Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 41

Kabanata 41

Aano poHindi ko-(1)

Samahan mo si Klaire, Chris,putol ni Rage at sumunod sa mga magulang nito.

Bakit naman niya iiyakan si Miguel? Hindi niya alam pero nasaktan siya sa walangbasehang akusasyon ng asawa, pagkatapos pa man niyang pangakuan ang sariling tatanggapin at susubukan na niyang mahalin ito.

Agad na lumapit si Chris sa kanya, naghihintay na magpatuloy siya sa paglakad. Mariin niyang pinadyak ang paa ang sahig dahil sa inis bago sinundan ang bagong pamilya.

Narating din nila ang pintuan ng bulwagan. Mula sa distansya, kitangkita ni Klaire ang magkasintahang nakasuot ng pangkasal at mukhang nagmamahalan. Malawak ang ngiti ni Kira sa bati ng mga bisita. Si Miguel nama’y patuloy sa pagpapakita ng kanyang gwapong ngiti.

Napatigil ang tingin ni Klaire sa kanyang Papa at madrasta. Sa unang pagkakataon sa mga nakaraang taon, nakita niyang masayangmasaya ang Papa Theodore niya. 1

Milyonmilyong karayom ang tumusok sa puso niya. Kayang ngumiti nang ganon ng Papa niya, na para bang hindi ito kailanman nawalan ng isa pang anak

Nakalimutan na siguro ng Papa niya na mayroon pa siyang panganay na anak

Dahandahang umiling si Klaire at binalik ang atensyon sa pagsunod kay Rage at sa mga biyenang nakaupo na sa mga silyang nakalaan para sa mga De Silva. Umupo din si Chris sa tabi ni Klaire para hindi siya mapagtanungan ng mga tao.

Bakit ngayon lang kayo dumating? Limang minuto na kayong late!Biglang lumitaw si Rita mula sa likuran ng mga upuan nina Rage at Klaire.

Napahinto sa kinauupuan si Klaire nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran. Mahigpit niyang pinisil ang sariling mga kamay.

Hinila ni Rita ang katabing upuan ni Rage. “Finally, you came-Napabaling ang tingin nito kay Klaire at agad na nasapo ang nakangangang bibig. KKlairebakitwhy are you here?

Napayuko si Klaire habang nakatingin sa magkakapit na mga kamay na ngayo’y nanginginig at nanlalamig na sa kaba. Gusto niyang sabihin na secretary siya ni Rage gaya nang napagplanuhan, pero para bang napipi siya at walang masabing kahit anong salita.

She works at my company. We have to attend an important meeting soon after this. Kaya sinama ko na silang dalawa ni Chris,paliwanag ni Rage,

Nakanganga’t nakatitig lamang ang kapatid kay Rage hanggang sa hilahin siya nito at paupuin sa ibang upuan.

Lalo lamang hindi mapanatag ang loob ni Klaire nang hindi umalis ang ina ni Miguel, bagkus ay lumapit pa ito sa kanya. Magieskandalo kaya ito dahil sa pagtataksilniya kay Miguel?

Nanginginig na siya sa takot sa mga maaaring sabihin o gawin ng isang Rita Bonifacio sa kanya.

Ngunitnagulat siya nang bigla na lamang siya nitong yakapin.

1/2

Kabanata 41

+25 BONUS

Oh my God, Klaire, hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari, kung bakit biglang nakipaghiwalay sa yo si MiguelI’m sorry, sweetheartikaw dapat ang nakatayo sa altar ngayon. Masakit siguro para sa’yong makita si Miguel na pakakasalan ang kapatid mo,maluhaluhang wika nito.

Kung gano’n ay hindi sinabi ni Miguel sa mga magulang nito ang tungkol sa mga larawan niya sa hotel? Tila ba nahismamasan si Klaire. Takot na takot siya na baka natuklasan na nito ang nangyari

In fact, I really hoped you would be my daughterinlaw,patuloy ni Rita na nanginig na ang boses. Matagal mo nang kilala si Miguel. Akala ko hindi na kayo magkakahiwalay pa.

Halos magtubig ang mga mata ni Klaire sa narinig. Minahal din niya ang ina ni Miguel na para bang tunay niyang ina. Mas malapit pa nga ang relasyon nila kaysa sa kanyang madrasta.

Hindi lang talaga kami para sa isa’t isa, Tita,mahinang sabi ni Klaire.

Bumalik ka na sa pwesto mo, Rita. Magsisimula na ang seremonya,nagmamadaling pinaalis ni Anna ang anak, na hindi maiwasang mainggit sa pagiging malapit nito kay Klaire. Gusto rin niyang mapalapit dito pero ayaw niyang mastress ang daughterinlaw niya na maaaring makasama sa pagbubuntis nito.

Nagtrabaho ka pala sa kompanya ni Rage. Dadalasan ko ang pagbisita sa’yo,sabi pa ni Rita bago malambing. na hinaplos ang pisgi ni Klaire.

Mula sa malayo, pinanonood ni Kira ang eksenang ito nang may poot sa mga mata. Hindi niya alam na itinago ni Miguel sa ina ang pagtataksil ni Klaire!

Tanging ama lang ni Miguel ang nakakaalam ng katotohanan. Ni hindi rin si Miguel ang nagsabi, ngunit si

Theodore Limson.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)