Kabanata 31
“Nakalimutan mo na ba ang gabing ‘yon?”
Lumapit si Rage, at dahan–dahang naman siyang umurong.
“Ipaalala ko ulit sa’yo,” bulong nito.
“S–Sir… h–hindi ko-”
Nahawakan ni Rage ang baywang niya. Dahan–dahan nitong ipinatong ang palad sa tiyan niya, may halong lambing at pang–aakit ang bawat galaw.
Natigilan si Klaire. Mabilis ang tibok ng puso niya at gusto niyang alisin ang kamay nito sa kanyang tiyan pero kakaiba siyang naramdaman… parang kinakalma siya ng bawat haplos ng palad ni Rage.
Bakit gano’n? Naisip niya na baka iyon ang tugon ng baby sa tiyan niya sa haplos ng ama nito.
“I won’t do that today. Be patient,” wika ni Rage, na para bang si Klaire ang may gustong mangyari sa kanilang
dalawa.
Humiga si Rage sa tabi niya, ipinikit ang mga mata habang patuloy na hinahaplos ang kanyang tiyan.
“Don’t be so tense. Matulog ka na,” ani Rage.
Iniling naman niya ang ulo. “Sir… bumalik ka na sa kwarto mo. Hindi ako makakatulog nang may katabi.”
Ngunit hindi ito sumagot.
“Sir…?”
Isang banayad na hilik ang narinig ni Klaire mula sa lalaki. At talagang nakatulog na ito!
Paano ‘to? Natatarantang isip ni Klaire.
Tahimik niyang tiningnan si Rage. Nang masigurong tulog na ito, maingat niyang inalis ang kamay nito mula sa kanyang tiyan. Dahan–dahan siyang bumangon at umalis ng kama.
Lumipat si Klaire sa maliit na sofa. Sinubukan niyang mahiga room kahit hindi siya komportable.
“Paano naging ganito…” usal niya habang pilit na pinagkakasya ang sarili sa sofa.
Sa loob lang ng isang gabi, nagbago na naman ang kapalaran niya dahil kay Rage. At gaya ng dati, parang napakadali para sa lalaki ang kontrolin ang buhay niya,
Nang ipit ni Klaire ang mga mata, sumulpot sa isip niya ang imahe ni Miguel. Napamulat siya agad para hindi na maaalala pa ang mga ngiti ng lalaki na minsang nagbigay ng saya sa kanya.
Masakit… Hindi niya maisip na ang lalaking dapat ay magiging asawa niya habang buhay, magiging pamangkin na lang niya sa batas.
Nagsimulang tumulo ang luha niya. Hindi niya akalaing sa bandang huli, magpapakasal siya sa isang matandang lalaki na hindi niya ganap na kilala.
1/3
Kabanata 31
+25 BONUS
Isang lalaking nag–iwan ng lamat sa puso niya…
Kakayanin niya ba talagang maging isang De Silva?
Ultimo si Lance ay napilitang pakasalan si Chelsea dahil sa kagagawan ni Rage… Nang dahil sa kanya, matatali si Lance sa isang babaeng hindi naman nito mahal.
Napahagulgol siya, habang ang lalaking gumulo sa buhay niya, ay masarap ang tulog at panaginip.
Kinabukasan, unang nagising si Rage. Nakangiti at banayad ang pakiramdam niya. Nag–unat siya, at agad na hinanap ang presensya ni Klaire sa tabi.
Ngunit wala siyang katabi.
Napamulat si Rage, at nilibot ng tingin ang paligid… hanggang sa makita niya si Klaire na nakabaluktot at niyayakap ang sarili sa sofa.
Hindi pa man ganap na gising, nilapitan ni Rage si Klaire at binuhat ito pabalik sa kama. Humiga siyang muli sa tabi nito at ipinasok ang kamay sa loob ng nightgown nito para haplusin ang tiyan nito.
Mainit at banayad ang katawan ni Klaire na nagpakalma sa kanya. Sa gano’ng posisyon ay nakatulog ulit si Rage.
Nagising si Klaire matapos ang kalahating oras. Nagulat siya nang maramdaman ang palad ni Rage sa kanyang tiyan.
Paanong nangyaring nasa kama na naman siya? Kailan siya nilipat doon ni Rage?
“Manyak!” mahinang bulong ni Klaire.
Tatanggalin na sana niya ang kamay ng lalaki, pero bigla siyang niyakap ni Rage.
“H–Hindi ako makahinga, sir…” mahina niyang ungol.
Napakislot si Rage sa boses na napakalapit sa kanya. Ngumiti siya, at bahagyang niluwagan ang yakap dito, pero hindi bumitaw.
“Gising na, Sir!” bulyaw ni Klaire,
“Kanina pa…” sagot ni Rage sa paos at inaantok pang boses.
Kumurap–kurap ito. “You look beautiful in the morning,” sambit nito.
Pumikit at saglit na natigilan si Rage, “Ang ganda ng mga mata mo,” sambit niya ng di namamalayan.
“Sir! Bitawan n’yo na ako!” reklamo ni Klaire habang namumula ang pisngi.
Pero hindi pa rin gumagalaw ang mga kamay ni Rage,
Dahil manipis lang ang suot nito, ramdam na ramdam ni Klaire ang mainit at matigas na katawan ng lalaki. Lalong namula ang mukha niya.
“Yan din ang sinabi mo nung gabing ‘yon,” bulong ni Rage. “Are you teasing me?”
213
Kabanata 31
+25 BONUS
“H–hindi!” mabilis na sagot ni Klaire. “Gusto ko lang umihi. Pakawalan n’yo na ako…”
Sa wakas, binitawan na siya ni Rage. Agad na tumakbo si Klaire papuntang banyo.
“Don’t run!” paalala ni Rage. “Nakalimutan mo na bang buntis ka?”
Habang halos isang oras na nagkulong sa banyo si Klaire, kaya naman tuluyan nang lumabas si Rage sa kwarto.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)