Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 28

Kung ganon, siya pala si Klaire Limsonhindi ko pa siya nakilala noon dahil mas malapit ang mga Limson sa mga Bonifacio,napabuntonghiningang sabi ni Baltazar habang pinupunasan ang mukha.

Alam mo ba kung sino ang naglagay ng gamot na yon sa inumin mo?tanong ni Anna.

Hindi na kailangang pagtuunan ng pansin yan, Ma. I’ve already taken care of it. Ang mahalaga ngayon, pumili ka na ng wedding invitation. Since I’m getting married in three days, we have to send out these invitations immediately,pagmamadali ni Rage sa ina.

Hindi pa pwede ngayonhintayin mo munang ikasal sina Miguel at ang pangalawang anak ng mga Limson,mariing sagot ni Anna.

Hindi matanggap ni Rage iyon. Hindi na siya makapaghihintay pa!

Tama ang Mama mo, Rage. Si Klaire ang magmumukhang masama kung mauuna kayong ikasal. Para bang iniwan niya si Miguel para lang magpakasal sa mas mayaman,pagsangayon ni Baltazar sa asawa.

E paano ang anak ko?!naiinis na sambit ni Rage habang pinipigilan ang sarili. Hindi siya papayag na takasan siya ni Klaire habang naghihintay ng kasal nina Miguel at Kira.

Pwede muna kayong magcivil wedding. Isunod na lang ang engrandeng kasalan sa susunod na buwan. Sa gano’ng paraan, hindi magiging masama ang tingin sa iyo ng mga taona isa kang mabuting lalaki dahil inako mo si Klaire mula sa pagkasira ng buhay niya dahil sa failed engagement niya sa mga Bonifacio. Hindi na rin siya gagawing katatawanan ng publiko,mahinahong paliwanag ni Baltazar.

Pero kahit isang buwan lang, masyado pa ring matagal yon para kay Rage. Ni ayaw niyang itago ang magiging kasal niya kay Klaire.

Gagawa siya ng paraanpara maikasal agad sina Miguel at Kiraat para wala nang makasagabal pa sa kasal nila ni Klaire!

***

Samantala, mas kalmado na ngayon si Klaire. Bagamat hindi ibig sabihin nito na tinatanggap na niya ang desisyon ni Rage na pakasalan siya.

Ang tanging hangad lamang ni Klaire ay ang mamuhay nang tahimik matapos umalis sa kumpanya ng lalaki. Ni ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong kaugnayan kay Rage o sa nakaraan niya. Bukod pa roon, kung pakakasalan niya si Rage, madalas niya ring makikita sina Miguel at Kira.

Kahit pa pinipilit niyang kalimutan ang mga ito, hindi maikakaila ang sakit na nararamdaman niya tuwing nakikita ang dalawang magkasama. Ang pagmamahal na pinagkaloob niya kay Miguel mula pagkabatahindiyon bastabasta mawawala.

Kaya naman napagdesisyunan ni Klaire na lumayo sa siyudad. Maghanap na lamang siya ng simpleng trabaho na walang koneksyon sa mayayamang pamilya at palalakihin ang kanyang anak nang magisa.

Ang gusto lang niya ay payapang buhay na walang kahit anong problema. Iyon lang naman

Kailangan kong sabihin sa mga magulang ni Rage na hindi nila kaanoano ang batang dinadala ko. Siguradong

1/2

Kabanata 28

+25 BONUS

pakakawalan nila ako at hindi na guguluhin pa,mariing sambit niya sa kanyang isip.

Habang abala si Klaire sa kanyang planong pagtakas, bumukas ang pintuan ng kuwarto. Sino pa nga ba ang may ganitong asal kundi si Rage?

Pinatatag niya ang kanyang loob habang kuyom ang parehong kamay. Tumayo siya at tiningnan si Rage na papalapit sa kanya.

Who allowed you to get out of bed? Ayokong madisgraya ang anak ko dahil lang sa kapabayaan mo,malamig na sabi ni Rage. Sa totoo lang, gusto sana niyang kausapin nang mahinahon si Klaire, pero hindi ganoon kadaling baguhin ang nakasanayan.

Sir Rage, may gusto po akong sabihin sa iyo,diretsong tingin ni Klaire sa seryosong mga mata ni Rage, puno ng determinasyon. May maling akala po kayo. Ang batang ito sa sinapupunan ko, hindi po ninyo anak.

Nanginig ang katawan ni Klaire habang untiunting nabawasan ang distansya sa pagitan nila. Ramdam niya ang mabangong halimuyak ng pabango ng lalaki na bahagyang nagpaalala sa kanya ng katawan nito

Really? Then whose child are you carrying?hamon ni Rage, tila sinasakyan lamang ang kasinungalingan niya. Hindi ba sa’yo ang kwintas na ito?

Ooakin nga po ang kwintas na yan. Pero nagkakamali po kayo sa isang bagay, Sir RageSaglit na natigilan si Klaire bago pilit nilulon ang mga salita,

hindi lang kayo ang nakatalik ko. Maraming beses akong nakipagtalik sa ibang lalaki. Sigurado akong hindi ikaw ang ama ng anak ko.

Isang malaking kasinungalingan, ngunit ito lang ang naiisip ni Klaire para lang makaiwas sa kasal. Pero ang epekto nito kay Rage? Wasak ang kanyang pagkalalaki. Pakiramdam niya’y tahasang tinatanggihan siya ni Klaire.

Talaga ba?malamig ang tanong ni Rage.

Agad na tumango si Klaire, inakalang naniwala na ang lalaki dahil sa saglit na pagdilim ng mukha nito.

Ngunit ngumiti lamang si Rage. Wala akong pakialam

AAno?! Hindi po puwedeng ganyan! Dapat lumaki ang anak ko sa piling ng kanyang tunay na ama!

Dinaanan lamang ni Rage si Klaire at saka binagsak ang katawan sa kama bago sumandal sa headboard. (1

You’re also wrong about one thing, Klaire De Silva. Wala akong pakialam kung ayaw mo man o gustoKung nagpasya akong pakasalan ka, matutuloy yon kahit anong mangyari.Matigas, buo, at pinal ang boses ni Rage.

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)