“H–ha? Anong sinabi ni Tito Jaime? Tatanggihan sila? Paano na ang negosyo n’yo kapag nagalit o na–offend si Chelsea De Silva?” bulong ni Klaire.
“Mali yata ang pagkakaintindi mo, Mr. Rivas. Pumunta ako rito kanina hindi para humiling o hingin ang pagsang -ayon n’yo. Pumunta ako rito para ipaalam na ikakasal kami ni Lance. At ngayon, kasama ko ang parents ko hindi para makiusap, kundi para pag–usapan ang mga plano sa kasal namin na magaganap na sa lalong madaling panahon.”
Bagamat determinado ang tinig ni Chelsea, tila musika ang kanyang boses…malumanay ngunit may lakas.
“So, you want to marry me without asking my permission first? Paano kung tumanggi ako?” hamon ni Lance.
“Lance, hindi ako sanay at ayokong tinatanggihan. Hindi mo kailangang sumang–ayon o mag–isip. Kapag mahal kita, dapat akin ka,” buong kumpiyansang tugon ni Chelsea.
“I always give everything my daughter wants. Alam mo naman siguro ang mga magiging kahihinatnan kung tatanggihan mo ang kasal na ito. Mag–isip kang mabuti bago ka magdesisyon,” dagdag naman ni Arthur De Silva.
Biglang tumayo si Tanya De Silva, asawa ni Arthur, at tumingin sa bintana.
“It would be a shame if a place as beautiful and big as this would disappear in an instant,” mahinahong bulong nito, pero naroon ang pagbabanta.
Sa gitna ng tila banayad ngunit nakakatakot na mga salita mula sa mga De Silva, nabuo ang isang desisyon sa puso ni Klaire.
“Hindi ko na pakakasalan si Lance. Sa totoo lang, nakapag–isip na ako. Hindi ko talaga kayang mahalin ang kapatid mo, Cha. Ang awkward kasi, parang kapatid na ang turing ko sa kanya…”
***
Ang desisyon ni Klaire na kanselahin ang kasal nila ni Lance ay agad tinutulan ng magkapatid na Rivas. Lalo na si Lance na halatang–halata ang pagkadismaya.
“Ayoko siyang pakasalan!” mariing pahayag ni Lance. “Siguradong may gusto silang makuha. Ilang beses ko pa lang siyang nakita, tapos ngayon sasabihin niyang mahal niya ako? At mayabang pa siya! Bakit ngayon lang? Bakit hindi noon pa, bago pa ang kasal namin ni Klaire?“.
“Lance, please calm down…” bulong ni Klaire.
Pero hindi kayang kumalma ni Lance. Umalis siya sa sala dala ang halatang galit.
Samantala, hindi na rin alam nina Jaime at Emily ang sasabihin kay Klaire kundi ang humingi ng tawad.
“Hija, kahit hindi ka namin maging manugang, itinuturing ka pa rin naming kapamilya. Patawarin mo kami, Klaire,” malungkot na sabi ni Jaime.
“Tito, hindi n’yo na po kailangang humingi ng tawad. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako dahil sobra ang pagmamalasakit ninyo sa akin,” tugon ni Klaire sabay marahangngumiti.
1/2
Kabanata 20
+25 BONUS
Ngunit agad din napawi ang ngiting iyon kinabukasan…
Kapapasok pa lang ni Klaire sa trabaho nang agad siyang pinatawag sa opisina ni Rage.
Rage De Silva… Chelsea De Silva… dalawang miyembro ng pamilyan De Silva na dalawang beses nang gumulo sa planong pagpapakasal ni Klaire. Sawang–sawa na siyang marinig ang pangalang De Silva saan man siya magpunta!
“Bakit niyo ho ako pinatawag?” tanong ni Klaire, walang emosyon.
Pinagmasdan ni Rage si Klaire na kakaiba–tahimik, hindi nakangiti, ni hindi galit kahit na sinabotahe na naman ang kasal niya. Anong iniisip ni Klaire? Hindi maipinta ni Rage ang kanyang damdamin dahil hindi niya mabasa ang emosyon ni Klaire. 1
“Read it,” utos ni Rage at ipinakita ang tablet na naglalaman ng mga komento sa website ng kanilang kumpanya.
Matapos mabasa ang ilang anonymous comments, agad na nakuha ni Klaire ang ibig sabihin ng mga iyon. Alam niyang para sa kanya ang mga paratang, kahit wala namang katotohanan ang mga ito.
‘Napakahigpit ng proseso ng pagtanggap ng aplikante sa kumpanyang ito. Bakit nila tinanggap ang isang malanding babae na palipat–lipat ng lalaki at buntis nang hindi pa ito kasal? Si Mr. Rage De Silva ba ang tumanggap sa kanya para sa pansariling kaligayahan? Hindi ba ito kawalan ng katarungan sa ibang aplikante? Dapat ba naming ialay ang katawan namin para lang matanggap dito?‘
“Sabi mo magle–leave ka ngayon para sa kasal mo. Bakit narito ka pa rin? Go home and take care of your marriage immediately. Bring a copy of your marriage certificate tomorrow morning. Hindi na lang ito tungkol sa’yo, Miss Klaire. Pati pangalan ko, nadadamay na rin dahil sa iyo.”
Marahang tinapik ni Rage ang desk niya gamit ang ballpen habang hinihintay ang tugon ni Klaire na tahimik pa rin at nakatitig sa tablet.
“Paano kung hindi ko maibigay ang marriage certificate bukas?” tanong ni Klaire sabay tingin kay Rage.
Sa isang iglap, nabighani na naman si Rage sa mala–hazel na mata ng babaeng tila humihigop sa kanyang atensyon. Ni hindi niya magawang mag–iwas ng tingin—parang may kapangyarihang bumihag ang mga mata ni Klaire at kaya siyang kunin.
“Alam mo na ang sagot. Submit your marriage certificate immediately or write your resignation letter.”
Bumuntonghininga si Klaire at saka inabot ang isang puting sobre mula sa bulsa ng kanyang blazer at inilapag iyon sa desk ni Rage.
“Pasensya na po, sir… Hindi ko maibibigay ang kopya ng marriage certificate. Kaya magre–resign na po ako sa kumpanya ngayon din.”
Kabanata 21

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)