Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 36

Well, maraming nagagawa ang yaman ko. It can give me whoever woman I want,nakangising sagot ni Rage.

Namula ang mukha ni Lance sa galit, nanginginig ang mga panga sa matinding pagpipigil. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at gusto na niyang sugurin ang lalaking mas bagay pa sa kapatid ng Mommy niya! Pero ayaw niyang palakihin pa ang gulo. Ayaw na niyang madagdagan ang pasanin ng mga magulang niya, na ngayon ay nalilito at naiipit sa pamilya ni Chelsea De Silva.

Bakit mo pa ako ipinatawag dito?galit na tanong ni Lance.

Hiniling ng asawa ko na icancel ang kasal mo kay Chelsea. Nagmamalasakit siya sa yo dahil itinuturing kang parang sariling kapatid,mariing sagot ni Rage, sadya pang idiniin ang salitang kapatidpara lalong masaktan si Lance.

Alam ni Lance na hindi naman siya minahal ni Klaire. Sa pamamagitan sana ng kasal nila, susubukan niyang baguhin ang damdamin ng babae para sa kanya. Pero nawala na ang pagkakataong yon. Dahil sa lalaking nakatayo sa harapan niya na malinaw na minamaliit ang kanyang damdamin!

Kahit matapang ang ipinakikita ni Lance sa harap ni Rage, alam niyang hindi niya kayang talunin ang lalaking ito. Alam niya ang katotohanang yon na sumasampal sa pagkatao niya. Gusto lang sana niyang maipakita ang nararamdaman bago makasal si Klaire. Kaya’t nagpasya siyang puntahan ang lugar na to para makausap ang babae nang masinsinan.

Kung wala ka nang ibang sasabihin sa akin, pupuntahan ko na si Klaire.

Naningkit ang mga mata ni Rage, tila nabasa ang iniisip ni Lance. At bakit naman niya hahayaan ang lalaki na magsabi ng totoong nararamdaman sa mapapangasawa niya?

Dahil kinakapatid ka na ng fiancee ko, papayagan kitang makausap siya. But remember this, kapatid lang ang tingin sa iyo ni Klaire. Nagiguilty lang siya na hindi masuklian ang nararamdaman mo kaya siya pumayag na pakasalan ka noon. She values you as her brother. Only as a brother, Rivas.

Mas lalong nainis si Lance sa narinig, lalo pa’t alam niya sa kalooban niya na tama ang mga sinabi nito. Naging maayos ang pakikitungo ni Klaire sa kanya, at gano’n din siya sa babae. Ayaw niyang mapalayo si Klaire sa pamilya niya dahil lang sa naging makasarili siya, lalo pa’t nabalitaan niya ang lagay ng pagbubuntis nito

ngayon.

Isa pa, hindi pa naman siya umaabot sa punto na labis ang pagmamahal para kay Klaire, yong tipong ayaw na niyang mawala ang babae sa buhay niya. He just needed to act like normalna para bang kahit kailan ay hindi nila napagplanuhang magpakasal.

I’ll just call my future wife to see her brother,seryosong tukso ni Rage, nakangising lumakad papunta sa pinto.

Sandali lang.Tumayo si Lance at lumapit kay Rage. Itutuloy ko pa rin ang kasal namin ni Chelsea ayon sa plano. Iiwan ko muna dito si Charlie.

Bahagyang tumibok ang ugat sa sentido ni Rage. Ang plano lamang niya ay gamitin si Chelsea para kunwaring hahabulin ng kasal si Lance, sa gayon ay makuha niya si Klaire. Kapag kasal na sila ni Klaire, titigilan na ni Chelsea ang mga Rivas. Nangako siya sa pamangkin na walang kasal na mangyayari sa pagitan nila ni Lance.

1/2

Kabanata 36

+25 BONUS

Kaya hindi niya inaasahan ang binanggit ni Lance, na para bang ganti ito ng lalaki, na tototohaning ang kunwaring arranged marriage!

Don’t tell me icacancel mo ang wedding namin ni Chelsea kapag naikasal na kayo ni Klaire?hula ni Lance.Masisira ang pangalan ni Chelsea sa publiko. I’ve already announced our wedding plans in media.

We’ll talk about that later,malamig na sagot ni Rage.

Agad na tinalikuran ni Rage ang lalaki at personal na tinawag si Klaire para makipagkita sa pamilya Rivas. Ipinaliwanag na rin ng mga magulang ni Rage ang lahat sa mga Rivas at sinabihan silang manatili sa mansyon para masaksihan ang gaganaping kasal nina Rage at Klaire sa susunod na umaga.

Niyakap kaagad nina Charlie si Klaire nang makita ang kaibigan.

Grabeng takot ko kasi baka nakidnap ka na noong araw na yon, Klaire. Yun palabulong ni Charlie, kinidnap ka ngapero ng isang baliw na lalaki na pinipilit kang magpakasal sa ganitong paraan.

I can hear you, Ms. Charlie Rivas!malamig na usal ni Rage.

Tinitigan ni Charlie si Rage nang may pangungutya sa mukha, walang takot sa lalaki.

Halika na nga Klaire, pumasok na tayo sa kwarto mo,sabi ni Charlie sabay irap sa lalaki. 1

((

Nagusap ang magkaibigan sa kwarto hanggang sa abutin sila ng hatinggabi. Nang pumasok si Rage sa kwarto para magpahinga, nakita niyang nakahiga sa kama si Charlie katabi ni Klaire.

Gusto na sana ni Rage utusan ang isang tao niya para ilipat si Charlie, ngunit napansin niyang magkayakap ang dalawang babae at malalim na ang tulog.

Fine. Pagbibigyan kita ngayong gabibulong ni Rage. Pero simula bukas, ako lang ang pwede mong makatabi sa pagtulog.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)