Napaupo si Klaire sa kanyang kwarto, iniisip ang sinabi ng ama ni Charlie kanina lang.
“Gustong makipag–arranged marriage ni Chelsea De Silva kay Lance, kung hindi…‘
Bagaman hindi tinapos ni Jaime ang sasabihin, alam na ni Klaire ang ibig nitong iparating sa kanya. Si Chelsea De Silva, pamangkin ni Rage De Silva, ay may–ari ng kumpanyang halos ka–level ng kanyang tiyuhin.
Paano tatanggihan ng Pamilya Rivas ang ganoon?
Kayang pabagsakin ni Chelsea ang negosyo ng Pamilya Rivas kung hindi matutupad ang gusto nito. Kaya pala sinabihan sila ni Jaime na madaliin ang civil wedding upang marehistro agad ang kasal nila.
Pero kahit pa maipasa ang mga dokumento para marehistro ang kasal nila, kung gusto talaga ng Chelsea na ‘yon na pakasalan si Lance, marami naman itong pwedeng gawin para makuha ang gusto nito…
Ilang katok ang narinig niya sa pinto. Ilang sandali pa ay binuksan ni Charlie ang pinto ng kwarto na hindi naman talaga nakasara.
“Klaire, pwede ba tayong mag–usap?”
Tumango siya. “Pasok ka,” pilit niyang kinalma ang boses upang hindi mag–alala si Charlie.
Nakayuko si Charlie habang umuupo sa tabi ni Klaire.
“Siguro nahulaan mo na ang nangyari.” Huminga nang malalim si Charlie bago ipinagpatuloy ang gustong sabihin. “Bago pa kayo makauwi, nagpunta na dito ang mga De Silva para sa arranged marriage na gusto nilang mangyari sa pagitan ni Lance at ni Chelsea.”
Magsasalita sana siya, pero nagpatuloy si Charlie, “Pero huwag kang mag–alala, Klaire. Gumagawa ng paraan si Papa para maiwasan ang kasal… para matuloy pa rin ang plano ninyo ni Lance.”
Maiiwasan ba talaga ang kahilingan ng mga De Silva? Posible ba ‘yon?
Hindi lang basta–basta ang mga De Silva. Sila ang pinakamakapangyarihan sa bansang ito. Alam ni Klaire ang mga panganib kung igigiit ng pamilya ni Charlie ang pagtanggi sa arranged marriage. Ayaw niyang ang personal niyang problema ay maging pabigat sa pamilya ng bestfriend niya.
Hinawakan ni Klaire nang mahigpit ang magkabilang kamay ni Charlie.
“Cha, hindi na kailangang magsakripisyo ng pamilya n’yo para sa akin. Okay lang sa akin kung hindi ako pakasalan ni Lance. Seryoso ko itong sinasabi sa iyo…”
“Hindi, Klaire…” Biglang pumasok si Lance sa kwarto ni Klaire. “Ayokong pakasalan si Chelsea o kahit sino pa man! Ikaw pa rin ang gusto kong pakasalan,” determinadong wika nito.
Kitang–kita ni Klaire ang sinseridad sa mga mata ni Lance. Ngunit hindi ibig niyon ay natuwa na siya dahil doon. Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya, hudyat para kay Lance na umupo roon.
Lumapit naman si Lance, uupo pa lamang sa tabi niya ngunit dumating ang isang kasambahay.
1/2
Kabanata 19
+25 BONUS
“Sir Lance, pinapatawag po kayo ni Sir Jaime sa sala.”
“We just talked! Ano na naman ba ‘yon?” reklamo ni Lance.
“Eh… may bisita po kasi kayo.”
Sumunod na lamang si Lance sa kasambahay, habang patuloy pa rin ang reklamo dahil hindi pa niya nasasabi kay Klaire na hindi lang awa o pagtulong ang dahilan kung bakit niya gustong magpakasal–totoong gusto niya
si Klaire.
Nagkatinginan na lamang sina Klaire at Charlie. Walang ni isa ang gustong magsalita dahil alam nilang pareho kung ano ang iniisip ng isa’t isa.
Pero…
“Hindi naman siguro siya bumalik, ‘di ba? Sabi mo bumisita na siya kanina bago pa kami makauwi ni Lance,” aniya.
“Silipin natin. Tara,” sagot ni Charlie sabay hila sa kamay niya. Sabay silang bumaba upang makita kung sino ang bisitang sinasabi ng kasambahay.
Gaya ng inaasahan, muling bumisita si Chelsea De Silva. Sa mga oras na ‘yon, kasama na nito ang kanyang mga magulang. Sumilip sina Klaire at Charlie sa bahagyang nakabukas na pinto at nakinig sa kanilang pag–uusap.
Pinagmasdan ni Klaire si Chelsea mula ulo hanggang paa. Maputi at makinis ang balat nito, parang porselana. Ang hapit na dark blue na dress nito na lampas tuhod ay bumagay sa kaaya–ayang hubog ng katawan nito. Maliit ang mukha at parang isang manika, kahit pa mas matanda ito kay Klaire ng dalawang taon.
Ngunit ang paninitig ng mga mata nitong kasing–itim ng gabi ay kapareho ng kay Rage. May awra si Chelsea na determinado at mahirap tanggihan. Si Rage De Silva agad ang naisip ni Klaire nang makita niya ang mga mata ng babae.
“Ang ganda niya talaga. Pero parang ang weird at kahina–hinala ang request ni Chelsea. Kayang–kaya niyang makakuha ng kahit sinong lalaki. Pero bakit si Lance pa?” pabulong na saad ni Charlie. 1
Tama ang sinabi ng kaibigan niya. Oo, kaakit–akit at gwapo si Lance, pero hindi naman siya sobrang kapansin- pansin para maakit ang isang katulad ni Chelsea.
At sa paraan ng pagtitig ni Chelsea kay Lance? Hindi ito mukha ng isang babaeng umiibig. Galit din ang tingin ni Lance sa babae, para bang gusto na niyang paalisin agad si Chelsea sa pamamahay nila.
“Mr. Arthur De Silva, I apologize for my rudeness. Pero ikakasal na ang anak kong si Lance sa ibang babae. Kaya tatanggihan namin ang alok ninyo na arranged marriage ng ating mga anak,” mahinahon ngunit matatag na sabi ni Jaime.
Napanganga si Klaire sa narinig.

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)