Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 192

Matapos ang gabing iyon, paulitulit na kinukumbinsi ni Kira si Miguel na sariwain ang kanilang unang gabi bilang magasawa. Naniniwala pa rin siya na naganap na ang kanilang pagsasama bilang magasawa. Ngunit lalo lang lumalayo si Miguel.

Inisip ni Kira na marahil hindi ito nasiyahan sa kanya kaya ayaw na nitong makasama siyang muli. Pumunta pa siya sa iba’tibang lugar para matutunan kung paano paligayahin ang isang asawa. Ngunit tila huli na ang lahat. Baka lubos nang nadismaya si Miguel at ayaw na siyang muling hawakan.

Sa harap ng ibang tao, mabait ang kanyang asawa. Ngunit kapag nakabalik na sila sa kanilang apartment, bumabalik si Miguel sa pagiging malamig at walang pakialam sa kanya.

Ngayon na nakatira sila sa bahay ng mga De Silva, nais ni Kira na ayusin ang kanilang relasyon. Ngunit ano itong narinig niya ngayon?

Mahal pa rin ni Miguel si Klaire? Iyon pala ay hindi tungkol sa hindi ako marunong magserbisyo?

Mariing pinisil ni Kira ang kanyang mga kamao sa galit.

Klaire, may pagkakataon pa tayong ayusin ito. Alam kong mahal mo rin ako. Hindi man natin binigkas ang mga salitang mahal kita, pareho naman nating alam ang nararamdaman ng isa’tisa,ani Miguel, pilit na kinukumbinsi si Klaire.

Nakaraan na yon, Miguel Bonifacio! Asawa na ako ng tiyuhin mo, at ang pagmamahal ko ay para na lamang sa kanya. Kalimutan mo na ako at mamuhay kang maayos kasama ang asawa mo!

Mula sa hindi kalayuan, patuloy naman na lumapit si Miguel kay Klaire kahit ilang ulit na siyang tinatanggihan nito. Halos mayakap at mahalikan na niya ang babae. Susubukan na sana ni Kira na ihakbang ang mga paa, ngunit natigilan siya sa tunog ng malakas na sampal.

Isang matinding sampal ang dumapo sa pisngi ni Miguel. Lubos siyang nagulat sa hapdi at kirot na naramdaman mula sa kamay ng kanyang dating kasintahan.

Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Miguel Bonifacio?!singhal ni Klaire sa kanya.

KKlaire, ssinampal mo ako?nauutal na sambit ni Miguel, at halos hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Huwag na huwag kang maging bastos sa akin! Ako na ang tita mo ngayon! Respeto ang dapat mong ibigay sa akin tulad ng pagrespeto mo sa Uncle mo. Pinatawad na kita, at ngayon heto ka sinusubukan mo akong halikan?!

Mabagal na iniling ni Miguel ang kanyang ulo. Kahit na sinampal at sinermonan, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga salita at kilos ni Klaire. Bata pa lang sila, kilalangkilala na niya ito at tiyak siyang hindi siya kailanman itataboy nang ganoon lamang

Klaire, ano’ng nangyari sa yo? Hindi mo ba talaga ako pinatawad?

Sinabi ko na sa yo na pinatawad na kita sa hindi mo pakikinig noon at sa pagsira mo sa engagement natin. Pero hindi ibig sabihin no’n na pareho pa rin ang nararamdaman ko dati!

Inunat ni Miguel ang kanyang mga kamay, umaasang mapapakalma siya. Alam niya kung paano palubagin ang

Kabanata 192

+25 BONUS

loob nito noon.

Ngunit kaagad na umatras si Klaire at bantang sinabi, Huwag mo akong piliting ulitin ang sinabi ko, Miguel Bonifacio.

Klaire, buong puso kitang matatanggap, pati ang batang nasa sinapupunan mo. Hindi mo kailangang makaramdam ng pagkakasala sa akin.

Ngunit, muling tinabig ni Klaire ang kamay nito at nagmamadaling naglakad palayo. Pero sa halip na tumungo sa kanilang silid, bumalik siya sa opisina ni Rage.

Klaire!tawag ni Miguel, pilit na abutin ang kamay ng babae.

Mabilis namang tumakbo si Klaire hanggang sa makarating siya sa pinto ng opisina. Sa isang iglap, binuksan niya iyon at dalidaling niyakap si Rage mula sa likod, habang halos bumigay na ang kanyang mga luha. Pero tumanggi siyang umiyak para sa kanyang nakaraan. Nilunok niya ang luha at pinalitan ng galit sa puso.

Honey

Humarap si Rage sa kanya at nagtataka siyang tiningnan.

Ano’ng nangyari? Bakit ka bumalik?

Lumingon si Klaire sa likuran. Hindi siya sinundan ni Miguel.

Siguro ay natakot ito sa kanyang Uncle,naisip niya.

Nasalubong ko si Miguel,kagatlabi niyang sinabi.

Gusto niyang ikwento ang lahat, ngunit ayaw niyang masira ang samahan ng magtiyuhin.

What happened? Why do you look worried? Sinaktan ka ba niya?

Ano ang gagawin ko? Ayokong ako ang masisi na sumira sa pamilya De Silva. Pero kailangan malaman ni Rage ito. Kung hindi, lalo lang lalakas ang loob ni Miguel,ani Klaire at tila naglalaban ang kanyang isip.

Hindi mo ba sasabihin, o gusto mo pa bang ako na mismo ang umalam nito? Alam mong mas magagalit ako kapag hindi ko narinig mula sa yo,sambit ni Rage.

Bahagyang umiling si Klaire.

Pero mangako ka muna na hindi ka magagalit matapos kong sabihin ito?

Itinaas niya ang kanyang hinliliit at agad namang ipinulupot ni Rage ang kanya rito.

I promise,sagot ni Rage sabay halik sa kamay ng asawa.

Ikinwento ni Klaire ang lahat ng sinabi at ginawa ni Miguel. Siyempre, nagalit si Rage, ngunit hindi ganoon ang kanyang naging tugon. Nakita na pala niya ang lahat sa surveillance camera na nakalagay sa opisina ng kanyang

ama.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)