Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 22

Kabanata 22

+25 BONUS

Kabanata 22

Klaire namanpilit ni Charlie nang hindi makapaghintay. Kung malalaman niya kung sino ang lalaki, plano niyang ipapalo ito nang hindi alam ni Klaire.

Rage De Silva,wika ni Klaire matapos ang mahabang katahimikan.

Kumunot ang noo ni Charlie. Huh? Ano’ng meron sa boss mo? Teka. Nagsisisi ka ba kasi umalis ka sa kumpanya niya? Tutulungan naman kitang maghanap ng ibang trabahobumulong ulit ito. Sige na, sabihin mo na kung sino yong lalaki.

Sinabi ko na, Cha.Ibinaba ni Klaire ang ulo, hindi makatingin kay Charlie.

Nanlaki ang mga mata ni Charlie at nabitawan ang kutsara nang maunawaan ang sinabi ni Klaire. Si Rage De Silva ang ama ng anak niya?

Totoo ba?!halos sumigaw ito, naninigurado. Sa isip niya, baka nalilito lang si Klaire dahil nawalan ng trabaho.

Hindi ako nagsisinungaling, Chanakasuot pa rin sa leeg niya ang kuwintas ng Mama ko, Cha,mahinang hikbi ni Klaire at nagsimulang lumuha.

Yung nawawalang kuwintas mo? Ang kapal naman ng mukha niya!napasigaw si Charlie, hinampas ang mesa at biglang tumayo.

Hinila ni Klaire ang kamay nito para maupo at kumalma. Ramdam naman ni Charlie ang lamig ng kamay at takot sa mukha ni Klaire.

Pasensya ka na, Klaire, nasigawan pa tuloy kita. Napakawalanghiya naman ng lalaking yon! Pinahirapan ka niyaat ninakaw pa ang kuwintas mo!Lumunok ito nang malalim. Tapos pinressure ka pa talaga para mag- resign? Dapat sa lalaking yan kinakasuhan, Klaire! Kung bumalik tayo doon para komprontahin ang gagong yon? Ako na ang kakausap kung ayaw mo!ngitngit ni Charlie.

Wag na,pakiusap ni Klaire. Kahit hindi planado ang bata sa tiyan ko, ayokong pilitin niya akong ipalaglag ito. Ang lalaking yonhindi niya hahayaang masira ang pangalan niya dahil sa babaeng katulad ko.

Ang paguusap ng dalawa ay malinaw na naririnig ni Rage. Akala ba ni Klaire ay papayag siyang bastabasta na lang itong umalis kahit nagresign ito?

Ang tauhan ni Rage na nakaupo sa likuran nila at may daladalang listening device ay umalis na. Tapos na ang trabaho nito nang malaman ni Rage kung bakit ayaw siyang papanagutin ni Klaire.

Mukha ba akong ganoon kasama para isipin niyang papatayin ko ang sarili kong anak?Matabang na tumawa si Rage, hindi makapaniwala sa iniisip ni Klaire. Answer me!sigaw niya.

Hindi po, sir,sagot ni Chris.

Tumayo si Rage at lumapit sa glass wall. Kita mula sa kinatatayuan niya ang cafe kung nasaan sina Klaire at

Charlie.

Nang lingunin niya ang cafe, may mga lalaking biglang pumasok sa lugar.

Nagkatinginan sina Klaire at Charlie. Inabot ng mga nakaitim na lalaki ang isang bagay sa mayari, at agad na

1/2

Kabanata 22

+25 BONUS

pinaalis ang mga customer.

Ano’ng nangyayari?Mahigpit na hawak ni Charlie ang kamay ni Klaire habang pinalalabas sila.

Hindi ko alamumalis na tayo. Saan mo pinarada ang kotse mo, Cha?

Mabilis silang pinalakad ni Charlie papunta sa pulang kotse nito. Nakaupo na si Charlie sa driver’s seat at kakabukas pa lang ni Klaire ng pinto nang may apat na lalaking biglang lumapit sa sasakyan.

BLAG!

Isang lalaki ang bigla na lamang padabog na sinara ang pinto na binuksan ni Klaire.

Ano’ng ginagawa ninyo?!sigaw ni Klaire, kinakabahan.

Si Charlie, na napagtanto na nasa panganib sila, ay mabilis na binuksan ang pinto para iligtas si Klaire. Pero isa sa mga malalaking lalaki ang humarang sa kanya kaya hindi siya makalabas.

Umalis kayo diyan!sigaw ni Charlie. Klaire, pumasok ka na!

Huli na nang buksan niya ang pinto sa dako ni Klairemay isa na namang lalaki ang humarang.

Sumama ka sa amin,wika ng isa sa mga lalaki kay Klaire.

Sino kayo? Huwag n’yo akong hawakan!

Walang takas si Klaire sa mga naglalakihang lalaki. Sila lang din ang mga tao sa malayong parking lot na iyon.

Dahil ayaw sumama ni Klaire, hinila siya ng mga ito at pinalulan sa isang kotse. Nagpumiglas si Klaire habang nakatingin sa kotse ni Charlie na napalibutan ng mga nakaitim na lalaki.

Tulong! Tulungan niyo ako! Charlie!desperadong sigaw ni Klaire.

גוגי

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)