Mahinang tumawa si Lance. “Thanks, but you don’t have to do that, Klaire. Pakakasalan ko pa rin si Chelsea De Silva.”
Nanlaki ang mga mata ni Klaire sa narinig. Paanong hindi? Alam niyang ayaw na ayaw ni Lance sa arranged marriage na iyon. Bakit nagbago ang isip ng lalaki?
“Hoy, tama na ‘yan. Mamaya na tayo magkwentuhan. Hinhintay ka na ng mapapangasawa mo, Klaire,” singit ni Charlie.
Huminga siya nang malalim bago humakbang patungo sa lugar kung saan naghihintay si Rage. Sa isang
malaking silid na mistulang bulwagan, naroon na ang lalaki, kasama ang buong angkan ng mga De Silva at ang personal assistant nito.
Walang ibang bisita doon dahil dapat munang maging lihim hanggang bukas ang kasal nila, hanggang sa matapos ang kasal nina Miguel at Kira.
Napasinghap si Klaire sa ingay ng masigabong palakpakan. Ang kanyang mga mata’y naglibot sa bulwagan na puno ng iba’t ibang uri ng puting bulaklak. Ang mga hazel niyang mata ay napahinto sa paglilibot nang makita ang nag–iisang gwapong lalaki na nakatayo sa dulo, seryoso ang mukha na nakatingin sa kanya.
Nakasuot si Rage De Silva ng puting tuxedo, katulad ng kulay ng wedding dress na suot niya. Marahang itinaas nito ang bisig nang huminto ang mga paa niya sa tabi nito.
“You look so stunning today,” bulong ni Rage.
Nanatiling tahimik si Klaire, saka isinukbit ang kamay sa braso ni Rage nang walang imik kahit na pinuri siya
nito.
Sa bawat hakbang ng mga paa niya, inisip niyang panaginip lamang ito. Kahit nang binibigkas nila ang kanilang mga wedding vows, pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap.
Ngunit nang isuot na ang singsing sa kanyang daliri, bigla siyang napukaw sa katotohanan. Totoong–totoong kasal na sila… Lalong pinatunayan ito ng malakas na palakpakan ng lahat ng naroon.
“Now you’re officially mine, Klaire De Silva,” mahinang anas ni Rage.
Lumapit ang mukha nito, handang–handa nang hagkan ang kanyang labi. Ngunit nanatiling parang estatwa si Klaire, Hinawakan ni Rage ang baba niya, saka marahang hinalikan ang mga labi niya,
“Don’t be so tense. I won’t show our hot kiss in front of everyone, even to my own family,” ani Rage at saka ngumisi. “Let’s be patient until tonight.”
Napalunok nang mariin si Klaire, Totoo na talaga ito… asawa na niya ngayon si Rage De Silva. Makakasama na niya gabi–gabi ang lalaki pagkatapos nito!
Hindi pa siya handang maging asawa ng lalaki, naisip niya na may biglang pagsisisi. Kahit nagngangalit ang takot sa kanyang dibdib, pinilit niyang ipakita ang matamis at kalmado niyang ngiti. Ayaw niyang mabahala ang pamilya Rivas…
Ngunit napawi ang ngiting iyon nang matapos ang seremonya. Habang lumulubog ang araw, lalong lumalalim
1/2
Kabanata 38
+25 BONUS
ang kaba sa kanyang puso.
“Klaire, kailangan na naming umuwi. Dumalaw ka sa bahay hai,” paalam ni Charlie.
Tumango lamang siya at saka niyakap si Charlie pati na rin ang pamilya nito. Samantala, tiningnan ni Lance si Rage nang may halong paghamak bago huling yumakap kay Klaire.
“Tumawag ka kung kailangan mo ng tulong,” bulong nito.
“Oo naman,” mahinang sagot ni Klaire.
Pagkaalis ng mga Rivas, agad na dinala ng mga utusan sina Klaire at Rage sa kwarto ng lalaki, na ngayon ay magiging kwarto na nilang mag–asawa.
“Kung may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po kami.” Sinara ng dalawang kasambahay ang pinto.
Nanatiling nakatayo si Klaire, hindi alam kung ano ang gagawin. Samantala, hinubad ni Rage ang kanyang suit at sinampay ito sa sofa.
Parang huminto ang tibok ng puso ni Klaire nang lumingon ito sa kanya. Isa–isa nitong binuksan ang butones ng suot na long sleeves habang nakangisi.
Parang nakakapit sa sahig ang mga paa niya. Tila ba naputol ang hininga niya nang lumakad si Rage sa harap niya, nakabukas ang damit, at kitang–kita ang linya ng kanyang matipunong dibdib at abs.
“Finally, we can be alone together…” malanding bulong ni Rage sa tainga niya.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)