Kabanata 26
‘Posible kayang… ang arranged marriage nina Lance at Chelsea De Silva ay kagagawan din ni Rage?!‘ Napalunok si Klaire. ‘Tama kaya sina Lance at Charlie? Nanggulo si Chelsea bago pa man kami maikasal ni Lance.‘
“Why are you looking at me like that? Bilisan mo nang pumili ng wedding invitation natin!” utos ni Rage kay Klaire. “Mamaya, dadating ang fashion designer para sukatin ang wedding dress mo.”
Napakunot ang noo ni Klaire at bahagyang nanginig ang labi. Gusto na niyang murahin ang lalaking nasa harap niya. Aba’t sobra na ang panggagamit ni Rage sa kanya!
“Hindi n’yo puwedeng basta–basta ipilit ‘to, sir! Ayokong magpakasal sa ‘yo! Maghanap na lang kayo ng ibang babae na puwedeng gamiting para makatakas ka sa arranged marriage n’yo!” sigaw niya. “Kailangan ko nang umuwi! Chris, please… ihatid mo ako palabas ng bahay na ito.”
Tumayo si Klaire at yumuko nang magalang sa mga magulang ni Rage. “Sorry po sa kabastusan ko, Mr. at Mrs. De Silva. M–Mauna na po ako.”
Pagkadaan ni Klaire sa harap ni Rage, bigla nitong hinawakan ang braso niya. Hinila siya ni Rage hanggang sa umikot siya at muntik nang matumba sa tabi ng sofa. Bago pa man mawalan ng balanse ay agad niyang hinila ito sa kanyang kandungan. Amoy na amoy niya ang pamilyar na bango ng babae. 1
Bakit ngayon lang niya ulit naalala ang amoy na iyon? Samantalang madalas naman siyang malapit kay Klaire nitong mga nakaraang araw. Napakatanga niya para hindi man lang ‘yon mapansin.
Ramdam ni Rage ang pagdaloy ng init sa buong katawan. Bigla niyang naalala ang gabi ng kanilang maalab na pagtatalik. Bumaba ang titig ni Rage mula mga mata ni Klaire patungo sa kanyang mapupulang labi, na ngayon ay tila lalong naging kaakit–akit at nakakagigil.
Mariing itinulak ni Klaire ang dibdib ni Rage at pilit na tumayo. Bumalik si Rage sa realidad ngunit hindi pa rin nito binitawan ang kamay ng babae. Pilit niyang pinaupo si Klaire sa tabi niya.
“Sir… gusto ko na pong umuwi,” pakiusap ni Klaire, halos magmakaawa na kay Rage.
“Uuwi? Saan ka uuwi? Dito na ang bahay mo simula ngayon,” sagot ni Rage, mariin at pinal.
Napatingin si Klaire sa ama ni Rage, umaasang tutulong ito sa kanya. Pero umiwas agad ng tingin ang matanda.
Tiningnan niya rin si Anna, umaasang kakampihan siya nito. Pero isa ring naguguluhang tingin lang ang isinauli nito sa kanya.
“Ihatid na natin si Klaire sa tinitirhan niya ngayon,” payo ni Anna sa wakas.
“What are you talking about, Ma? Dapat pumili na si Klaire ng wedding invitation namin ngayon, pagkatapos ay kailangan siyang sukatan ng wedding dress. Our schedule is very busy today,” ani Rage at muling lumingon kay Chris. “Naihanda mo na ba ang wedding hall?”
“Opo, sir. Kailangan n’yo na lang pong pumili ng dekorasyon,” sagot ni Chris.
“You can ask Klaire later. Maghanda ka ng mga sample para makapili agad siya. Hindi ko kabisado ang gusto niya.”
1/2
Kabanata 26
+25 BONUS
Napanganga sina Klaire at si Anna sa dami ng inihandang plano ni Rage sa loob lamang ng araw na ‘yon. Habang si Baltazar ay napatikhim lang ng lalamunan at dahan–dahang tumango.
“Balt, ano ba ‘tong ginagawa ng anak mo?” tanong ni Anna. “Hindi biro ang kasal. Hindi dapat pinipilit ang anak natin na magpakasal sa kanya ang babaeng ayaw sa kanya. Ni hindi pa natin kilala ang pamilya ni Klaire!”
“Sa tingin mo ba mapipigilan ko ang anak nating ‘yan?” sagot ni Baltazar sa kanyang asawa. “Kapag may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.”
Sa gitna ng pag–uusap ng mag–asawa, bigla na lang nakaramdam si Klaire ng pananakit sa kanyang tiyan. Mabilis na namutla ang kanyang mukha habang napapangiwi sa sakit dahilan para agad niyang yakapin ang
tiyan.
Agad na nataranta si Rage.
“What’s wrong? Masakit na naman ba ang tiyan mo? Chris! Call the doctor now!”
Nag–alala rin si Anna. May malubhang sakit ba ang magiging manugang niya at ganoon na lang ang pagkataranta ni Rage?
Hindi… Sa lahat ng pagkakataon, si Anna ang pumipili ng pinakamagagandang babae para mapangasawa ng anak niya. Ayaw niyang magkaroon ng manugang na sakitin!
“Rage… may malubhang sakit ba siya?” tanong ni Anna na hindi na makatiis, dahil sa labis na pag–aalala sa kondisyon ng dalaga sa harapan.
Hindi na nakasagot si Rage dahil dumating na si Dok Alfy, habol ang hininga. Dahan–dahang inihiga ni Rage si Klaire sa sofa at agad namang sinuri ng doktor ang kondisyon nito.
“Binilinan na kita kagabi… huwag muna bigyan ng problema at stress si Miss Klaire,” napabuntong–hininga si Dok Alfy. “Mahina pa ang pagbubuntis ni Miss Klaire. Kailangan niya ng sapat na pahinga at atensyon dahil unang trimester pa lang ng pregnancy niya, Sir.”
“B–Buntis?” gulat na gulat si Anna, pati si Baltazar ay natigilan. “G–Gusto mong magpakasal sa isang babaeng buntis, Rage?” Napanganga si Anna at tinakpan sa sariling bibig.
“Of course… because Klaire is pregnant with my child. Dugo’t laman ko,” seryosong tugon ni Rage.
2/2

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)