Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 34

Kabanata 34

Fine,kaswal na sagot ni Rage.

+25 BONUS

Naghintay si Klaire na tanggalin ng lalaki ang kwintas sa leeg nito. Pero nanatili lang si Rage sa kanyang puwesto, hindi kumikilos para tanggalin ang kwintas. Sa halip, isinandal ni Rage ang ulo headrest ng sofa at pinikit ang mga mata.

SSir,mahinang tawag ni Klaire.

Hmm?tamad na sagot ni Rage nang hindi idinidilat ang mga mata.

Yung kwintas po

Take it yourself. Ikaw naman ang may gustong makuha ito, di ba?sagot ni Rage nang nakapikit.

Bahagyang kumibot ang mga daliri ni Klaire, nagaalangan kung aabutin ang kwintas sa leeg ni Rage. Hindi niya alam pero ang posisyon ni Rage ay animo’y nagpapainit sa pakiramdam ni Klaire nang dahandahan siyang lumapit sa lalaki.

Nakatutok ang mga mata niya sa kwintashanggang sa umangat ang titig niya sa mukga ni Ragesa mamasa- masa at kaakitakit nitong mga labi, sa mumunting bigote na bumabalot sa itaas at ibaba ng mga labi nito.

Napalunok siya nang malalim, iniisip na naglandas sa buong katawan niya ang mukha ng lalaki noong gabing

yon

Kumurapkurap siya at muling tumingin sa leeg nito, pero tila ba may sariling buhay ang mga mata niya at naligaw sa unang dalawang bukas na butones ng polo ni Rage, kaya’t tanaw na tanaw niya ang matigas nitong

dibdib.

Naisip tuloy niya. Talaga bang nakipagtalik siya sa guwapong lalaking ito? Ni hindi niya matandaan nangyari nang gabing yon

ang

At bakit parang naaakit siya sa katawan nito ngayon? Parang kumakabog ang kaibuturan niya sa simpleng tanawin lang ni Rage!

You’re not going to take it?tanong ni Rage nang hindi idinidilat ang mga mata.

Bumalik sa realidad si Klaire. Teka! Ano ba ang naiisip niya? Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

Tanggalin mo na, Sir, pleasemahinang pakiusap niya.

Iminulat ni Rage ang mga mata. I still want to wear it. If you want this necklace, you have to take it yourself.

Nanigas ang katawan ni Klaire sa sinabi ng lalaki. Nang ipikit muli ni Rage ang mga mata, dahan siyang lumapit, nanginginig ang mga kamay habang tinatangkang hawakan ang kwintas sa leeg nito.

Pero biglang dumilat si Rage, dahilan para maputol ang paghinga niya.

Sa isang iglap ay nasa baywang na niya ang kamay nito, bahagya siyang hinila at hinawakan ang palapulsuhan niya.

1/2

Kabanata 34

+25 BONUS

Sir

Inilipat ni Rage ang mga kamay niya sa batok nito kung nasaan ang lock ng kwintas.

Halos magkalapit na ang mga mukha nila sa posisyong yon. Ramdam ni Klaire ang init ng hininga ni Rage, ang amoy ng kanyang balat at ang mamahaling pabango na bumabalot sa lalaki.

Take it,mahinang utos ni Rage sa isang malalim na boses.

Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na hininga ni Rage sa noo niya. Lalong naginit ang mukha ni Klaire sa hiya. Ang mga kamay niya na nakapulupot sa leeg ni Rage ay parang nanigas at hindi makaalis sa kinaroroonan.

Bakit ang tahimik mo?Napatitig si Rage sa mga labi niya na mas lalong nagpapaalab sa kanyang damdamin. Bakit parang gusto siyang halikan nito?

Napakurap siya nang untiunting lumalapit ang mukha ni Rage sa kanya. Mabilis siyang umatras at inalis ang mga kamay sa batok ni Rage.

Ppasensya namahinang sabi ni Klaire.

Hindi na sumagot si Rage. Tumayo lamang ito at malalaking hakbang ang ginawa palabas ng kwarto niya.

Hinaplos ni Klaire ang kumakabog niyang dibdib at malakas na napabuntonghininga. Hindi niya alam kung bakit may parte sa kanya na gustong ituloy ni Rage ang gagawin sana nito.

Dahil ba to sa pregnancy hormones niya na sinabi ni Dok Alfy kahapon? Hindi naman siguro ito dahil sa may nararamdaman na siya para kay Rage, di ba?

Samantala, si Rage na todo pigil sa sariling pagnanasa ay mabilis na nagtungo sa kanyang kwarto. Konti na lang! Kung hindi sana umatras si Klaire, matagal nang sinakmal ni Rage ang mga labi nito. At hindi lang halik ang gusto niyang gawin!

Pero alam niyang kailangan niyang maghintay hanggang sa maikasal sila bukas. Kailangan niya ring hintayin ang pagiging stable ng pregnancy ni Klaire para hindi mapaano ang anak nila kapag magtalik sila. (1)

Habang pinapakalma ni Rage ang sarili, naramdaman niya ang paglapit ng kung sino sa kanyang likuran. 1

Uncle Rage,anang pamilyar na boses ni Miguel.

Nilingon niya ang exfiance ng mapapangasawa niya. Nakatayo ito na may hawak na mga dokumento. Umangat ang sulok ng labi niya para sa isang banayad na ngiti.

Pero agad ding nawala ang ngiti na yon nang magpatuloy si Miguel.

Uncle, please help me. Kumbinsihin mo si Mommy na ipostpone ang kasal namin ni Kira. Nagmamakaawa ako sa yo, Uncle. Sabi ni Mommy, kailangan daw mapaaga ang kasal namin dahil sa yo.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)