Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 40

Kabanata 40

+25 BONUS

Kabanata 40

Kailan pa lumipat sa tabi niya ang lalaki? Akala ba niya’y hindi siya nito gagalawin?

Mahigpit na nakayakap si Rage sa katawan niya, nakabaon ang mukha sa kanyang leeg. Gustong bumangon ni Klaire, ngunit nakapulupot pa ang mga binti nito sa kanya.

SirGusto ko na pong bumangon,bulong niya habang inuuga ang katawan ni Rage.

Agad namang nagising si Rage, at simangot na tumalikod sa kanya.

I didn’t realize I moved here,paos nitong wika. Maligo ka na. Nandidiri ka siguro dahil niyakap kita.

Napasinghap at nguso si Klaire sa sinabi ni Rage. Wala naman siyang sinasabing nandidiri siya sa asawa. Hindi lang talaga siya handa na may mangyari ulit sa kanila!

Hindi po ako nandidiri sa inyo, Sir. Bakit niyo naman naisip iyon?naguguluhan niyang tanong.

Malalim ang naging paghinga niya nang hindi ito sumagot. Bumangon na lamang siya at mabilis na nagtungo sa banyo.

Nang matapos magshower at makalabas, wala na si Rage sa kuwarto. Ang naroon na lamang ay sina Alma, Alice at Lily na handa nang pagsilbihan siya.

Nasaan si Sir Rage?tanong niya.

Nasa katabing kwarto po, ma’am. Tatawagin ko po ba para samahan kayong magalmusal?

Huwag na,mahinang tanggi niya.

Bumalik lamang si Rage nang tapos na siyang kumain at handa nang pumunta sa kasal ni Miguel. Mukhang pagod at malungkot ang lalaki. Unang beses niyang makita si Rage na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. Madalas kasi ay puno ng awtoridad ang tindig nito.

Ano bang problema niya?

Gusto na niyang tanungin nang direkta ang lalaki, pero hindi niya alam kung paanohindi siya sanay na siya ang unang makikipagusap dito.

*KNOCK KNOCK!*

Pasok,utos ni Rage.

Isang hakbang lang ang ginawa ni Chris sa may pintuan. Nang makita ang hindi karaniwang ekspresyon ng amo, lalo siyang nagalangan na lumapit dito. Bahagyang naguluhan si Chris dahil dapat masaya si Rage pagkatapos ng kanilang unang gabi ni Klaire bilang magasawa. Ngunit ang nakita niya ngayon ay kabaligtaran ng inaasahan.

Sir, hinihintay na po kayo ni Madam Klaire sa baba,ani Chris.

Wag mo siyang tawaging Madam. Alam mo naman yon, di ba?Tumayo si Rage at dahandahang lumakad patungo sa pinto. Baka mahiya siya dahil napangasawa niya ako. Tawagin mo na lang siya nang normal.1

1/2

Kabanata 40

+25 BONUS

Muli na namang naguluhan si Chris kung bakit hindi dapat tawaging madam” si Klaire, e kasal naman na sila ng amo niya.

Opo, sir,sagot niya nang nakatungo.

Walang imik na hinawakan ni Klaire ang laylayan ng kanyang damit habang sumusunod sa dalawang lalaki. Tiyak na tiyak na siya ngayongalit pa rin si Rage dahil sa nangyari kagabi. Kahit nang nasa loob na ng kotse, ayaw pa rin siyang tingnan ni Rage. Dahil nakasakay sa ibang sasakyan ang mga magulang nito, naging awkward at tahimik ang loob ng sasakyan.

Palihim at nababalisa siyang sumisilip sa asawa. Hanggang sa hindi namamalayan, nakarating na sila sa harap ng lugar kung saan pinagdaraos ng kasal. 1

Nang makita ang gusaling dapat sana ay para sa kanya, napatigil si Klaire sa paghakbang. Mula sa dekorasyon, wedding dress, hanggang sa lahat ng preparasyonsiya mismo ang pumili noon kasama si Miguel.

Ngunit si Kira ang nagkamitang lahat. Pati ang lalaking minahal niya

Lagi namang gano’nsa huli, si Kira ang nakakakuha ng lahat ng dapat ay para sa kanya.

Malalim siyang huminga at itinaboy ang kirot sa puso. Kasal na siya. Wala na si Miguel sa buhay niya. Hindi na dapat niya alalahanin pa ang ang mga taong yon at susubukan na lang tanggapin si Rage bilang asawa niya mula ngayon. Iyan ang pangako niya sa sarili.

Kaya naman nagsimula siyang maglakad. Ngunit napahinto si Rage na nasa harapan niya.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan at pagiwas, lumingon ito at tinitigan siya nang masama.

Huwag kang umiyak sa harap ng mga tao habang pinapanood mong pakasalan ng kapatid mo ang lalaking mahal mo. You can cry all you want laterafter we get back home.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)