Kabanata 44
Hindi lang ito bumili ng sandamakmak na tissue, at talagang nagdala pa ito ng psychiatrist at psychologist para tingnan ang lagay niya. Akala ni Rage, namimiss niya si Miguel nang husto na baka makasama sa pagbubuntis niya.
Kahit pa paulit–ulit niyang itanggi na hindi na nga niya iniisip si Miguel, tila ayaw pa rin maniwala ng asawa
niya.
*KNOCK KNOCK*
“Huwag mong iyakan nang matagal ang ex mo!” iritableng sigaw ni Rage mula sa labas.
Napasinghap si Klaire at bumalik sa realidad. Ayaw niyang lumabas at marinig ang mga paratang ni Rage, pero gusto na niyang mahiga sa kama. Nang maalala ang naging desisyon kaninang umaga, pinatatag niya ang kalooban.
Dapat subukan niyang tanggapin at mahalin si Rage mula ngayon. Asawa na niya ito… Dapat maging mabuti siyang asawa sa lalaki. Malalim siyang huminga bago binuksan ang pinto ng banyo.
Siniksik naman ni Rage ang sarili sa sofa tulad kagabi. Sa isip ni Klaire, bakit pa ito natutulog sa sofa kung lilipat din naman ito sa kama?
“Sir, sa sofa na naman po ba kayo matutulog? Sasakit ang likod ninyo,” aniya at lihim na natuwa sa natural na pagsasalita niya. Gano’n nga! Dapat mas maging matapang siya sa asawa.
Hindi naman sumagot si Rage sa tanong ni Klaire. Ito nga mismo ang ayaw magpahawak at ayaw ng katabi sa kama. Kung gusto nitong bumawi, dapat lumapit ito at pakiusapan siya!
Nag–aatubili man, lumapit si Klaire kay Rage at inilapat ng isang daliri ang likod nito.
“Sir…,” malambing niyang tawag.
Sir… sir… sir…! Sawa na si Rage sa tawag na ‘yon! Sinabi na niya rito na huwag na siyang tawaging sir, pero hindi pa rin ito sumunod! Nanatili siyang tahimik at hindi iimik kung hindi siya nito tatawagin nang tama!
At ano nga ‘tong ginagawa ni Klaire? Isang daliri lang ang ginamit para hawakan siya! Gano’n na ba ang pandidiri nito sa kanya?
Sa kabilang banda, naguguluhan naman si Klaire. Naawa siya kay Rage na natutulog sa sofa sa sarili nitong kuwarto. Ayaw din niyang isipin na kontrolado niya ang mga gamit nito.
Dahan–dahang humiga si Klaire sa mahabang sofa sa tapat ni Rage. Siguro, ayaw nitong matulog sa tabi ng dating secretary, naisip niya. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin o gagawin.
“Kayo na lang po ang humiga sa kama kung ayaw ninyong doon ako natutulog, Sir.” Ipinikit ni Klaire ang mga mata at nagpasyang magpahinga na. Okay lang sa kanya ang sofa, basta titigil na si Rage sa pag–aasar sa kanya.
Ngunit lalo lamang nagalit si Rage. Umupo ito at tinitigan siya nang masama.
“Ang galing mong mangbaligtad ha! You’re the one who’s disgusted by me and didn’t want to be touched last night! Ikaw ang nag–iisip pa ang ibang lalaki! At ngayon, ako pa ang sinisisi mo?!” pagsabog ni Rage.
1/2
Kabanata 44
+25 BONUS
Minulat ni Klaire ang mga mata at mabilis na umupo’t humarap sa asawa.
Ito nga ang hindi umiimik kahit sinusubukan na niyang magpakabait. Naisip niyang useless lamang ang magpaliwanag dito dahil hindi naman ito nakikinig. Palagi na lang tama si Rage sa sarili niya!
Ngayon naman, siya ang sinisisi nito!
Bakit ba punung–puno ng mga paratang si Rage sa kanya?
“Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ko iniisip si Miguel o ang sinumang lalaki. At hindi ko sinabing ayaw kong magpahawak o nandidiri ako sa’yo! Hindi lang talaga ako handa at natatakot dahil hindi ko pa nagagawa ‘yon!” sigaw niya, hindi na nakapagtimpi.
“You did it with me! Ngayon, ayaw mo nang ulitin dahil nandidiri ka sa akin! Ano pa ba ang dahilan?” pagtataas din ng boses ni Rage.
“Hindi ko naaalala ang nangyari noong gabing ‘yon! At hindi ko alam kung paano gawin ‘yon!” Sunud–sunod na sigaw ni Klaire. “Ikaw ang mas matanda, ‘di ba? Dapat marunong kang gumabay sa akin nang dahan–dahan, kesa magtampo nang magtampo na parang bata dahil hindi nasusunod ang gusto mo!” Agad niyang tinakpan ang bibig ng dalawang kamay pagkatapos sabihin ang lahat ng nasa isip.
Natigilan naman si Rage sa mga salita ni Klaire.
Kaya pala…
Hindi naman pala siya kadiri–kadiri kay Klaire! Gusto lang nitong magabayan nang dahan–dahan…
Biglang nawala ang lahat ng galit na nararamdaman ni Rage. Nahimasmasan siya at mabilis na lumapit sa asawa.
Napatihaya si Klaire sa sofa sa pagkabigla nang tumayo si Rage sa harap niya.
“S–sir, pasensya na… hindi ko sinasadya—”
“Okay, let’s do it slowly.” Inilapit ni Rage ang mukha sa asawa. “This time, you can’t refuse me, Klaire De Silva.
་་

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)