsulok na tela sa ilalim ng palda ni Klaire. Pagkatapos, ginamit niya ang dila niya
roon.
“Rage! Gusto kong lumabas habang maganda ang panahon,” reklamo ni Klaire.
Hindi pinansin ni Rage ang mga salita ni Klaire. Sa halip, abala siya sa pagsupsop at paglasap ng bahagi ng katawan ng asawa na laging nagbibigay sa kanya ng ligaya.
“Nakakakiliti… ahhh… tama na…‘
Habang mas nagpupumiglas si Klaire, mas lalo namang nasasabik si Rage. Mukhang mas lalo pa siyang gumagaling, dahil kaya niyang igalaw ang bawat parte ng katawan niya sa iba’t ibang paraan.
Tama. Kaya lang si Klaire. Siya lang ang may karapatang gumawa ng ganito sa asawa. Hindi niya kailanman ibibigay si Klaire sa pamangkin niya, kahit magmakaawa pa ito o pagbantaan ang buhay niya.
Nang marating na ni Klaire ang rurok ng kaligayahan, tumigil si Rage at niyakap siya. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito, paminsan–minsan ay binibilog ito sa kanyang mga daliri.
“Bakit ka tumigil? Ayaw mo na ba?”
“I want to… wait a minute… I still want to see my wife’s beautiful face.”
Palaging nangangamatis ang mukha ni Klaire sa tuwing sinasabi iyon ni Rage. Inilapat niya ang mga daliri niya sa matitigas na muscles sa dibdib ng asawa habang nahihiyang ngumiti.
“Honey, paano kung dito na lang tayo tumira? Tayong dalawa lang at ang anak natin… wala nang makakagulo pa
sa atin.”
Matagal nang sumagi sa isip ni Rage ang ideyang iyon. Handa siyang baguhin ang pamumuhay para lang maprotektahan si Klaire mula sa ibang lalaki.
Hindi lang si Miguel ang iniisip niyang banta. Ayaw rin niyang muling balikan ni Klaire ang nakaraan nito. Lalo na’t bata pa si Klaire. At ang mga babaeng kasing–edad niya ay maaaring magbago pa ng isip.
“Bakit mo nasabi ‘yan bigla? Paano tayo titira rito kung sa malayo ang trabaho mo? Napapagod ka na ba sa pagiging boss ng kumpanya?” tanong ni Klaire.
Wala namang tutol si Klaire kung saan man sila tumira. Pero alam niyang malaki ang responsibilidad ng asawa sa kumpanya. Hindi niya kayang maging makasarili at angkinin ito nang buo. Marami ring umaasa kay Rage kagaya ng mga nito empleyado sa De Silva Group of Companies na milyon–milyon ang bilang.
“You’re right… should I switch professions to farming? Chris can take over for me while I keep an eye on him
from here.”
Pagod na napabuntonghininga si Rage. Gustong–gusto na niyang mapag–isa lang sila ni Klaire habambuhay at
1/2
Kabanata 187
+25 BONUS
hindi na maistorbo pa ng ibang lalaki. Ngunit kung sakaling makuha ni Miguel ang posisyon niya, baka hindi na niya mabigay ang lahat ng gusto ng asawa.
“Gusto kong maglakad–lakad,” pagsusumamo ni Klaire, nararamdaman niyang wala si Rage sa mood para sa lambingan.
“Magbihis ka muna.”
Litong–lito si Klaire sa inaasal ng asawa buong araw. Kahit noong lumabas na sila, panay buntonghininga ito at tila lumulutang ang isip.
Lalo pa siyang nagtaka nang makatanggap si Rage ng isa pang tawag mula kay Chris at naging mas malalim pa ang iniisip nito.
“May mali,” sabi ni Klaire sa sarili.
Alam niyang hindi basta–basta nagsasabi si Rage ng problema. Lingid sa kaalaman ni Klaire, si Rage De Silva ay gusto lamang magmukhang matatag sa harap ng lahat, pati sa kanyang asawa.
Habang nakikipagkwentuhan si Klaire sa mga lokal, lumayo si Rage at tumawag kay Chris.
Napansin naman ni Klaire ang likuran ng asawa na nagtago malapit sa isang malaking puno.
Matapos magpaalam sa mga kausap, balak na sanang lapitan ni Klaire si Rage upang yayaing umuwi. Ngunit narinig niyang binabanggit ni Rage ang tungkol sa kanya habang nasa phone ito.
“Humanap ka ng malaking mansyon na may kasamang mga kasambahay at guwardiya. Hindi na kami pwedeng tumira kami sa De Silva mansion, kahit pa tutol si Mama sa desisyon ko. Baka biglang dumating si Miguel at tuksuhin ang asawa ko kung mananatili pa kami roon.”
“Miguel? So… si Miguel pala ang iniisip ni Rage buong araw?” Hindi natuwa si Klaire sa inaalala ni Rage. Sa halip, nadismaya siya, dahil tila ba wala itong tiwala sa kanya.
Pagkatapos ibigay ang lahat ng utos sa personal assistant, tumalikod si Rage at babalik na sana kay Klaire.
Kumabog ang dibdib niya nang makita ang asawa na nakatayo sa likuran niya. Gaano na ito katagal doon? Narinig ba nito ang buong usapan nila ni Chris?
“You startled me!” gulat na sabi ni Rage.
Humalukipip si Klaire, puno ng pagdududa ang mukha.
“Pinagdududahan mo ba ako? Sa tingin mo, matutukso ako kung biglang lumapit si Miguel at landiin ako?”
Kabanata 188

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)