Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 24

Tinaas ng kaunti ni Klaire ang kanyang damit matapos masiguradong kamaganak ng kanyang ina ang mga taong nasa harapan niya. Naglagay agad ng gel si dok Alfy at sinuri ang tiyan niya.

Four weeks pregnant ka na, Miss. Habang nandito ka, ako mismo ang magmomonitor ng kalagayan mo. Kung mayroon kang anumang reklamo, makikinig ako sa iyo. Huwag mong kimkimin ang mga iyon dahil

makakaapekto ito sa pagiisop mo at siyempre malalagay sa panganib ang pagbubuntis mo,paliwanag pa ng doktor.

Maghahanda rin ako palagi ng mga masustansyang pagkain at sisiguraduhin ko na maibibigay namin ang lahat ng kakailanganin mo,sabi pa ni Alma. Maghapunan ka na, Miss.

Nang marinig ang mahinahong boses nina Alfy at Alma, bahagyang kumalma si Klaire. Ang mga taong nasa harapan niya ay walang masamang intensyon sa kanya. Pero, hindi pa rin niya alam kung nasaan siya ngayon

NNasaan ba ako?tanong niya.

Ngumiti si Alma sa kanya. Makikilala mo ang mayari ng mansyon na ito bukas ng umaga. Hindi pa sa ngayon, Miss. Kailangan naming siguraduhing maayos ka at makakausap mo ang amo namin nang hindi ka mahihimatay.

E, ang bestfriend ko? Napaligiran kami ng mga lalaking nakaitim kanina. Nandito ba si Charlie?sunodsunod niyang tanong. Nasaan ang bag ko? Kailangan kong kontakin si Charlie ngayon!

Huwag po kayong magalala, Miss. Nakauwi na naman si Miss Charlie Rivas ng ligtas. At bawal kang humawak ng cellphone ngayon. Kailangan niyo pong magpahinga ngayong gabi.magiliw na paliwanag ni Alma habang naghahanda ng pagkain para kay Klaire. 1

Para tuloy siyang may sakit dahil bawal siyang kumain gamit ang sariling mga kamay. Sibuan siya ni Alma hanggang sa maubos niya ang lahat ng pagkain. Ni hindi man lang siya pinayagan na humawak ng baso para inumin ang gatas.

Nang matapos ay umalis na si Dok Alfy sa kwarto. Samantala, sinuportahan naman ng dalawa pang katulong si Klaire papuntang sa banyo.

Kaya kong maligo magisa. Lumabas na kayo,aniya dahil hindi siya komportable nang tulungan siya maghubad ng isa sa mga kasambahay.

Pero, Miss. Mapapagalitan po kami kapag hindi ka namin pinagsilbihan.

Nang makita ang malungkot na mukha ng mga kasambahay, hinayaan na lamang ni Klaire na tulungan siya ng mga ito. Lily at Alice, iyon ang pakilala nila sa kanya.

Pinuri pa ng mga ito ang kutis niya habang hinihiluran siya sa bathtub. Mas lalo tuloy siyang naging hindi komportable dahil hindi siya sanay na paliguan ng ganoon.

Matapos ang lahat ay pinilit na siyang mahiga at matulog ng mga ito kahit na alas otso pa lang ng gabi. Pinikit na lamang niya ang mga mata hanggang sa makatulog siya nang mahimbing.

Agad na lumabas ng kwarto ang tatlong katulong. Syempre, muli nilang nilock ang pinto mula sa labas para

1/2

Kabanata 24

hindi siya makatakas.

+25 BONUS

Isang matamis na amoy ang umagos sa kanyang ilong. Iminulat ni Klaire ang kanyang mga mata, ramdam ang gaan ng kanyang katawan.

Matagal nang hindi nakatulog ng gano’n kahimbing si Klaire. Iniunat niya ang katawan at handa nang simulan ang araw habang humihikab nang kaunti. Hanggang sa namalayan niya na wala na nga pala siya sa bahay ng mga

Rivas.

Good morning, Miss,bati ng tatlong kasambahay.

Naroon na naman sila para paglingkuran siya tulad kagabi. Dumating din si Dok Alfy at siniguradong iniinom niya ang lahat ng kanyang mga prenatal vitamins. 1

Miss, sasamahan kita na makilala ang mayari ng mansyon. Kung napapagod kang maglakad, pwede akong magpakuha ng wheelchair para sa iyo,sabi ni Alma.

Hindi na kailangan!Mabilis na tumanggi si Klaire.

Ngunit sa ilang minutong paglalakad ay napagod ang mga binti niya habang nakasunod kay Alma na dinala siya sa kung saan. Gayunpaman, itinago ni Klaire ang kanyang pagod dahil ayaw niyang maupo sa wheelchair.

Nandito na po tayo. Pasok ka na.Binuksan ni Alma ang double doors sa harapan nila.

Dahandahang pumasok si Klaire sa kwarto, pero walang tao doon. Umupo siya sa malabot na sofa, ang mga mata ay abala sa pagmamasid sa bawat sulok ng silid. Hanggang sa hindi na niya namalayan na may dalawang taong pumasok.

Klaire Villanueva,tawag ng isang babae.

Napalingon si Klaire sa boses na narinig. Napakunot ang noo niya, naguguluhan.

Sino ang mga taong to? Hindi pa nakita ni Klaire ang lalaki at babae dati.

Ang pagkalito ni Klaire ay agad na napalitan ng matinding gulat nang may pumasok na na isa pang tao tao at pumuwesto sa gitna ng lalaki at babae. Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya nang makita ang pamilyar na pigura sa kanyang harapan.

Ano’ng ginagawa niya rito!? Siya? Hindi pwedeng narito siya ngayon!

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)