Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 25

Kabanata 25

AAnong nangyayari? Bakit ka nandito?!pagtataas ng boses ni Klaire at saka tumayo, ang mga mata ay nanghihingi ng paliwanag.

Ang magasawang nagmamayari ng mansyon ay naupo sa harap ni Klaire. Umupo na rin siya ngunit nanatili ang matalim niyang tingin sa seryosong mga mata ng lalaking nasa harap niya.

Bawal ba akong pumunta sa bahay ng sarili kong mga magulang?casual na tanong ni Rage, at saka umupo naman sa tabi niya.

Litonglito at gulat na gulat ang mukha ni Klaire. Napayuko siya at kinagat ang ibabang labi. Bangungot ba tong sitwasyon na ito?

Bahay pala ito ni Rage? Kung gano’n, bakit niya ako dinala rito?

Saglit na tumitig si Rage kay Klaire na tila hindi pa rin makawala sa pagkabigla. Tapos ay ibinaling niya ang tingin sa mga magulang niyang ang mga mata’y halatang humihingi rin ng paliwanag.

“So, sinasabi mo bang pakakasalan mo si Klaire Villanueva?tanong ni Baltazar De Silva, ang ama ni Rage.

Yes,maikling tugon ni Rage.

Napabuntonghininga si Anna De Silva habang tinititigan ang mukha ng anak niya. Pagkatapos ay tinawag niya si Klaire na nakatitig pa rin kay Rage at hindi pa rin makapaniwala.

Klaire,tawag ni Anna.

Napakislot si Klaire at napatingin kay Anna nang walang imik. Ni hindi niya man lang narinig ang sinabi ni Baltazar tungkol sa pagpapakasal ni Rage sa kanya.

Ilang taon ka na? Mukha ka bang bata,tanong ng ginang.

TTwentyfive years old na po,sagot ni Klaire.

Napakuyom ng kamao si Baltazar at bahagyang naubo. Samantala, agad namang sumama ang tingin ni Anna sa kanilang anak.

Umupo ka rito,utos ni Anna sabay tapik sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Sumunod si Rage sa utos ng ina at naupo roon. Ilang segundo lang ang lumipas, hinatak ni Anna ang tainga ni Rage nang malakas.

Aray!sigaw ni Rage habang pilit na inaalis ang kamay ng ina sa kanyang tainga. Namula ang mukha ni Rage sa kahihiyan, lalo na’t may ibang taong nanonood. What did you just do, Ma?!(2

Ako dapat ang nagtatanong niyan! Anong ginagawa mo?! Bigla ka na lang dumating dito na may dalang babae at sinabing pakakasalan mo?! Baliw ka na ba?! Ang batabata pa niya! Hindi siya bagay sa isang matandang binatang walang pinagkalalikhan na gaya mo!singhal ni Anna.

Ano? Magpapakasal? Saka lang napagtanto ni Klaire ang tinatakbo ng usapan ni Rage at ng mga magulang nito sa harap niya.

1/3

Kabanata 25

+25 BONUS

pPasensya na posa tingin ko, mmay misundertsanding po rito,nanginginig na sabi ni Klaire na agad nilang pinansin. Kinabahan siya nang sabaysabay siyang titigan ng tatlo. DDating secretary lang po ako ni Sir Rage,dagdag niya habang nakayuko.

Mahaba ang naging buntonghininga ni Baltazar. Sobrang natuwa pa naman siya nang biglang magsabi si Rage na gusto na nitong magpakasal at may dalang babae sa bahay!

Lalo pa’t maganda si Klaire at mukhang mabait. Mas bagay pa itong maging manugang nila kaysa sa mga babaeng ipinipilit ni Anna noon sa anak.

Tungkol naman sa edad ni Klaire, hindi iyon isyu para kay Baltazar De Silva. Sa totoo lang, proud pa siya na nakabingwit si Rage ng mas batang babae. Pero nang malamang sekretarya lang pala ito ng anak niya, agad din siyang nawalan ng gana.

Ginagawa mo lang to para makaiwas sa arranged marriage mo next week, di ba? Dinamay mo pa ang sekretarya mo para lang makansela yon!naiinis na sambit ni Anna habang masama ang tingin kay Rage. 1

Napabuga ng hininga si Klaire, tila nabunutan ng tinik. Kaya pala dinala siya ni Rage sa mansyon na yon— upang takasan lamang ang arranged marriage nito sa kung sino!

Ngunit panandalian lang ang kaginhawaang iyon.

I’ve made a decision already. Pakakasalan ko ang babaeng ito. Anuman ang sabihin n’yo, ikakasal pa rin kami ni Klaire sa susunod na linggo!” mariing pahayag ni Rage na may awtoridad.

Ano pong sabi n’yo? Kayo pa mismo ang nagsabi sa akin na magresign ako sa kompanya, at sumunod naman ako. Hindi niyo na ako empleyado. Hindi n’yo puwedeng abusuhin ang sitwasyon ko. Bukod pa roon, may mapapangasawa na akong iba!1

Hindi matanggap ni Klaire na ginagamit lang siya ni Rage.

Napailing si Anna at nakatingin lamang nang masama kay Rage. Nakakahiya ka! Hindi kita tinuruan na agawin ang babaeng ikakasal na, ha! Ni hindi ka bagay sa isang babaeng ganyan kabata. Tingnan mo nga ang edad mo, Rage!

Chris!sigaw ni Rage at lumipat ng upuan para hindi na siya mapahiya pa ulit ng ina sa harap ni Klaire.

Pumasok si Chris na may bitbit na kahon. Ibinaba niya ito sa mesa at pumuwesto sa likod ng sofa kung saan nakaupo si Rage.

Ano na na naman to?tanong ni Anna na litonglito.

Ma, tulungan mo si Klaire pumili ng wedding invitation,ani Rage na tila walang pakialam sa sinabi ni Klaire at ng kanyang ina.

Napanganga si Anna habang tinitingnan ang mga sample invitations sa kahon. Nanlalaki ang mga mata niya nang tingnan si Rage.

Seryoso ka ba talaga sa pagpapakasal sa kanya? Hindi puwedeng agawin mo ang fiancée ng iba, hijoumiling si Anna, hindi makapaniwala.

Klaire won’t marry anyone, except me,mariing sagot ni Rage at humalukipkip. Yung dalawa niyang fiancé?

2/3

Kabanata 25

+25 BONUS

Parehong nakipaghiwalay sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Klaire sa narinig. Alam ni Rage na dalawa na ang muntik niyang mapangasawa? Alam din kaya nito na si Miguel na pamangkin niya, ang isa sa mga iyon? Gaano karami na ba ang alam ni Rage tungkol sa kanya? Nagsimulang ng mapuno ng tanong ang isipan niya1

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)