“Sir-”
Inilagay ni Rage ang kanyang hinlalaki sa mga labi niya. “Shh… asawa mo na ako ngayon, huwag mo na akong tawaging sir… you don’t have to be polite to me.”
Parang tumigil ang tibok ng puso ni Klaire nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Natameme na lamang siya at napakapit sa dulo ng suot nitong polo.
“Pa… parang nahihilo po ako, sir,” pagsisinungaling niya. Gusto lang niyang maiwasan ang pagtatalik nila ni Rage ng gabing iyon.
Totoo namang asawa na niya ngayon si Rage De Silva, at may tungkulin siyang dapat gampanan bilang asawa nito. Ngunit hindi pa talaga siya handa! Ni hindi niya nga maalala ang mainit na gabing pinagsaluhan nila noon. Hindi niya alam kung paano sasabay sa agos. Ni hindi niya kayang isipin iyon.
“Bakit ka nahihilo? Is our baby getting fussy again?” Biglang nag–alala si Rage at hinaplos ang kanyang tiyan.
“Parang… napapagod lang po ako…” Sinadya pa niyang pahinain ang boses.
Dahil madalas himatayin si Klaire, agad na naniwala si Rage sa pagpapanggap nito. Mabilis niyang kinarga si Klaire.
“Sir!” gulat na sigaw ni Klaire sabay pulupot ng mga braso sa leeg ng lalaki upang hindi siya mahulog.
Dahan–dahan siyang inihiga ng asawa sa kama na puno ng mga petals ng rosas. Pagkatapos ay dinampot nito ang telepono para tawagan ang doktor.
“I’ll call Alfy now, stay calm.”
Lalo lamang kinabahan si Klaire dahil malalaman ni Dok Alfy na wala nagpapanggap lamang siya para makaiwas sa pakikipagtalik sa lalaki.
“H–Hindi na po kailangan, Sir!” Pigil niya rito at saka mabilis na inagaw ang telepono sa kamay ni Rage at ibinalik sa side table.
“Masakit lang po ang ulo ko at medyo nasusuka,” pagdadahilan pa niya na epektib naman dahil mukhang paniwalang–paniwala si Rage.
Humiga ito sa tabi niya at tiningnan ang namumula niyang mukha.
“You’re not really dizzy or nauseous, are you?” Agad na nahalata ni Rage ang pagpapanggap ni Klaire. “Ayaw mo lang na may mangyari sa atin, ano?”
Mas lalong namula si Klaire sa hiya. “P–Pasensya na po, Sir… Hindi—”
“Maligo ka muna bago matulog,” malamig na putol sa kanya ni Rage at saka tumayo’t naglakad papuntang pinto.
“S–Saan ka pupunta?”
“Wala kang pakialam,” malamig na sagot nito nang hindi siya nililingon.
1/2
Kabanata 39
+25 BONUS
Ramdam ni Klaire na lubos na dismayado si Rage sa kanya. Habang pinagmamasdan ang asawang ilang oras pa lamang kasal, naramdaman niya ang matinding pagsisisi.
Pero ano ba ang magagawa niya? Takot na takot pa rin siyang makipagtalik sa lalaki kahit na asawa na niya ito.
Pagkatapos maligo, hindi pa rin bumabalik si Rage sa kwarto. Nakahiga na si Klaire habang binabantayan ang orasan sa dingding nang may pangamba.
Hatinggabi na, nasaan na kaya ang asawa niya?
“Gano’n na lang ba ang galit niya sa akin dahil tinanggihan ko siya?” bulongniya. “Ano’ng magagawa ko? Hindi pa talaga ako handa…”
Dinadalaw na siya ng antok at nakapikit na ang mga mata nang marinig ang dahan–dahang pagbukas ng pinto. Gising pa rin siya nang marinig ang asawang pumasok sa banyo.
Hindi rin nagtagal, umuga ang kama, indikasyon na nakahiga na ang lalaki sa tabi niya.
Muli, kumabog nang malakas ang dibdib ni Klaire.
Hindi na ba siya gagalawin ni Rage? Nag–aalala siya sa katahimikan ng lalaki at sa paglayo nito sa kanya.
Patuloy na lumalalim ang gabi, ngunit hindi makatulog si Klaire sa pag–aabang kung may gagawin si Rage. Hirap din siyang makatulog sa tabi ng isang estranghero–ang dating amo niya.
“Not sleeping yet?” Muli, nahalata ni Rage ang pagpapanggap ni Klaire. “Ayaw mo rin bang nandito ako?”
Lalo pang ipinikit ni Klaire ang mga mata. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito.
Magpapanggap na lang ba siyang tulog? O susundin ang gusto ni Rage para hindi na ito magalit sa kanya? 1
“Sige, kung iyon ang gusto mo. Hindi kita gagalawin, hindi rin ako matutulog sa tabi mo,” malamig at masungit na tono ni Rage.
Dahan–dahang nagmulat si Klaire at nakitang may dala–dalang unan si Rage papunta sa sofa. Nahiga ito roon at nakatalikod sa kama kung nasaan siya.
***
Biglang naramdaman ni Klaire ang mainit na hininga sa kanyang leeg. Nang imulat ang mga mata, nagulat siya nang makita ang mukha ni Rage na halos dikit–dikit na sa kanya.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)