At tama nga ang hinala ni Rage. Pagkatapos ng trabaho, dumiretso si Miguel sa kanyang lolo para pag–usapan ang tungkol sa kompanya. Sinabihan na ni Rage ang ama na paalisin si Miguel kung darating ito sa parehong araw na darating siya. Ngunit hindi magawang itaboy ni Baltazar ang kanyang apo.
“Lolo, dito muna ako matutulog ngayong gabi. May kailangan akong i–discuss kay Uncle Rage.”
“Bakit hindi na lang bukas? Siguradong pagod sina Rage at ang asawa niya sa biyahe.”
“Sige na, Lolo… sa ibang siyudad lang naman sila nagpunta. Uncle usually buys me souvenirs after his trips,” pangungulit ni Miguel.
“Isama mo ang asawa mo.”
Lagi nang sinasabi ni Baltazar kay Miguel na isama si Kira tuwing gusto nitong magpalipas ng gabi sa mansyon. Kung naroon si Kira, kahit papaano’y hindi magagawa ni Miguel ang anumang hindi kanais–nais.
Bago pa man ang kasal ng kanyang anak, may nagsumbong na kasambahay kay Baltazar na pumasok si Miguel sa silid ni Klaire at gumawa ng kaunting gulo. Agad niyang pinanood ang kuha ng CCTV cameras sa buong mansyon at nahuli sa kamera si Miguel na madalas na lihim na tumitingin kay Klaire.
“Sige. Ipapasundo ko na siya sa driver.” Tumayo si Miguel. “Maliligo muna ako, Lolo.”
Gusto ni Miguel na maging maayos ang ayos sa muling pagkikita nila ni Klaire. Umaasa siyang makausap ito nang masinsinan para sabihin ang kanyang plano.
Kumbinsido na pinilit lang si Klaire na pakasalan si Rage, balak niyang hikayatin ito na iwan ang kani–kanilang mga asawa at bumalik sa dati nilang relasyon. Alam ni Miguel na mahal na mahal siya ni Klaire, at naniniwala siyang tatanggapin nito ang kanyang alok.
Dumating na rin ang sandaling hinihintay niya. Mas nauna pang dumating sina Klaire at Rage kaysa kay Kira na ipinasundo pa lamang. Magkakasamang sinalubong nina Miguel at ng mga lolo’t lola niya sina Rage at Klaire sa
salas.
Baliktad sa inaasahan ni Miguel, magkahawak–kamay sina Klaire at Rage habang naglalakad papasok ng mansyon. Pareho silang masaya at nakangiti. Nang magtagpo ang tingin niya at ni Klaire, unti–unting nawala ang ngiti sa mukha nito, pati na rin sa mukha ni Rage.
“You’re here,” ani Rage kay Miguel. Normal pa rin ang kanyang kilos, pero bigla niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ng asawa.
“Wala ka bang pasalubong sa akin, Uncle?” Wala namang ibang ipinakikitang motibo si Miguel.
“Ah… nakalimutan ko. My eyes and thoughts were always on my wife, so I couldn’t remember anything there.
Ha ha ha,”
Napakuyom si Miguel habang nasa bulsa ang mga kamay, habang pinapanood si Rage na hayagang ipinapakita ang pagmamahal kay Klaire sa ng pagyakap nito sa asawa. Malinaw para sa kanya na niloko lang siya ni Rage. Hindi naman para protektahan ang pangalan ng pamilya kaya niya gustong pakasalan si Klaire.
Iniisip ni Miguel na matagal nang may gusto si Rage kay Klaire, kahit noong fiancée pa niya ito. At ang
1/2
Kabanata 189
+25 BONUS
ebidensiya? Labis ang saya ni Rage matapos silang ikasal!
Lalo pang sumikip at parang umapoy ang dibdib ni Miguel nang mapansin ang bahagyang nakausling tiyan ni Klaire. Tiyak siyang higit isang buwan na itong buntis. Mas lalo siyang nasaktan sa imaheng ginalaw ng sarili niyang tiyuhin si Klaire.
Gusto sana niyang makausap si Klaire nang palihim, pero ni isang pagkakataon ay wala siyang nakuha. Hindi umaalis si Rage sa tabi nito. At nang dumating si Kira, lalo siyang hindi nakakilos.
Sa huli, si Rage muna ang nakausap niya. Sadya siyang lumapit habang abala si Rage sa opisina ng lolo niya. Samantala, si Klaire ay nasa sala kasama ang lola niya at si Kira.
“Nabalitaan kong buntis na si Klaire, Uncle? Kakauwi n’yo lang galing honeymoon, paano agad siya nabuntis?”
Ngumiti si Rage habang nakatalikod kay Miguel. Hindi siya nagkamali sa kanyang mga hinala. Hindi lang basta naghihinala si Miguel… alam na nito ang lahat ng nangyayari.
Humarap siya at umupo sa swivel chair ng ama. Inihilig niya ang ulo sa likod ng sandalan, waring walang pakialam.
“Every pregnant woman’s condition is different. Tatlong linggo pa lang si Klaire. Alam mo naman, mahusay ang Uncle mo sa lahat ng bagay, pati sa paggawa ng anak.”
“Congrats sa pagbubuntis ng asawa mo, Uncle. Pero ‘di ba sabi mo noon na pinakasalan mo lang si Klaire para protektahan ang pangalan ko at ng pamilya natin?”
“Kahit ano pa ang dahilan ng kasal namin, mag–asawa na kami ngayon. There’s no way I’d just sit back and relax when I have a beautiful and sexy wife like her.” Hayagan ang pagpapakita ni Rage ng pagnanasa kay Klaire. “I should be thanking you for leaving me this beautiful jewel.”
“Tama ka naman…” tugon ni Miguel, nagtatagis na ang mga ngipin sa galit.
“Parang nagseselos ka ah? Wala ka na nararamdaman sa asawa ko, ‘di ba?”
Matalim na tinitigan ni Miguel ang tiyuhin.
“Mahal ko pa rin si Klaire, Uncle. Mahal na mahal.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)