Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 188

Kabanata 188

Siyempre hindi.Sinubukang abutin ni Rage ang ulo ni Klaire para haplusin ito gaya ng nakasanayan, pero umiwas ito at lumipat sa gilid. Ayaw mo bang hawakan kita?

Pinagdududahan mo na agad ako. Ano’ng sinabi mo kahapon? Sabi mo, mamumuhay na lang tayo na ang iniisip ay ang future natin. Si Miguel ay bahagi na ng nakaraanko, at wala na siyang kinalaman sa akin, maliban na lang sa pagiging pamangkin mona asawa ko. Hindi ko na siya kayang balikan, kahit pa tuksuhin niya ako.

Nagtagis ang bagang ni Rage. Pakiramdam niya’y nilulunok niya ang sarili niyang salitatama, siya mismo ang nagsabi na ayaw na niyang ungkatin ang nakaraan nila, pero ngayon ay siya mismo ang nagaalala tungkol sa lalaking bahagi na ng nakaraan ng asawa niya.

Pero hindi ba’t gano’n rin si Klaire? Handa itong halukayin ang nakaraan niya. Pero nang ang sarili niyang nakaraan ang pagusapan, agad sinabi nito na wala nang kinalaman sa kanya si Miguel.

It’s not like thatyou just misunderstood. You didn’t hear everything I said, did you?Pilit na naghanap ng palusot si Rage, pero gusto rin niyang malaman kung gaano karami ang narinig ni Klaire sa usapan nila ni Chris.

Sabihin mo sa akin!

Si Rage, na kanina’y nagaalala, biglang nainis nang utusan siya ng asawa. Nakakatawa si Klaire sa paningin niya, hindi bagay ang pagiging bossy nito.

Miguel is trying to join the company. May nagsabi sa akin na gusto raw niyang hiwalayan ang stepsister mo at baka lapitan kang ulit.Hindi nagsisinungaling si Rage, pero hindi rin niya sinasabi ang buong katotohanan.

Makikipagannul si Miguel kay Kira? Bakit? Saka, nakita mo ang text message ni Kira. Ayos naman sila. In fact, binilhan pa nga siya ni Miguel ng apartment.Gulat na gulat si Klaire kaya’t nalaglag ang mga kamay niya sa tagiliran.

Pinagmasdan ni Rage ang mga kilos ni Klaire habang naniningkit ang mga mata. Nagulat ba si Klaire at sabik sa balitang magpapaannul si Miguel? O masaya ba siya na tinamaan si Kira ng karma? O baka namanbasta lang nagulat?

Sa totoo lang, hirap si Rage na basahin ang nararamdaman ng mga tao, lalo na ng sarili niyang asawa. Nalilihis ang isip niya dahil sa selos at takot na baka iwan siya ni Klaire.

Masaya ka bang marinig na magpapaannul sila? Who knows, you might feel a sense of satisfaction after seeing your stepsister suffer,tukso ni Rage, hindi magawang diretsuhin sa takot na magmukhang nagdududa siya.

Hindi namannagulat lang talaga ako. Kahit galit ako kay Kira, hindi ko inaasahan na makikipaghiwalay siya kay Miguel.

Nakahinga ng maluwag si Rage at hinawakan ang kamay ni Klaire.

Pagusapan natin yan pauwi.

Habang naglalakad pauwi, magkasalikop ang mga kamay nilang at nagsasayaw sa ere, paminsanminsan ay lumulundag pa si Klaire. Lagi naman siyang pinagsasabihan ni Rage dahil sa pagbubuntis nito.

1/2

Kabanata 188

+25 BONUS

Wag kang masyadong magtatalon! Buntis ka!

Kaunting talon lang yun. Kapag nga inaararo mo ako arawaraw, okay lang ako.

Arawaraw?Pinulupot ni Rage ang kamay sa baywang ni Klaire at bumulong nang malambing, Sabihin mo nang direkta, hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin.

Lagiyong alam mo naSumulyap si Klaire sa mga guwardiyang nakapwesto ilang metro ang layo sa kanila. Hindi niya kayang sabihin nang diretsahan ang maiinit nilang aktibidad sa harap ng maraming tao.

What was that? You made me curious.Nagkunwaring inosente si Rage.

Alam mo na yon! Nakakainis ka!Kinurot ni Klaire ang dibdib ng asawa, tapos ay tumakbo palayo sa kanya. Mula kahapon, aliw na aliw siyang pinipisil ang dibdib ni Rage.

Dahandahan lang!sigaw ni Rage at hinihimas ang dibdib. Hintayin mong makauwi tayo, pagbabayaran mo

to!

***

Eksaktong isang buwan na ang lumipas, at natapos na ang honeymoon nina Klaire at Rage. Pauwi na sila sa mansyon ng mga De Silva.

Gusto munang magpaalam nina Rage at Klaire kina Anna at Baltazar na balak na ring lumipat sa bagong bahay na inihanda ni Chris para sa kanila.

Di ko gusto na matapos na ang honeymoon natin. Kulang pa ang isang buwan para makasama ka. Dapat hanggang sa manganak ka, honeymoon pa rin tayo.Nakasandal ang ulo ni Rage sa balikat ni Klaire, habang hinihimas ang bahagyang nakausling tiyan nito.

May pagkakaiba ba kahit nasaan tayo?

Tama ka naman.Pero hindi pa rin handa si Rage na matapos ang honeymoon nila. Kailangan na niya kasing magtrabaho pagbalik sa Maynila. You have to come with me whenever I work.

Sige, uupo lang ako nang tahimik sa tabi mo. Baka may babaeng gustong akitin ang asawa ko.

I’m more afraid of another man seducing my beautiful wife.

Iniisip pa rin ni Rage si Miguel, na nitong mga nakaraang linggo ay hayagang nagpapakita ng kagustuhan nitong mapalapit kay Klaire. Ilang beses na rin nitong inimbitahan si Kira na manatili sa mansyon ng mga De Silva.

Sinabi rin ng mga tauhan ni Rage na madalas magtanong si Miguel kung kailan sila babalik ni Klaire. Sa katunayan, hanggang ngayon, tiyak ni Rage na nandoon si Miguel at hinihintay silang dalawa.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)