Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 32

Kabanata 32

Doon pa lang binuksan ni Klaire ang pinto ng banyo, at napabuntonghininga paglabas doon.

+25 BONUS

Ngayon, kaharap ni Rage ang isang babaeng matagal na niyang hindi nakikitasi Rita, ang nakatatandang kapatid niya ng anim na taon, at ang ina ng kanyang pamangkin na si Miguel Bonifacio.

What brings you here? Ang tagal mo nang hindi dumadalaw, ni hindi ka nga umattend sa engagement ni Miguel,sabi ni Rita habang umiinom ng kape sa isang mamahaling tasa.

Hindi mo naman siguro palalagpasin ang kasal ng pamangkin mo, hindi ba?

Tamad na ngumiti si Rage. I also wanted to talk about it, Mrs. Bonifacio. In two weeks, my schedule is very busy.,patuloy ni Rage. May pagbubukas kami ng malaking exhibit para sa mga bagong jewelry ng kumpanya ko sa iba’t ibang bansa.

Ibinalik ni Rita ang tasa sa platito nang may diin; malakas ang tunog nito. Kita ni Rage ang iritasyon sa mga mata ng kanyang kapatid.

So dumalaw ka lang para sabihing hindi ka makakadalo sa kasal ni Miguel? Ikaw talaga—Napakagatlabi si Rita, pilit pinipigil ang sarili na sapukin si Rage sa harap ng mga kasambahay ng mga Bonifacio.

Gustonggusto kong umattend sa kasal ng pamangkin ko,sabi ni Rage habang kunwaring malungkot ang mukha. “Kayapwede mo bang paagahin ang kasal nila?

Ano?! Hindi ko bastabasta mababago ang petsa! Napagkasunduan na yon nina Julius at ng magiging balae ko!

11

Huminga nang malalim si Rage at nagkunwaring mas nalulungkot. Ate, I want to come to Miguel’s wedding.

Natigilan si Rita nang tawagin siyang muli ng kapatid na ate. Magmula kasi nang ikasal siya kay Julius Bonifacio dalawampu’t anim na taon na ang nakalilipas, palaging malayo ang loob ni Rage sa kanya. Dati ay close silang magkapatid, pero ngayon, lagi na lang siyang tinatawag ni Rage na Mrs. Bonifacio.

Ayaw kasi ni Rage kay Julius noon pa man. Sa tingin niya, inagaw nito ang Ateniya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap si Julius bilang kapamilya.

Matapos ang ilang saglit ng pagiisip, nagbuntonghininga si Rita.

Sigesusubukan kong paagahin ang kasal ni Miguel,sagot niya. Sa kabila ng lahat, gusto pa rin niyang maging bahagi si Rage ng kasiyahan ng kanilang pamilya.

Ate, in three daysikasal mo sila sa loob ng tatlong araw,ani Rage.

Ano?! Hindi pwede! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang paghahanda sa kasal, Rage! Hindi ka pa kasi nagpapakasal!mariing sagot ni Rita. Paano nga ba niya mapapakasal agad sina Miguel at Kira sa loob ng tatlong araw? (1

Bukod pa roon, may duda talaga si Rita. Mula’t simula, mas gusto niya si Klaire kaysa kay Kira bilang maging maybahay ni Miguel. Ayaw nga sana niyang ipakasal ang anak kay Kira, kung hindi lang dahil sa pamimilit ng

1/2

Kabanata 32

+25 BONUS

asawa at kaibigan niya.

Fine. Uuwi na ako.Tumayo si Rage at bumuntonghininga.

Napangiwi si Rita sa inaakto ng kapatid. Ramdam niya ang guilt. Wala siyang masyadong oras noon para kay Rage dahil naging busy siya sa pagaalaga kay Miguel at hanggang ngayon ay may bahid pa rin ng pagsisisi sa kanya.

Sandali lang!tawag niya nang malapit na si Rage sa pinto. Kakausapin ko si Julius. Baka magawan ko ng paraan para maikasal ang anak ko isang linggo mula ngayonpero kailangan talagang pumunta ka!

Of course. Good luckpero hindi ako pupunta kung hindi mo makumbinsi ang asawa mo.

Napangiti si Rage habang palabas ng mansyon ng mga Bonifacio.

Hanggang sa makarating siya sa harap ng kwarto ni Klaire

Klaire De Silva!Binuksan niya ang pinto ng kwarto nito at nilapitan agad ang babae.

Si Klaire, na kagatkagat pa ang pagkain, ay natigilan sa pagnguya. Umupo si Rage sa tabi niya at agad ibinalita ang tungkol sa kanilang kasal.

Pagkatapos mong kumain, kailangan mong sukatin ang wedding dress mo. Miguel is getting married in three days. We can have a wedding party next week.

Nabulunan si Klaire sa narinig. Dahil sa pagkabigla, naluwa niya ang kinakain. Tumalsik ang mumunting piraso ng kanin sa mamahaling suit na suot ni Rage. Isang suit na minsan pa lang niyang nasusuot.

Napatingin si Klaire sa mukha ni Rage, natatakot na baka galit na naman ito at singhalan siya.

Pero hindi galit ang bumungadkundi isang masidhing titig.

Youbulong ni Rage, kumunot ang noo hindi dahil sa mantsa ng pagkain sa damit niya. Kundi dahil sa mga luha na bumagsak sa pisngi ng babaeng magiging asawa na niya.

Iniiyakan mo ba ang lalaking yon sa harapan ko?malalim na boses niyang tanong. 2

2/2

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)