Katahimikan…
Nabalot ng katahimik ang lahat matapos ibunyag ni Rage ang kanyang sariling kahihiyan.
Tulalang nakatitig si Klaire sa mukha ng lalaki, ni hindi man lang siya kumukurap. Parang ang bilis ng mga pangyayari ngayong araw para sa kanya. Ngayon lang naalala ni Klaire na si Dok Alfy, na nag–examine sa kanya mula pa kagabi, ay alam na pala ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Bakit ngayon lang niya narealize iyon?
“K–Kung ganoon…” Gusto sanang tanungin ni Klaire kung kailan nalaman ni Rage na dinadala niya ng anak nito, pero tila ba nawalan siya ng boses dahil sa tindi ng pagkabigla.
“Oh my God… huwag kang magbiro, Rage De Silva.” Gusto sanang sigawan ni Anna ang kanyang anak, pero nanghihina ang kanyang boses.
Nakaupo pa rin si Rage na parang walang kasalanang ginawa.
“Hindi ba’t palagi kang nag–aalala na baka hindi na ako magkaroon ng anak dahil palagi kong tinatanggihan ang mga babaeng nirereto mo sa akin? Ayan na, Mama. May manugang ka na at may apo ka pa. Didn’t I do great?”
Napanganga si Klaire habang palipat–lipat ang tingin kina Rage at sa ina nito. Paanong nagagawa ni Rage na maging kalmado sa kabila ng malaking pagkakamali na nagawa
nito?
At… ganon lang kadali para rito na sabihing ‘great‘ ang ginawa nitong pagsira sa buhay niya!
Dahan–dahang umiling si Klaire at mariing isinara ang kanyang bibig. Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng isip ng lalaking ito!
Napagdaanan na ni Klaire ang napakaraming hirap dahil kay Rage–pinalayas sa bahay, tinakwil ng sariling ama, at pinilit magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Hindi pa kasama roon ang pagkasira ng relasyon nila ni Miguel!
“Great?” nanginginig ang boses ni Klaire nang muling magsalita.
Tinapunan siya ng tingin ni Rage. Bahagyang kumibot ang balikat nito. “Don’t you remember? Huwag kang mag -alala… ipapaalala ko sa’yo, pagkatapos nating maikasal,” kalmadong sagot ni Rage.
Nagulat man sa simula, nagsalita na rin ang ama ni Rage.
“Kung gano’n, ayusin niyo na agad ang kasal niyo. Ilang linggo nang buntis si Klaire sa apo ko?” tanong ni Baltazar kay Dok Alfy,
“Apat na linggo, sir. Madalas mahimatay si Miss Klaire kapag sobrang stress. Kailangan palaging maayos ang emosyon niya para maiwasan na may masamang mangyari sa magiging apo ninyo,” paliwanag ng doktor at binigyan si Rage ng matalim na tingin, dahil sa kaalaman patungkol sa medical records ni Klaire no’ng nasa kumpanya pa ito.
“Four weeks? Ibig sabihin, dapat ikasal na kayo ng manugang namin sa loob ng dalawa o tatlong araw. Huwag niyo nang patagalin pa,” mariing sabi ni Baltazar.
1/2
Kabanata 27
+25 BONUS
Manugang? At teka, ikakasal sa loob ng dalawa o tatlong araw?! Hindi pa rin makapaniwala si Klaire sa mga naririnig niya.
“Sandali lang… sabi niya secretary mo lang siya. Tapos bigla mo siyang nabuntis? Sigurado ka bang anak mo ang dinadala niya? Maraming babaeng gustong pakasalan ka, Rage… baka naman nagpapanggap lang ang babaeng‘ yan para mapasama sa pamilya natin!” mariing sambit ni Anna, ayaw pang paniwalaan ang buong sitwasyon.
Tinapunan ni Rage ng tingin si Chris at si Klaire.
“Miss, mas mabuting magpahinga ka muna. Kami na ang bahala sa mga wedding invitation,” magalang na sabi ni Chris at agad na tinawag ang mga katulong.
Lumapit si Alma at marahang inanyayahan si Klaire palabas ng silid. Sumunod na lamang si Klaire, dahil hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin siya sa lahat ng nangyari.
Nang tanging si Rage at ang kanyang mga magulang na lamang ang naiwan sa silid na ‘yon, saka niya tahasang ipinaliwanag ang buong pangyayari noong gabing iyon. Masyado pa siyang naging detalyado sa pagsasabing siya mismo ang nakakuha ng pagkabirhen ni Klaire.
“You have nothing to worry about, Ma. Malinis si Klaire at kailanman ay hindi pa nahawakan ng ibang lalaki. Ako mismo ang makakapagpatunay,” tapat na sabi ni Rage.
Hinablot ni Anna ang unan mula sa sofa, lumapit sa harap ng anak, at sinimulang hampasin si Rage. “Ikaw… bastos kang bata ka! Sinira mo ang kinabukasan ng inosenteng babaeng ‘yon! At proud ka pa talaga, ha?”
Iniwasan nya ang mga hampas ng ina. “Then what should I do? Nangyari na ang lahat. At saka, mukhang karapat -dapat naman si Klaire na maging asawa ko!”
“Balt! Bakit ba ang tahimik mo diyan? Tingnan mo ang ginawa ng anak mong ‘yan!” sigaw ni Anna.
Napatikhim si Baltazar, indikasyon na hindi alam kung paano sasagutin ang asawa. “Magkakaapo na tayo. Huwag mo nang ituring na bata ang anak mong magiging ama na,” malumanay niyang sagot.
“There’s one thing that you both need to know,” agad na dagdag ni Rage bago pa siya muling sermunan ng ina.
Ikinuwento ni Rage ang buong katotohanan tungkol sa pamilya ni Klaire–kung bakit apelyido ng ina ang gamit nito, ang pagiging ex–fiancée ni Klaire kay Miguel, at lahat ng impormasyon na nakuha niya patungkol sa babae.
Napaupo si Anna sa sofa, tila nalulunod sa dami ng iniisip. Kinuha ni Rage ang dapat magiging asawa ng sariling pamangkin? Paano kung sisihin sila ng mga Bonifacio?
Dahil sa sitwasyong iyon, napilitan si Rage na aminin na rin ang lahat ng kanyang ginawa sa mga magulang. Mas mabuting manggaling sa kanya kaysa marinig pa nila mula sa iba. 1

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)