“Hindi mo gusto ang gatas ko?” tanong ni Klaire.
“Gusto ko, pero may kulang,” ani Rage, at iniangat ang ulo na para bang mayroon siyang naalala. “Ah, alam ko na!”
“Ano? Hindi ba masyadong matamis? Siguro dagdagan ko na lang ng asukal sa susunod. Sinadya ko talaga na hindi iyon masyadong tamisan,” saad ni Klaire.
“Hindi,” wila ni Rage, at nagpatuloy. “I’ve apparently gotten used to drinking milk straight from the source. Hindi na masarap ang gawa ng pabrika.”
Tinitigan niya ang malambot na umbok na nasa kanyang kamay habang dinidilaan ang kanyang mga labi.
“Ang manyak mo naman yata, honey!” sigaw ni Klaire, habang tinatabig ang kamay ng asawa. “Dapat nagtatrabaho ka, hindi ba? Sasamahan na lang kita hanggang matapos ka. Tigilan mo muna ‘yan hanggang matapos mo ang lahat.”
Napangisi si Rage, ipinakita ang mapuputi niyang ngipin, saka bumalik sa mga dokumento.
“What about your stepsister? Nakita mo siya kanina, ‘di ba?” tanong ni Rage habang nagsusulat.
“Parang tulala lamang siya, honey. Habang kasama ko si mama, si Kira naman ay tila laging wala sa sarili at bihirang sumali sa usapan.‘
“Talaga? Hindi ka ba naaawa?”
“Bakit naman? Ni minsan hindi siya naawa sa akin. Inilagay pa nga niya ako sa alanganin noon,” seryosong tugon ni Klaire sa kanya.
“Good. You shouldn’t easily forgive someone who has done something bad to you. Ang pagpapatawad ay mabuti, pero dapat manatiling maging maingat. Hindi lahat ng mukhang nagsisisi ay tunay na nagbago.”
Si Miguel ang tinutukoy ni Rage. Kita niya ang pagsisisi ng kanyang pamangkin dahil iniwan niya si Klaire, ngunit tila may plano pa itong gagawin na ikapapahamak niya. Ang subukang bawiin si Klaire, kahit na sa kanya na ito ngayon.
“Tama ka. Ang swerte ko na may asawa akong matured at alam ang lahat,” puri ni Klaire dahilan upang bahagyang mapuno ng pagmamalaki si Rage.
“Aren’t you sleepy? Kailangan kong makipag–usap kay Chris maya–maya,” saad ni Rage, sabay lapag ng ballpen at hinaplos ang tiyan ng asawa. “Tatawagin ko si Alma para samahan ka habang wala ako,‘
“Hindi na. Malapit lang naman ang kwarto natin. Doon na lang ako babalik,” sagot naman ni Klaire at hinalikan ang pisngi ni Rage, umabot hanggang sa kanyang panga.
Sampung halik ang iginanti ni Rage, tinapos ng isang maalab na halik na nag–iwan sa kanilang dalawa nang makahulugang titig.
“Huwag kang magtatagal,” bulong ni Klaire.
1/2
Kabanata 191
+25 BONUS
“Hmm… don’t fall asleep yet. I’ll be with you in ten minutes.”
Ipinagdikit ni Rage ang kanilang mga ilong at pumikit habang bumibigat ang kanyang paghinga.
Samantala, kumindat naman si Klaire bago tuluyang umalis. Masigla siyang naglakad pabalik sa kanilang silid, iniisip na sasalubungin niya si Rage mamaya suot ang isang maikling bestida.
Ngunit bago siya makarating sa koridor, may kamay na biglang humawak sa kanyang braso. Napasinghap si Klaire nang hilahin siya papasok sa yakap ni Miguel.
“Miguel!” gulat niyang sigaw.
“Klaire,” bulong nito, mahigpit ang pagyakap sa kanya.
Ngunit, pinilit niyang kumawala rito.
“Miguel! Ano ba ang ginagawa mo? Pakawalan mo ako!” sigaw niya.
Bumitaw naman si Miguel, ngunit hindi pa rin inalis ang paghawak sa kanyang kamay, kahit halatang nasasaktan na si Klaire.
“Bigyan mo lang ako ng sandaling makausap ka.”
Dahil sa narinig kanina mula sa usapan nina Rage at Klaire, may ideya na siya sa gustong sabihin ni Miguel. Hindi siya tatakbo. Haharapin niya ito upang tuluyan nang putulin ang anumang ugnayan nila, maliban sa katotohanang magtiyahin sila sa batas.
“Sige, makikinig ako pero pakawalan mo muna ang kamay ko.”
Malamig niyang tinitigan ang lalaking minsan niyang minahal.
Bahagyang nanginig si Miguel sa pagbabago ni Klaire. Sa isip niya, totoo nga kayang hindi lang pag–arte ang narinig niya kanina?
Narinig niya noong tinawag ni Klaire si Rage ng ‘honey‘. Akala niya ginawa iyon dahil alam nitong nasa labas siya at gusto lang patunayan na ayos lang siya.
“Ano ba ang gusto mong sabihin?”
Nabigla si Miguel at mabilis na sumagot, “Klaire, hindi mo kailangang magpanggap na matapang sa harap ko. Alam ko na ang lahat. Inabuso ka ni Uncle no’ng gabing ‘yon. Pasensya ka na at huli ko lang nalaman…”
Kung noon niya ito sinabi, marahil nayakap na siya ni Klaire at humingi ng tawad. Pero huli na ang lahat.
“Pinatawad na kita. Sapat na ‘yon, hindi ba?”
Hinawakan ni Miguel ang dalawang kamay niya. Napatingin si Klaire sa kanilang mga kamay, halatang hindi komportable, at sinubukang bumitaw. Ngunit bago niya magawa, may sinabi si Miguel na ikinagulat niya.
“Mahal pa rin kita, Klaire. Noon pa man at magpa–hanggang ngayon. Marahil huli na akong magsabi nito, pero hindi ko kayang burahin ang damdaming ito. Gusto kong ayusin natin ang lahat. Makipaghiwalay tayo sa mga asawa natin at bumalik tayo sa dati.”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)