Login via

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson) novel Chapter 21

Naaalala mo pa ba ang claw back fee na kailangan mong bayaran kapag nagresign ka?mahinahong tanong ni Rage, sinisikap na huwag pumitik upang hindi masyadong mastress si Klaire kahit sa loobloob ay nagaapoy na ang dibdib niya sa katigasan ng ulo ng babaeng ito na ayaw pa magsabi ng totoo!

Kumuha si Klaire ng isa pang papel at iniabot iyon kay Rage. Binasa ko po nang mabuti ang employment contract, sir. Kung wala pa pong isang buwan ang trabaho ko rito, puwede akong magresign nang walang claw back fee. Hindi ko lang po makukuha ang sahod, at ayos lang po ko po iyon.

Noon, masyadong magulo ang isip ni Klaire para basahin nang paulitulit ang kontrata. Naniniwala lang siya sa sinabi ni Rage tungkol sa claw back fee.

Pero nang mabasa nang maigi ang kontrata. Naisip niya na bakit kailangang magsinungaling si Rage tungkol dito?

Ano ba talaga ang gusto nito sa kanya? Sandaling nagtaka si Klaire, pero agad din niyang pinalis ang mga tanong sa isip niya.

So, hindi ka nagpakasal at handa ka pang mawalan ng trabaho nang ganito lang? You don’t care about the child you are carrying?hamon na tanong ni Rage.

Pasensya na po, sir, pero problema ko po ito. Hindi niyo na po kailangang manghimasok,mahinang sagot ni Klaire.

Binasa ni Rage ang resignation letter ni Klaire na maayos ang pagkakasulat, habang iniisip kung ano kaya ang magiging sunod na plano ng babaeng ito.

Hindi niya inaasahang hanggang sa huli ay hindi aamin si Klaire tungkol sa pagbubuntis nito sa anak nila. Ano ba ang gusto ng babaeng ito? Buong akala ba nito ay hindi siya karapatdapat maging ama?

Gusto niyang tanungin nang direkta ang babaeng ito na laging gumugulo ng isip niya. Pero mas nanaig pa rin ang pride niya.

Tiningnan ni Klaire ang relo sa pulso niya. Kung wala na po kayong ibang sasabihin, magpapaalam na po ako, sír. Salamat po sa pagbibigay sa akin ng trabaho dito sa kumpanya ninyo.

Tapos naNabunutan na ng tinik si Klaire. Hindi na niya kailangang magalala sa stress tuwing makikita si Rage sa arawaraw. Isang bagay na lang ang bumabagabag sa puso niya habang papalabas na ng opisina.

Nakatitig siya sa kuwintas na suot pa rin ni Rage. Gusto niyang agawin ito ngayon din. Pero mas lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon kung gagawin niya iyon. (1)

Pasensya na, Mama. Hindi ko nakuha ulit ang mana moBalang araw, babawiin ko ang kuwintas kay Rage,bulong niya sa sarili.

Tumayo si Klaire at umalis nang puno ng determinasyon ang mga hakbang, hindi na naghintay pa ng anumang sasabihin pa ni Rage.

Pagkalabas ni Klaire, ay isang bulong ang nasabi ni Rage. You don’t want your necklace anymore? Sige. Ibibigay ko rin naman ito sa iyomaghintay ka lang Klaire Villanuevahindi ako sumusuko sa mga bagay na dapat sa

1/2

Kabanata 21

kin.

+25 BONUS

Sa harap ng kumpanya ng De Silva Company, naghihintay si Charlie. Kinontak ito ni Klaire matapos niyang mag- resign sa trabaho at pagkatapos makausap si Rage.

Humingi rin siya ng paumanhin kay Lance dahil sa abala, pero desidido na siyang umalis sa kumpanya. Ngunit hanggang ngayon, walang reply si Lance sa text message niya. Mula pa noong nagalit ito kagabi, hindi na ito nakita sa bahay.

Ano’ng plano mo ngayon, Klaire?yakap ni Charlie sa braso ni Klaire.

Maghahanap na lang siguro ako ng regular na trabaho. Hindi ako makakapasok sa malalaking kumpanyang ngayong nabuntis ako nang walang asawa.Malalim siyang huminga. Kailangan ba ng tauhan sa hardin ni Tito Jaime?

Ano ka ba! Kahit kailangan namin, hindi ka namin papayagang magtrabaho doon. Mahirap ang trabaho sa garden, Klaire. Mabubugbog ang likod mo sa pagaani ng mga grapes buong araw. Mahirap ang mga gagawin doon.

Naglakad sila papunta sa isang cafe malapit sa kumpanya. Pagkatapos umorder, diretsong tinanong ni Charlie si

Klaire.

Sabi mo sasabihin mo kung sino ang lalaki, Klaire,bulong nito. Promise, hindi ko sasabihin kahit kanino, pati sa pamilya ko. Kaya sabihin mo na, please?

Matagal siyang natahimik. Kahit banggitin lang ang pangalan ni Rage De Silva, tila ba namamanhid na ang niya at tumitigas ang labi.

dila

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)