Kabanata 30
+25 BONUS
Kabanata 30
May munting saya sa puso niya dahil may taong handang kilalanin ang kanyang anak. Ngunit agad niyang itinaboy ang pakiramdam na iyon, lalo na’t pumasok sa isipan niya ang imahe ni Miguel… at ng Papa niya.
Mas lalo lang siyang kamumuhian ng Papa niya at ni Miguel kapag nalaman nilang pinagbubuntis niya ang anak ni Rage.
Lahat ay alam kung gaano kalakas at makapangyarihan si Rage kumpara sa iba pang mga pamilya sa bansa. Kaya panigurado siyang napakadaling isipin ng iba na ginamit lang niya si Miguel para mapalapit kay Rage, kahit na alam naman niya ang totoong nangyari.
Ayaw niya ng komplikadong buhay. Lalo na ngayon, kailangan niyang alagaan ang pagbubuntis niya. Ngunit… may ibang pagpipilian ba siya?
Hindi niya kayang kontrahin si Rage. Wala siyang kapangyarihan. At alam niyang kaya siyang gipitin ni Rage na ipalaglag ang bata kung tututulan niya ang kasal.
Ayaw niyang mawala ang anak niya! Wala siyang ibang choice kundi ang sumunod sa kagustuhan ni Rage…
***
Kagagaling lang ng ina ni Rage sa silid niya na personal na naghatid ng hapunan niya. Gusto pa sana siyang subuan nito gaya ng ginagawa ni Alma pero agad siyang tumanggi at sinabing medyo nasusuka siya at hindi pa kayang lumunok ng pagkain.
Buong akala niya ay pababayaan na siya nito at hahayaan nang magpahinga. Pero nagkamali siya. Bigla na lamang bumalik si Anna De Silva kasama si Dok Alfy sa kwarto.
“Nahihilo raw si Klaire. I–check mo nga at bigyan siya ng gamot,” kabado at nagpa–panic na utos ni Anna.
“Naranasan niyo rin po ‘yan, Ma’am. Normal ang pagkahilo sa unang trimester ng pregnancy. Baka po ayaw lang ni Miss Klaire sa amoy ng pagkain,” paliwanag ni Dok Alfy.
Yumuko naman si Alma sa harapan nina Rage at Anna.
“Pasensya na po… mas naging maingat dapat ako sa paghahanda ng pagkain ni Miss Klaire.”
Nakonsensya naman si Klaire sa paghingi ng tawad ni Alma, dahil nagkunwari lang naman siyang walang gana. Kaya’t napilitan siyang tanggapin ang pagkain kahit wala siyang ganang sa mga oras na ‘yon.
“Kakain na po ako. Nagugutom na po ako,” bulong ni Klaire habang iniiwasang tumingin kina Rage at sa ina nito, natatakot na mabuko ang kanyang pagsisinungaling.
“Maghanda ng iba pang pagkain,” utos ni Rage.
“Huwag na!” pigil agad niya. “Ito lang ang gusto kong kainin. Sayang naman ang pinaghirapan ni Alma.”
Inihanda ni Alma ang maliit na mesa sa kama dahil hindi pa rin siya pinapayagang bumangon. Gaya ng nakasanayan, si Alma ang nagsimulang magsubo sa kanya.
Pero dahil maraming nakatingin, labis ang kahihiyan ni Klaire. Namula ang kanyang pisngi at hirap siyang
1/2
Kabanata 30
+25 BONUS
ngumuya.
Mula sa gilid ng kanyang mata, nakita niyang may ibinulong si Dok Alfy kay Rage.
Agad na lumapit si Rage sa gilid ng kama at pinaalis si Alma.
“A–anong gagawin mo?” tanong ni Klaire, kinakabahan nang mapansin na inabot ni Rage ang kutsara.
“Isn’t it obvious?!” malamig at matalim ang boses ni Rage kaya’t napayuko si Klaire, takot na takot.
Kinurot naman ng ina ang braso ni Rage. “Huwag mong sigawan ang asawa mo! Dapat mahinahon ka lang magsalita!”
“Hindi pa niya ako asawa… hindi pa…‘ sigaw ni Klaire sa kanyang isipan.
“Nganga,” utos ni Rage, pero ngayon ay mas maamo na ang boses nito.
“Ngiti naman diyan, Sir. Nakakatakot ka kapag nakasimangot,” bulong ni Dok Alfy. “Kaya natatakot si Miss Klaire, e.”
Namintog ang litid ni Rage sa leeg dahil sa inis sa sunod–sunod na pang–uutos ng kanyang ina at ng doktor.
“You guys get out of here now! Naiilang si Klaire kapag maraming tao!” singhal ni Rage sa kanila.
Tumalima ang lahat at iniwan si Klaire kasama si Rage sa silid. Ang totoo, si Rage pa nga ang pinakanakaka- ilang para kay Klaire. Mas lalo siyang ninerbiyos nang makitang papalapit na ang kutsarang hawak nito sa bibig niya.
“Don’t you want to eat?” tanong nito, may banta ang boses.
Napapikit na lang si Klaire at napilitang tanggapin ang bawat subo. Hanggang sa mabusog siya, dahil pinilit ni Rage na ubusin niya lahat ng pagkain.
Pagkatapos ng hapunan, pumasok si Rage sa banyo ng kwarto ni Klaire. Ilang saglit pa ay narinig niya ang lagaslas ng tubig.
“Bakit kaya hindi pa siya umaalis?” usal niya sa sarili.
Halos kalahating oras bago lumabas si Rage sa banyo na naka–bathrobe lamang. Umupo ito sa tabi ni Klaire nang tila walang pakialam.
“A–anong ginagawa mo?” gulat na tanong ni Klaire.
“Matutulog. Ano pa ba?” Nakataas ang kilay ni Rage at saka lumabas ang pilyong ngiti. “Bakit, gusto mo na bang mag–practice para sa unang gabi natin?” 1
2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)