“Get in the car now, Klaire. Hindi mo naman siguro gustong ma–late tayo sa importante naming meeting, ‘di ba? “ani Rage sa seryosong boses, hindi papayag na mag–usap ang asawa at ang pamangkin nang sila lamang.
“Just a moment, Uncle Rage,” pakiusap ni Miguel sa determinadong ekspresyon.
Samantala, mula sa malayo, nagmamadaling lumapit si Kira habang inaangat ang laylayan ng damit. “Miguel! Bakit mo ako iniwan?”
Napatutok ang tingin ni Kira sa kamay nitong nakahawak sa pulso ni Klaire. Gustong–gusto nitong sampalin si Klaire dahil ang kapal ng mukha nitong hawakan ang asawa niya, kahit na malinaw namang si Miguel ang nakakapit sa babae.
Pinigilan lang ni Kira ang sarili dahil maraming tao sa paligid. Ngunit babawian niya si Klaire sa tamang panahon.
Mabilis na inagaw ni Klaire ang kamay kay Miguel nang mapansing nakatingin doon si Kira. Pagkatapos, agad siyang sumakay ng kotse nang hindi na lumingon pa sa dating nobyo, pati na rin kapatid.
Sapat na ang pagbati niya sa kanila ngayon. Hindi na niya kailangang magpanggap na close pa rin sila, gaya ng hinihingi ng Papa niya.
Wala na rin naman siyang silbi sa kanila.
Habang umaandar ang kotse, nakita ni Klaire mula sa peripheral vision niya ang pagtatalo nina Kira at Miguel. Mukhang inis na inis si Miguel habang kausap ang asawa, hindi tulad ng dati na mabait ang pakikitungo nito kay
Kira.
Dahil ba sa kanya nag–away ang mag–asawa? Baka nagseselos si Kira dahil pinuntahan siya ni Miguel… Bahala na. Wala na siyang pakialam. Itinaboy ni Klaire ang lahat ng iniisip tungkol kay Miguel o sa pamilyang nagtakwil sa kanya.
Sa tabi niya, nakahalukipkip ang mga braso si Rage at may masungit na ekspresyon. Sa isip niya, ang dali–dali para kay Klaire na magpahawak sa ibang lalaki. Samantalang ayaw nitong magpahawak sa mismong asawa nito.
Lalong sumidhi ang iritasyon ni Rage nang maalala ang nangyari kagabi. Ni hindi man lang siya nito sinuyo nang lumipat siya sa sofa. Ni hindi man lang humingi ng tawad sa kahihiyang idinulot sa pagtanggi sa kanya. Sa halip, mabilis pa itong nakatulog imbis na i–enjoy nila ang unang gabi nila bilang mag–asawa.
Nang bumalik si Rage sa kama at sinubukang landiin si Klaire sa mararahang haplos ay hindi pa rin ito nagising! Ang dapat na tampo lang ay naging galit na sa kalooban niya.
Lalo pa at nasaksihan niya ang paghawak ni Miguel sa asawa niya–na sa imahinasyon niya ay parang may mas malalim na pinagsamahan.
Nag–init ang dibdib at ulo ni Rage. 1
Ayaw ba ni Klaire sa mga haplos niya dahil mahal pa rin nito si Miguel? Hindi niya nagugustuhan ang posibilidad na ‘yon… 19
“Chris, stop by the nearest supermarket and buy a box of tissues for my wife,” malamig na utos niya sa personal
1/2
Kabanata 43
+25 BONUS
assistant.
“Para saan po ‘yon, sir? Hindi ko naman kailangan. Marami pa po tayo sa mansyon,” naguguluhang tanong ni Klaire sa bigla–bigla na lang na gustong bilhin ng asawa.
“Just in case you’ll cry your heart out when we reach home. Ayaw kong mabasa ng mga luha mo ang kama ko.”
Sa hindi malamang dahilan ay gustong matawa ni Klaire sa mga sinabi ng asawa. Mariin pa niyang pinagdikit ang mga labi para hindi kumawala ang malakas na tawa dahil ayaw niyang mas lalo itong magalit sa kanya.
Ang OA naman nito! Naisip ni Klaire.
Pagdating sa mansyon ay sinalubong sila ng mother–in–law niya na halatang nagulat dahil sa dala–dalawag malalaking bag ng tissue na hawak–hawka niya.
Seryoso talaga si Rage sa sinabi nito. Kahit pa pinigilan na niya ito, pinabili pa rin nito ang tauhan ng sandamakmak na tissue.
“Para saan ang mga tissue na ‘to? Ang dami pa nating stock,” nagtatakang tanong ni ng ina ni Rage at saka nanlaki ang mga mata nang may maisip. “Ah… e, hindi mo na kailangang bumili ng ganyan karami, hija. Normal lang sa bagong kasal na madalas magpalit ng kumot. Lalo na’t walang naging girlfiriend ‘yang anak ko. Natural lang na gigil siya sa iyo gabi–gabi.”
Nang makita ang malisyosong ngiti ng biyenan, alam na agad ni Klaire ang iniisip nito. Namula ang kanyang mga pisngi.
“Hindi po… hindi ‘yon ang akala niyo-”
“Huwag ka nang mahiya, hija. Pumasok ka na sa kwarto niyo. Siguro pagod na pagod ka na,” ani Anna at sinenyasan ang isang kasambahay para tulungan si Klaire.
***
Kinagabihan, palakad–lakad si Klaire sa loob ng banyo, kagat–kagat ang mga kuko.
Buong araw niyang inisip kung bakit gano’n na lamang ang inaakto ni Rage. Ngunit wala siyang mahanap na kasagutan. Hindi niya kayang hulaan ang iniisip nito.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)