Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 193

Kanina pa man, gusto na sana niyang sundan si Klaire, ngunit pinili niyang obserbahan ito. Nakita niyang sapat na ang ginawa ni Klaire kung saan sinampal pa nga nito si Miguel bilang matinding babala. Kaya naman hindi na kailangang manghimasok basta hindi siya sinasaktan.

At bago pa siya makalabas ng opisina, bumalik na si Klaire sa kanya. Nagpanggap pa siyang abala sa mga dokumento bago ito yumakap sa kanya.

Mabuti iyon. Tama ang ginawa mo. Ako na ang kakausap kay Miguel para hindi ka na niya bastusin ulit.

Banayad na hinaplos ni Rage ang ulo ng asawa, puno ng pagmamahal at pagmamalaki.

Laging natutuwa si Klaire sa tuwing pinupuri siya ng asawa. Natunaw agad ang galit niya kay Miguel at napalitan ng lambing ng kanyang kabiyak.

Hindi pa ba dumarating si Chris? Pwede ba akong maghintay dito? Natatakot akong bumalik magisa sa kwarto,pacute na pahayag ni Klaire.

Hindi siya darating ngayong gabi. Tumawag siya kanina. He just called me. Let’s go back to my room now. I’m done with my work, too.

Magkahawakkamay silang naglakad pabalik. Si Miguel na matagal nang nagaabang ay nagtago sa likod ng malaking haligi. Mabilis siyang nagkubli nang makita ang dalawa.

Doon niya tuluyang nasaksihan kung gaano katotoo ang pagmamahal ni Klaire sa kanyang tiyuhin. Ngunit hindi siya bastabasta susuko!

Kasalanan niya ang lahat, at kailangan niya itong ayusin. Nais niyang maibalik ang dating Klaire, ang tahimik at inosente, laging nakangiti, at mahinhin na hindi kailanman mananampal.

Klaire, bakit ka biglang nagbago?mariing pinukpok ni Miguel ang kanyang dibdib sa sobrang kirot.

Masakit ito. Para bang gusto niyang punitin ang kanyang dibdib para mawala ang sugat na iyon.

Miguel, bakit narito ka?

Tinig ni Kira ang gumulat sa kanya. Nagkunwari itong walang alam sa nangyari.

Wala kang pakialam.

Tinabi ni Miguel ang braso nito at halos matumba ang babae.

Bakit ka naging ganito, Miguel? Ano ba ang nagawa ko?mahinang bulong ni Kira habang palayo ang asawa. Si Klaire na naman! Bakit lagi mong sinisira ang buhay ko?!

Halos humagulgol na si Kira sa sobrang inis.

Hindi siya pinansin ni Miguel. Agad naman na nagtungo si Miguel sa kanyang apartment para makita ang isa pang babae na lagi niyang kinukuwentuhan ng kanyang mga problema.

Bumili pa siya ng apartment para kay Erica sa parehong gusali, katabi lang ng kanyang unit. Mas ligtas at mas

1/2

Kabanata 193

+25 BONUS

madali para sa kanilang magkita nang palihim.

Erica

Agad niyang niyakap ang babae, naghahanap ng ginhawa.

Ano’ng nangyari? Bakit parang balisa ka?inalalayan siya ni Erica paupo sa sofa.

Ngunit ayaw siyang bitiwan ni Miguel. Ipinatong niya ang ulo sa balikat nito at mahigpit na niyakap ang baywang ng babae.

Bumalik na siya. Ang babaeng mahal ko na si Klaire. Sinabi niya sa akin na hindi na niya ako mahal, Erica

Hindi lubos na maintindihan iyon ni Erica. Ang alam lang niya, si Kira ang asawa ni Miguel na galing sa pamilya Limson. Ngayon lang niya narinig ang pangalang Klaire pero may hinala na siya kung sino ito.

Ibig mong sabihin si Klaire De Silva? Ang asawa ng iyong tiyuhin?

Tumango si Miguel, at dumampi ang mukha niya sa leeg ni Erica dahilan upang kilabutan ito.

Siya ang dapat kong mapangasawa, pero dahil sa pagkakamali ni Kira, hindi natuloy ang kasal namin. Sa halip, siya pa ang napangasawa ng tiyuhin ko, Erica. At ngayon, sinasabi niyang mahal niya ito,sambit ni Miguel, at hinawakan niya ang kanyang dibdib saka nagpatuloy, Ang sakit

Plano ko pa namang hiwalayan si Kira para muling makapiling si Klaire,patuloy niya, nang hindi sinasadya ay naipaliwanag kung bakit hindi niya mapakasalan si Erica noon.

Kaya pala. Si Klaire pala ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinanindigan matapos niyang kunin ang aking pagkababae,naisip ni Erica.

Kailangan mong matutunang bitiwan ang isang bagay, o ang isang tao na hindi na para sa yo, Miguel. Baka may mas nakalaan pa para sa yo,saad ni Erica.

Walang ganoon! Si Klaire lang ang gusto ko, Erica! Siya lang ang mahal ko!sigaw ni Miguel.

Bagamat galit si Erica at gustong maghiganti, hindi niya kayang pakinggan ang lalaking mahal niya na ibang babae ang iniibig. Ngunit hindi niya ipapakita ang galit na iyon.

Mas mabuti bang makuha ko muna ang buong tiwala niya?sambit niya sa isipan.

Gusto mo bang paghiwalayin ang iyong Uncle at si Klaire?mahina niyang tanong sa lalaki.

Oo. Hindi ko kayang makita ang tiyuhin kong masaya kasama si Klaire,mabilis naman na tugon ni Miguel.

May maganda akong ideya, Miguel.

At kasabay no’n ang isang misteryosong ngiti ni Erica nang ibulong niya rito ang kanyang plano.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)