Hindi… hindi naman iyon ang dahilan nang pag–iyak niya!
Marahan niyang tinapik ang braso ni Rage at itinuro ang baso ng inumin. Nang maunawaan ito ni Rage, agad nitong tinulungan si Klaire na uminom ng tubig.
“Now, tell me. Iniiyakan mo ba ang kasal ng ex–fiance mo? Do you still like that guy?” mariing tanong ni Rage.
Kumunot ang noo ni Klaire. Totoong nagulat siya sa balita na mas pinaaga ang kasal ni Miguel kay Kira. Pero binitawan na niya ito. Pakiramdam niya ay hindi talaga sila itinadhana… hindi para sa isa’t isa.
Sa katanuyan nga, mas ikinagulat pa niya ang desisyon ni Rage na paagahin din ang kanilang wedding party. Buong akala niya ay pribado lang ang kasal nila kaya’t tila nagkaroon siya ng malaking bubog sa dibdib.
Ang akala niya ay marami pa siyang oras para makapag–isip ng palusot kung sakaling tanungin siya ng Papa niya o ni Miguel kapag nalaman ng mga ito na ikakasal siya kay Rage.
Pero paano na ngayon? Ito naman kasing si Rage. Binago na naman ang desisyon nang hindi man lang pinapaalam sa kanya!
Sigurado siyang malalaman ng Papa niya, nina Miguel at Kira na si Rage De Silva ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon… at ang ama ng dinadala niya.
Hindi niya makayanan ang mga posibilidad dahilan para mabulunan siya habang kumakain.
“N–Nabulunan lang ako, Sir. Kaya nagluha ang mata ko… hindi dahil kay Miguel,” sagot niya sa lalaki habang hinahaplos ang leeg at lumulunok nang malalim. “Sorry kung narumihan ko ang damit—”
((
“Great!” May himik ng saya ang boses ni Rage at saka hinaplos ang kanyang buhok na animo’y siya’y bata. Remember this, Klaire De Silva, you are mine. Walang sinumang lalaki ang pwedeng umangkin ng puso mo. I should be the only one in your life. Got that?”
Bahaw na tumango si Klaire para sana ay lubayan na siya ni Rage. Hindi niya alam kung bakit kapag malapit ito ay parang nasa karera ang puso niya. Pero parang ayaw pa siyang iwan ng lalaki.
“Dadating ang fashion designer mamaya para sukatin ang wedding dress at ang isusuot mong gown sa kasal ng pamangkin natin.”
Napaangat siya ng tingin mula sa pagkakayuko. “A–Ako? Kailangan ko ring pumunta? Pero… hindi ko—”
Muli na namang pinutol ni Rage ang kanyang sasabihin. “Huwag kang mag–alala. Hangga’t hindi pa natin ina- announce ang kasal, secretary pa rin kita sa paningin ng iba.”
Kahit na… kaya ba niya talagang dumalo sa kasal nina Miguel at Kira? Paano kung mapaiyak siya sa harap ng maraming tao? Saka ano na lang ang sasabihin ng Papa niya kapag nagpunta siya doon nang hindi naman
invited?
Mas lalong nalungkot si Klaire nang maisip ang ama. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin siya kinokontak nito… Talaga bang hindi na siya tinuturing na anak nito? Sino na lang ang maghahatid sa kanya sa altar sa araw ng kasal niya?
1/2
Kabanata 33
+25 BONUS
“What are you thinking about?” Takang tanong ni Rage, iniisip na baka si Miguel ang nasa isip ni Klaire.
“W–Wala,” sagot ni Klaire at bahagyang nag–iwas ng tingin.
Napasinghap siya nang hawakan ni Rage ang kanyang baba gamit ang hinlalaki at hintuturo, at marahang iginaya ang ulo niya sa gawi nito.
Gustong makita ni Rage ang mga hazel na mata ni Klaire habang nagsasalita ito, pero lagi na lang nitong iniiwas ang tingin sa kanya.
“You don’t want to answer? That means I have to find out for myself, right?“usisa ni Rage.
Bumaba ang tingin ni Klaire. Sa hindi malamang dahilan ay hindi niya kayang makipagtitigan nang matagal sa lalaki.
“Look at me. Ayaw mo bang nakikita ang asawa mo?”
‘Asawa? Kailan pa naman kami kasal, ah!‘ reklamo ni Klaire sa kanyang isip.
“Iniisip ko lang ‘yung kapatid ng kaibigan ko, Sir,” aniya, kaunting pagsisinungaling niya.
Plano naman talaga niyang ungkatin ang tungkol sa engagement ni Lance sa pamangkin ni Rage. Pero natatakot lang siyang magsimula. Binitiwan ni Rage ang baba niya. Tumalikod ito at naupo sa sofa.
“What is it? Tell me,” utos ni Rage.
Huminga nang malalim si Klaire, hinihimay sa isip niya ang mga salitang dapat bitiwan para hindi magmukhang inaakusahan niya si Rage na mastermind sa arranged marriage na ‘yon na bigla na lamang nangyari.
“Tulungan mo si Lance na makawala sa arranged marriage nito sa pamangkin mo, Sir. Malaki ang naitulong sa akin ng pamilya ni Charlie. Ayokong mawala ang kalayaan ng kapatid niya na makasama ang babaeng totoong mahal niya.”
Umangat ang sulok ng labi ni Rage sa isang pilit na ngiti. Hindi ba nakikita ni Klaire na may nararamdaman ang Lance na ‘yon para sa kanya?
“Alright. What else do you want?”
“Ang kuwintas ko rin…” mahinang sabi ni Klaire habang nakatitig sa kwintas ng kanyang ina na nasa leeg ni Rage,
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)