Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 37

Kabanata 37

Sumalubong kay Klaire ang maliwanag na umaga at ang huni ng alagang ibon ng ama ni Rage. Isang dosenang kasambahay ang nakatayo sa magkabilang gilid ng kama, naghihintay nang halos kalahating oras bago muling imulat ng dalaga ang kanyang mga mata.

Gising na, Chabulong ni Klaire habang inuuga ang katawan ni Charlie na nakabaluktot pa sa tabi niya.

Umungol si Charlie at dahandahang nagmulat ng mga mata. Agad naman na bumangon si Klaire, kasunod ng kaibigan na bigla na lamang namulagat nang makita ang mga nakapalibot na kasambahay sa kama.

Good morning po, Miss Klaire at Miss Charlie,sabaysabay na bati ng mga ito.

Dalawa sa mga kasambahay ang nagmamadaling pinabangon si Charlie at pinapunta sa kabilang kuwarto. Samantala, isa naman ang umalalay kay Klaire at dinala siya sa banyo.

Sa banyo, bumungad sa kanya ang mabangong halimuyak ng mga rosas. Inihiga siya sa massage bed upang sumailalim sa kumpletong body treatment. 2

Sampung kasambahay ang abalangabala sa kanya. Dalawa ang nagayos ng kanyang buhok, apat ang naghihilod sa mga kamay at paa niya, habang ang iba ay naghahanda ng mainit na tubig.

Bakit ang daming kasambahay ngayon? Dalawa lang ang dati,kuryosong tanong ni Klaire kay Alice at Lily. 1

Ngayong araw po, kaming lahat ang maglilingkod sa inyo, Miss. Dapat po kayong magmukhang perpekto,sagot ng isa sa mga utusan.

Doon lamang natanto ni Klaire kung bakitmuntik na niyang makalimutan! Ngayon nga pala ang araw ng kanyang kasal kay Rage!

Naku,nginig na bulong niya. Paano na ito? Kailangan ko bang talagang pakasalan si Rage?naisip niya.

Biglang nangasim ang tiyan ni Klaire sa labis na pagkabahala. Hindi pa rin siya makapaniwala na magiging asawa na niya ang lalaki ngayong araw na ito.

Isang oras siyang nakatulala sa banyo, nalulunod sa sariling mga iniisip. Napukaw lang siya nang sabihan siyang lumabas para magbihis.

Mahigpit kasi ang bilin ni Rage sa mga kasambahay na huwag patagalin ang paghahanda. Hindi na niya mapigil ang kagustuhang maikasal kay Klaire. Kaya’t kahit humingi ito ng sandaling pahinga, tuloytuloy pa rin ang mga utusan sa kanilang mga gawain.

KNOCK KNOCK!

Mabilis na binuksan ni Alma ang nakasaradong pinto. Pumasok sina Charlie, ang ina nitong si Emily at Anna De Silva na tapos nang magayos.

Ang gandaganda mo, Klaire,pahiwatig ni Emily na may luha sa mga mata. Sayang, hindi na kita magiging daughterinlaw.

Narinig ito ni Anna De Silva, dahilan para maging proud pa lalo. Madalas din niyang marinig sa anak na si Rita ang mga papuri kay Klaire, na muntik na rin maging daughterinlaw ng kanyang anak.

1/2

Kabanata 37

+25 BONUS

Napakaswerte ni Rage na makuha ang isang babaeng hinahangad ng marami,isip ni Anna De Silva.

Don’t worry, Mrs. Rivas.. Aalagaan ko nang mabuti ang aking daughterinlaw,malumanay na sabi ni Anna habang hinahaplos ang balikat ni Emily. Tumango ito at niyakap siya. Mula noong nagkita sila kagabi, tila ba lalo silang naging close.

Napanatag ang loob ni Emily sa pagalis ni Klaire sa piling ng pamilya Rivas, dahil alam niyang buongpuso itong tatanggapin ng bago nitong pamilyaang mga De Silva.

Hindi ko inakalang ikakasal ka na talaga ngayon,bulong ni Charlie kay Klaire. Kung saktan ka ng asawa mo, isumbong mo agad sa akin para masuntok ko siya. Hindi ako natatakot sa Rage De Silva na yan.

Napangiti nang bahagya si Klaire. Sinasabi ni Charlie na hindi siya takot sa lalaki, pero hanggang bulong lang naman ang mga sinasabi nito tungkol kay Rage. Salamat, Cha, palagi kang nandiyan para sa akin.

Habang nagbibihis si Klaire, may lalaking sumilip sa pintuan ng kanyang kuwarto. Si Lance na nakasuot ng itim na tuxedo ay malawak na nakangiti, pero hindi nito maitago ang lungkot sa kanyang mga mata.

LanceI’m so sorrypagsisising wika ni Klaire.

Marahang hinaplos ni Lance ang kanyang ulo. I’m happy for you, Klaire. Huwag mong kalimutan ang pamilya namin kahit kasal ka na. Bumisita ka pa rin sa amin tulad ng dati,malambing na sabi ng lalaki.

Tumango si Klaire, tila naiiyak na. Hiniling ko kay Rage na kanselahin ang kasal mo sa pamangkin niya. Pasensya na sa lahat ng gulo na idinulot ko sa iyo at sa pamilya niyo ni Charlie.

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)