Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 23

Nasaan ako?bulong ni Klaire na naupo nang magkamalay.

Nagising siya sa isang malaki at magandang kama. Nilibot niya ng tingin ang paligid para malaman kung nasaan siya. Malawak at mukhang marangya ang kwarto yon. Lumapit siya sa bintana. Nasa ikatlong palapag siya ng napakalaking mansyon na may napakamalawak na hardin.

Inalala niya ang mga nangyaribigla na lamang siyang kinidnap ng mga nakaitim na lalaki. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang tiyan dahil sa matinding takot hanggang sa mawalan siya ng malay at ngayo’y nagising sa hindi pamilyar na kwartong ito.

Sino ang mga lalaking yon? Alam na ba ng Papa niya ang pagbubuntis niya at pinatapon siya sa malayo? Hindi niya kasi nakikilala ang lugar na ito.

Walang ibang bahay na makikita maliban sa kinaroroonan niya. Sa likod ng malaking gate, puro puno lang at isang sementadong kalsada ang matatanaw.

Nagmamadaling niyang tinungo ang pinto matapos pagmasdan ang paligid. Mabilis niyang pinihit ang doorknob, ngunit hindi mabuksan ang pinto dahil nakalock ito mula sa labas.

Buksan n’yo ang pinto! May tao ba diyan? Tulong!

BANG! BANG!

Hinampas niya gamit ang dalawang kamao ang pinto. Gayunpaman, walang bakas ng sinumang papalapit.

Tulong… pleasedaing niya.

Bumalik ang

sakit ng tiyan niya. Napaupo siya muli sa kama habang hinahawakan ang tiyan. Hindi siya makapag -focus dahil nasa kakaibang lugar siya at hindi niya alam kung sino ang mga kumidnap sa kanya.

Kumalma ka, Klaire. Mapapahamak ang baby mo kung magpapanic ka,bulong niya sa sarili.

Huminga siya nang malalim nang paulitulit, pero hindi siya mapanatag.

Bag! Nasaan ang bag ko?

Hinayaan niya ang sakit ng tiyan at hinanap ang bag para gamitin ang cellphone. Pero wala ito sa buong kuwarto! Binuksan niya ang malaking aparador sulok. Kailangan niya ng magagamit para makatakas.

Walang laman!

Tiningnan niya lahat ng drawer pero parang walang gamit ang kuwartong ito.

Ano na kayang nangyari kay Charlie?Naalala niya ang bestfriend niya. Muling kumalat ang pagaalala sa buong katawan niya, dahilan para tumindig ang balahibo sa kanyang batok.

CLACK!

Ang tunog ng pagsara ng pinto ay nagmula sa labas. Huminga siya nang malalim at agad na naghanap ng kahit anong magagamit para mapagtanggol ang sarili.

1/2

Kabanata 23

+25 BONUS

Ni walang magamit na panghampas! Malalaking furniture lamang ang naroon, at mga unanat bolster.

Agad niyang kinuha ang bolster at gagamitin na sana ito para tamaan ang mga lalaking dumukot sa kanya kanina. Bagama’t hindi ito makakasakit sa kanila, magagamit niya ito upang linlangin sila, pagkatapos ay tatakas siya kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Nakatayo na siya at handang harapin ang papasok, pero hindi pala iyon ang mga lalaking kumidnap sa kanya.

Magandang gabi po, Miss. Ako po si Alma, ako ang magsiserve sa inyo magmula ngayon,pagpapakilala ng babaeng nakauniporme at mas matanda sa kanya ng mga limang taon.

May kasama pa itong dalawang maid na nagtulak ng food trolley at isa pang trolley may puting takip. Sinundan sila ng lalaking nakawhite coat na ikinandado ang pinto at inilagay ang susi sa bulsa.

Nakita ni Klaire ang dalawang malalaking lalaking nagbabantay sa labas bago isara ang pinto. Nadoon na pala sila kanina pa? Bakit hindi sumagot?

Napaatras si Klaire nang lumapit sa kanya si Alma at ang tatlo pa. Itinaas niya ang isang bolster bilang panangga ng kanyang katawan.

Nang makita ang takot sa mga mata ni Klaire, matamis na ngumiti si Alma. Huwag kang matakot, Miss. Hindi ka namin sasaktan. Ibaba mo ang bolster at humiga sa kama. Ichicheck ni Dok Alfy ang lagay mo.

Nanatiling nakatayo si Klaire. Mabilis na kinuha ng doktor ang bolster sa kanyang mga kamay.

Humiga ka na, Miss. Nawalan ka ng malay kanina. Kailangan nating icheck ang lagay mo,sabi pa ng

doktor.

Nagaalangan man at natatakot, sinunod ni Klaire ang sinabi ng doktor. Agad na inalis ng doktor ang puting tela na nakatakip sa ilang medical device sa trolley.

Pwede bang iangat mo saglit ang tshirt mo? Titingnan ko lang ang pagbubuntis mo, Ms. Klaire Villanueva.Taliwas sa nakakatakot na tindig at mukha, ang boses ni dok Alfy ay malambing at magalang.

Alam niya ang pangalan ko! Hindi kayakamaganak ito ng pamilya ni Mama?(1)

Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Klaire. Nasa bahay ba siya ng kamaganak ng kanyang Mama Jasmine?

Nabalitaan ni Klaire na ang pamilya ng kanyang ina ay nagmula rin sa isang kilalang pamilya. Sa katunayan, ang yaman ng pamilya Villanueva ay halos katumbas ng yaman ng mga Limson.

Pero sa kasamaang palad, hindi siya kailanman inimbitahan ni Agatha Villanueva na bisitahin ang pamilyang ito. Hindi alam ni Klaire kung nasaan ang mga bahay ng kanyang mga kamaganak o kung ano ang hitsura ng kanilang mga mukha,

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)