Kabanata 29
Ngayon lang napagtanto ni Klaire… na kahit halos isang buwan na siyang nagtatrabaho kay Rage, totoo pala ang mga balita tungkol sa lalaki.
Na pakiramdam ni Rage ay sa kanya lang umiikot ang mundo. Na siya lang ang may karapatang magdesisyon sa lahat ng bagay… na hindi niya iniisip ang opinyon ng iba. Isang mayabang at aroganteng lalaki na hindi marunong tumanggap ng pagtutol.
Ngunit si Klaire… ayaw niyang isuko na lang basta ang kalayaan niya. (1
“Teka lang, Sir Rage, pero may karapatan akong tumanggi sa kasal.”
“Then get out of this house right now if you don’t want to marry me,” malamig na sagot ni Rage.
Talaga ba? Gano’n lang siya bibitiwan ni Rage?
Hindi pakakawalan ni Klaire ang pagkakataon. Aalis talaga siya! Ngunit sa ikalawang hakbang pa lang niya, may sinabi si Rage na nagpatayo ng kanyang balahibo at nagpatigil sa kanyang mga paa.
“If you leave this house, I will not let you raise my flesh and blood,” madiing wika ni Rage.
“A–anong ibig mong sabihin?” Nilingon siya ni Klaire, nanginginig ang boses. 1
Tumayo si Rage mula sa kama at dahan–dahang lumapit kay Klaire.
“Papakasalan mo ako… o ipapalaglag mo ang bata sa sinapupunan mo. Anong pipiliin mo?” tanong nito sa seryosong boses.
“A–ano?!” Napasigaw si Klaire.
“Get some rest. Hindi ka dapat mapagod at masyadong mag–isip. I will tell the maid to prepare a healthy lunch for my future wife and child.” Tinapik ni Rage ang balikat niya at saka naglakad paalis. ·
Pagdating nito sa pintuan, huminto si Rage at muling nagsalita, “Ikakasal tayo sa makalawa. Dito lang sa bahay gaganapin ang ceremony. Iimbitahan ko rin ang bestfriend mong kating–kating komprontahin ako… that Charlie Rivas?” aniya bago tuluyang umalis.
Naiwang tulala sa kinatatayuan si Klaire.
“P–Paano niya nalaman?” bulong ni Klaire. “T–Talagang pinapasundan niya ako?”
Bumagsak si Klaire sa sahig, nanghihina ang mga tuhod.
Nakakatawa… pinilit niyang magtago at umiwas sa lalaki, ngunit matagal na palang alam ni Rage. At pinasundan pa siya nito!
Pero… talaga bang papakasal siya kay Rage?
Samantala, bahagyang nakangiti si Rage habang papunta sa silid ng kanyang Mama. Walang nakakaalam na sobrang bilis ng tibok ng puso niya kanina, nang tingnan siya ni Klaire na may gulat sa mga mata.
Hindi niya alam pero parang nalulunod siya sa tahimik na dagat habang nakatitig sa mga mata nito. Hindi
1/3
Kabanata 29
+25 BONUS
magtatagal, ang nagmamay–ari ng mga matang ‘yon ay magiging kanya… kanya lang.
“Ma…? Where is she?” tanong ni Rage nang hindi niya makita ang ina sa silid.
“Nag–shopping po si Madam,” sagot ng isa sa mga katulong.
“Shopping? How rare…” mahinang bulong ni Rage.
Sa kabilang banda, kasalukuyang nasa isang shopping center si Anna, namimili ng mga pambatang gamit sa isang boutique para sa kanyang magiging apo. Siyempre, excited siya sa pagdating ng anak ng kaisa–isa niyang anak na lalaki.
Pagkatapos mag–shopping, agad siyang umuwi at dumiretso upang kausapin si Klaire. Sumilip siya sa kwarto ni Klaire at nakita niya ang magiging manugang na nakaupo sa tabi ng bintana, tulala, habang hawak ang tiyan.
“Klaire…” tawag ni Anna sa banayad na boses.
Hindi siya narinig ni Klaire, kaya pumasok si Anna at lumapit sa dalaga.
“Huwag ka masyadong mag–isip, hija…”
Nagulat si Klaire sa banayad na haplos sa kanyang balikat. Agad siyang yumuko nang makita ang ina ni Rage sa harap niya.
Takot. ‘Yan ang unang naramdaman ni Klaire. Takot na ituring siya nitong isang mababang babae na walang moral na umakit sa isang Rage De Silva. Ni hindi nga ‘to naniwala noong una.
“M–Madam…”
“Hindi mo na ako pwedeng tawaging ng ganyan,” nakangiting sabi ni Anna.
“Simula ngayon, Mama na ang itatawag mo sa akin.”
Napatingin si Klaire sa magandang ginang na bagamat may bahagyang kulubot sa mukha ay halatang inaalagaan pa rin ang sarili. Hindi alam ni Klaire kung ano ang dapat isagot.
Bakit bigla na lang suportado ang ina ni Rage sa kasal? Ano kaya ang sinabi ni Rage sa kanyang mga magulang?
“Tama na ‘yang pagmumukmok mo diyan. Pinag–shopping kita ng mga gagamitin mo sa pagbubuntis mo, pati na rin ng mga gamit ng unang apo ko,” tuwang saad ng ginang sabay baling sa isa sa mga kasambahay.
May ilang mga kasambahay pa ang lumitaw sa kwarto, magkakahanay, bitbit ang mga shopping bags. Maingat nilang ipinagpatong–patong ang mga ito sa lamesa, na halos gabundok na!
“Kung kulang pa ‘yan, sabihin mo lang si Rage. Kayang–kaya ka niyang bigyan ng kahit anong gusto mo. Huwag ka nang mahihiya sa amin, ha? Bahagi ka na ng pamilya De Silva.” Marahang hinaplos ni Anna ang braso ni Klaire. “Magpahinga ka muna. Tatawagin kita para sa hapunan mamaya.”
Pagkatapos noon, lahat ng kasambahay ay yumuko bilang paggalang kay Klaire, saka tahimik na sumunod sa ginang palabas ng kwarto.
Doon lamang nakahinga si Klaire. Tila doon lang siya nakaramdam ng bahagyang luwag sa dibdib. Lumapit siya
2/3
Kabanata 29
sa mga shopping bags sa lamesa, naguguluhan na hindi niya maintindihan.
+25 BONUS

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)