Kabanata 35
“Bakit kailangang ipagpaliban kung doon din naman kayo papunta?”
Hindi maintindihan ni Rage kung bakit biglang gustong ipagpaliban ni Miguel ang kasal nito. Kunot ang noo, sumagi sa isipan niya ang imahe ni Miguel na nakatitig kay Klaire noong magkita sila sa opisina.
Gusto pa rin ba ni Miguel si Klaire? Gusto pa rin ba nitong pakasalan ang babaeng magiging asawa na niya?
Hindi ‘yon puwede.
“Hindi ko mahal si Kira,” mahinang sabi ni Miguel sabay yuko ng ulo, nakakuyom ang mga kamay kaya bahagyang nalukot ang papel na hawak. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya nang may pagmamakaawa sa mga
mata.
Bahagyang nakaramdam ng awa si Rage nang makita ang malungkot na mukha ng pamangkin. Ang totoo, ayaw rin niya kay Kira mula nang mapagtanto niyang puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ng babae. Ni hindi nga ito nag–atubili na ibunyag ang kahihiyan ng sarili niyang kapatid sa publiko, sa pag–aakalang hindi niya kilala si Klaire.
Pero kung hindi matutuloy ang kasal ni Miguel at ni Kira sa lalong madaling panahon, hindi rin matutuloy ang plano ni Rage na engrandeng kasal para sa kanila ni Klaire.
Ayaw niyang malungkot si Klaire dahil sa hindi matupad ang pangarap nitong kasal. Tiyak na makakasama ‘yon sa kalusugan at pagbubuntis nito. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung gusto nga ba ni Klaire ang magarang kasal. Siya lang naman ang nag–iisip nito para sa babae.
At dahil siya si Rage De Silva, mas matimbang ang mga plano niya kaysa anumang bagay.
Hindi na niya responsibilidad ang kaligayahan ni Miguel. Matanda na ang pamangkin niya at dapat ay kaya na nitong panindigan ang mga desisyon nito sa buhay.
Kung ayaw ni Miguel na makasal kay Kira, dapat ay sa simula pa lang ay nagsabi na ito sa mga magulang niya. Hindi ‘yung umiiwas lang ngayon kung kailan nakahanda na ang lahat.
“Miguel… love can come after marriage. Gaya ng sinabi ko, matutuloy pa rin ang kasal ninyo ni Kira. I just really want to attend your wedding.” Tinapik ni Rage ang balikat ng pamangkin.
Hindi kumbinsido si Miguel sa sinabi ng tiyuhin. Alam niyang ayaw rin ni Rage na magpakasal sa mga babaeng inirerekomenda ng kanyang Lola Anna. Alam niyang hindi niya magagawang mahalin si Kira…
“Okay, I’ll try to talk to your mother later,” sabi ni Rage para aluin ang nararamdaman ni Miguel,
“Talaga?” Nangibabaw ang pag–asa sa mukha ni Miguel. Alam niyang kayang pasunurin ng kanyang Uncle Rage ang Mama niya.
“Oo. Umuwi ka na. Aalis na rin ako,” pagpapaalis ni Rage sa pamangkin.
Ayaw ni Rage na magpakalat–kalat si Miguel sa mansyon ngayon. Paano na lang kung magkita ang dalawa? Kahit na sa bagong extension ng mansyon sa likuran namamalagi si Klaire, ayaw niyang makipagsapalaran.
Masiglang tumango si Miguel. “Ibig sabihin, hindi ko na kailangang ibigay sa ‘yo ang wedding invitation na ‘to?”
1/2
Kabanata 35
+25 BONUS
“No, I’ll keep it. Don’t get your hopes up yet, kid. Wala akong kapangyarihan para hadlangan ang desisyon ng Mama mo pati ng mga future in–laws mo,” paliwanag ni Rage.
Malinaw na nagsisinungaling lang si Rage. Kung gugustuhin niya, kaya niyang hadlangan ang kasal nina Miguel at Kira sa isang iglap.
“Pero sana makinig sa ‘yo si Mama, Uncle.” Inabot sa kanya ni Miguel ang wedding invitation.
Paikot–ikot si Klaire sa kwarto habang kagat ang daliri. Isang oras na kasi ang nakalilipas mula nang tawagan siya ni Charlie at nagsabing pupuntahan siya nito, pero hanggang ngayon ay ni anino nito ay wala pa sa kanyang kwarto.
Kasalukuyang kausap ng mga Rivas ang mga magulang ni Rage sa sala, pero wala roon si Lance.
Samantala, nakipagkita si Lance kay Rage sa isang silid. Namuo ng katahimikan ang lugar at nakatitig lamang sila sa isa’t isa.
“You don’t like Chelsea? Maganda, mabait, mayaman. Makukuha mo ang kahit ano sa kanya.” simula ni Rage na halatang nasisiyahang makita ang talunan na ekspresyon sa mukha ng lalaking kalaban kay Klaire.
“Duwag…” ang mahinang usal ni Lance. “You ruined Klaire. Ikaw ang dahilan kung ba’t siya tinakwil ng Papa niya, ‘tapos ikaw pa ngayon ang makapal ang mukha para pakasalan siya? Sisirain mo lang ulit ang buhay niya. And don’t even think na hindi ko alam na ikaw ang nag–utos kay Chelsea para gustuhing pakasalan ako.”
Bahagyang ngumisi si Rage nang nakakaloko. Kahit ano pa ang sabihin ni Lance, hindi siya nito matitinag.
“Mabuti naman at alam mo. My wife doesn’t need to bother explaining to you,” panunukso pa ni Rage.
Nagtagis ang mga ngipin ni Lance nang marinig ang tawag ni Rage kay Klaire. Siya dapat ang may karapatang kay Klaire. Siya dapat ang mapapangasawa nito! Hindi ang lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon!
“G*go ka… sa tingin mo takot ako sa ‘yo? Mahina kang lalaki. Ginagamit mo lang naman ang kayamanan mo!” galit na sagot ni Lance.
Hindi pa rin natinag si Rage sa masasakit na salita ni Lance. Sanay na siyang makita ang dismaya sa mga talunang tao na hindi nanalo sa kanya.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)