Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 42

Bakit kasama pa ni Tito Rage ang babaeng yan sa kasal ko? Nakakainis talaga! Kailangan ko nang ikalat ang mga larawang iyon para lahat hamakin ang babaeng iyan!panata ni Kira sa sarili.

Pagbalik ni Rita Bonifacio sa kanyang pwesto, agad na sinimulan ang seremonya. Sinadya nilang hintayin ang pagdating ng mga De Silva ayon sa hiling ni Rita.

Habang binibigkas ni Miguel ang kanyang mga pangako kay Kira, palihim na minamasdan ni Rage ang reaksyon ni Klaire. Kalmado ang mukha nito, taliwas sa inaasahan niya. Kahit nang halikan ni Miguel si Kira sa harap ng lahat, walang nagbago sa ekspresyon ni Klaire.

Hindi maiwasang magtaka ni Rageano kaya ang tunay na iniisip ng asawa sa mga sandaling yon?

Isang malakas na palakpakan ang nagmarka ng pagtatapos ng seremonya. Sabaysabay na lumapit ang pamilya De Silva para batiin ang bagong kasal at ang dalawang pamilyang pinagisa.

Nakasunod sina Klaire at Chris sa likod ni Rage.. Kumakabog ang dibdib niya habang iniabot ang kanyang kamay sa harap ng kanyang Papa.

Natigilan si Theodore Limson nang mapagtantong nakatayo na pala si Klaire sa harap niya. Nanigas ang mukha nito, halata ang labis na galit at saka matalim siyang tinitigan na para bang sinasabi sa kanya na hindi siya inimbitahan kaya ano ang ginagawa niya roon!

CCongratulations po, Mr. Theodore Limson,ginaya ni Klaire ang naging pagbati ni Rage na nauna nang nakipagkamay sa Papa niya.

Anong ginagawa mo rito? Gusto mo talagang sirain ang kasal ng kapatid mo?nakaangil na saad ni Theodore at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Ni hindi man lang nito napansin na kasama siya ng mga De Silva.

At tama ang hinala ni Klaire! Itongito ang mga salita ng ama sa isipan niya.

KKapatid? I’m sorry, Mr. Limson. Ano po ang sinabi ninyo?ngumiti si Klare sa ama bago agawin ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.

Kapatid? Ito nga mismo ang ayaw na siyang kilalanin bilang isang anakSa totoo lang ay masakit pa rin ito sa kalooban niya, hindi niya lamang pinapakita sa lahat. Lalo na sa harap ng pamilyang nagtakwil sa kanya.

Nagpatuloy sa paglalakad si Klaire at nilapitan ang mga bagong kasal, iniwan ang amang galit na galit. Mukhang masaya ang mukha ni Kira ngunit nagkaroon ng bahid ng pagsisisi nang harapin siya.

At si Miguelanuman ang ibig sabihin ng tingin nito, ayaw na itong alamin ni Klaire.

Hindi maialis ni Miguel ang tingin sa kanya. Parang ayaw pang bitawan ang kamay niya nang magkamayan sila.

Congratulations, Mr. Bonifacio, I hope maging masaya ang pagsasama ninyo ng asawa mo,wika ni Klaire at saka agad na umalis sa harapan nito.

Pagkatapos batiin ang bagong kasal, bumalik sila sa kanilang upuan para kumain. Palihim na ngumiti si Rage nang makita si Klaire na mukhang maayos naman ang lagay. Magana pa itong kumain ng prutas.

Do you want some more fruits, hija?Alok ni Anna at sinalin ang prutas nito sa kanyang plato. Kumain ka

1/2

Kabanata 42

+25 BONUS

nang marami. Hindi ko na kayang ubusin yan.

Salamat po, Madame.

Mabuti na lang ay nasa publiko sila. Pwede pa niyang tawagin na Madame ang biyenan. Hindi pa siya sanay na tawagin itong Mama.

Bigla namang tumayo si Rage at umalis nang walang paalam. Hindi maipaliwanag kung bakit, pero mas lalong nainis si Klaire sa inaasta ng asawa. Lalo itong naging madistansya at tahimik. Ewan ba niya kung bakit inis na inis siya ngayon dito kahit alam naman niyang dapat talaga silang magingat sa publiko.

Bakit ba siya naiinis? Parang may mali sa kanyadahandahang napailing si Klaire para itaboy ang kakaibang nararamdaman.

Sa buong event, hindi na niya inisip pa si Miguel o ang kanyang Papa. Abala ang isipan ni Klaire kay Rage na parang sinasadya ang paglayo sa kanya.

Pagkatapos ng wedding party, nagtungo na sila sa parking area. Binuksan ni Chris ang pinto ng sasakyan para kay Klaire, ngunit biglang isinara ito ng isang lalaki.

Mr. Miguel BonifacioMagalang na wika ni Chris.

Sa kabilang pinto ng sasakyan, hindi pa rin sumasakay si Rage. Namuo ang bagyo sa kalooban niya nang makita si Miguel na gustong kausapin ang kanyang asawa.

Klaire, come with me for a moment. May gusto lang akong itanong sa iyo,ani Miguel at hinawakan ang kamay ni Klaire.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)