Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 194

Nagliwanag ang mukha ni Miguel sa tuwa nang marinig ang mungkahi ni Erica sa kanya.

Ang talino mo talaga. Sulit ang pagpapaenroll ko sa yo sa prestihiyosong paaralan na yon.

Siyempre! Basta huwag mo lang akong kalimutan kapag natupad mo na ang plano mo,nakangising sambit ni Erica habang nakakibitbalikat nang may pagmamalaki.

Tumuwid naman ng upo si Miguel at tumitig kay Erica nang may paghanga. Kahit nagkasala siya rito noon, pinili pa rin nitong tulungan siya.

Kumusta naman ang mga exam mo? Pwede ka na bang makapagapply sa university pagkatapos ng graduation? O, gusto mo bang diretsong magtrabaho sa kumpanya ko?alok niya, taospuso ang pasasalamat.

Sa susunod na linggo na ang exam. Dahil sa yo, kakaunti lang ang klaseng kailangang pasukan ko. Paano kung magtrabaho ako sa kumpanya mo habang nagaaral?

Magandang ideya iyan,ani Miguel at wala na siyang makitang mali sa pagiging confident ni Erica. Habang nakikilala niya ito nang husto, napagtanto niyang matalas ito at puno ng potensyal. Gagawin kitang sekretarya o personal assistant ko.

Gusto ko maging direktor,biro ni Erica.

Hindi pwede yon. Kailangan mong magtapos at patunayan muna ang sarili mo,mabilis naman na tugon ni Miguel.

Kahit madalas nang bumisita si Miguel kay Erica mula nang lumipat ito malapit sa kanyang apartment, hindi na nila inuulit ang mga gabing puno ng init. Ayaw ni Miguel na lalong palalain ang sitwasyon kahit minsan ay natutukso siya sa ganda ng babae.

Wala na ang nakakaadik na droga na nagtutulak sa kanyang mabaliw sa pagnanasa. Wala siyang dahilan para hawakan si Erica kahit ang isip kay Klaire ay madalas nagtutulak sa kanyang ibuhos ang sama ng loob dito.

Gusto mo bang magpalipas ng gabi rito? Ipaghahanda kita ng kwarto.

Hindi na,

dumaan lang ako sandali. Ako at ang asawa ko ay nasa bahay ng lolo ko nakatira. Baka pagalitan ako kung iiwan ko siyang magisa roon. Isa pa, kailangan ko rin siyang kausapin para maisakatuparan natin ang plano mo,paliwanag ni Miguel at tinitigan niya nang makahulugan si Erica, saka nagpatuloy. Salamat talaga.

Pagalis niya kay Erica, agad na bumalik si Miguel sa tahanan ng mga De Silva. Naghihintay na si Kira sa kanilang silid, nakaupo sa gilid ng kama.

Bakas sa mukha nito ang tensyon, puno ng pagaalala tungkol sa relasyon nila at kung paano mapapalayo si Klaire sa kanilang buhay.

Bumalik ka rin. Saan ka galing?” malamig na ang tono ni Kira ngayon. Sinubukan mo bang lihim na hanapin si Klaire at ipagtapat ang nararamdaman mo sa kanya?

Nagulat si Miguel dahil sa kanyang narinig. Narinig mo ba ang usapan namin ni Klaire?

NNapakawalanghiya mo, Miguel! Paano mo nagawang gustuhin na hhiwalayan ako para lang makabalik sa

1/2

Kabanata 194

+25 BONUS

kanya?!sigaw ni Kira, nanginginig ang boses sa paghihinagpis.

Ngunit hindi na natitinag si Miguel sa luha nito. Masyado na siyang napuno ng pait matapos mabunyag ang mga panlilinlang ni Kira laban sa kanya at kay Klaire. Hindi na niya pinaniniwalaan ang mga luhang iyon na pawang panloloko lamang.

Patawarin mo ako. Malaking pagkakamali ang nilapitan ko si Klaire,sambit ni Miguel, sabay upo sa tabi ni Kira, pinabababa ang tinig. Ngayon ko lang naintindihan. Isa lamang siyang babaeng walang hiya na gusto lang ang Uncle ko dahil mas mayaman ito kaysa sa akin. BBigla na lang akong nagalit sa kanya matapos malaman ang katotohanan.

Napakuyom ang mga kamao ni Kira, habang ang kanyang mga mata ay halos umapoy na sa galit. Ngunit ang tunay na galit ni Miguel ay para sa kanya, at hindi kay Klaire.

Subalit kailangan ni Miguel ang tulong ni Kira. Gagawin niya ang lahat para mapapanig ito sa kanya.

Huwag kang magsinungaling, Miguel! Malinaw kong narinig na sinabi mong mahal mo pa rin ang stepsister ko!singhal ni Kira.

Subalit mabilis naman siyang hinila ni Miguel upang yakapin. Hinaploshaplos niya ang likod nito para pakalmahin, habang siya ay naninikip ang panga at mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao, labis ang pagkamuhi sa bawat sandali.

Hindi ako nagsisinungaling. Patawarin mo ako sa pananakit ko sa yo,kalmadong saad ni Miguel.

Ilang sandali silang nanahimik hanggang sa ipinatong ni Kira ang kamay sa dibdib niya.

Hindi mo ako iiwan?

Hindisagot ng lalaki, sinadyang tinagalan niya bago muling nagsalita. Gusto kong maghiganti kay Uncle Rage at Klaire dahil sa pagtataksil nila sa akin.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)