Kinabukasan…
Pansin na pansin ni Rage ang ngiti ng kanyang sekretarya. Syempre, alam niya kung ano’ng nangyari kahapon.
‘Yon nga lang, hindi na niya narinig ang iba pang usapan nina Klaire at Lance sa kotse. Malamang ay nahulog o nawala na ang listening device na ikinabit niya sa bag nito–napakaliit kasi nito at halos hindi makikita kung hindi titignan nang mabuti.
*ток, ток*
“Come in,” mas malamig kaysa karaniwan ang boses ni Rage.
Medyo nag–atubiling pumasok sa loob si Klaire nang marinig ang tono ng boss niya. Lalo pa’t nang matitigan niya ito ay parang naninindak ang mga mata nitong nakatuon sa kanya.
“Sir, pwede po ba akong mag–half day ngayong araw sa trabaho?” mahinahong tanong niya.
Half day? Ano naman ang gagawin ng babaeng ‘to? Naisip ni Rage.
Biglang naalala ni Rage ang masuyong pagyakap ni Klaire sa magiging asawa nito kahapon. Humihingi ba siya ng permiso mag–half day para makipag–date sa lalaking ‘yon?
“One hour.” Ibinaba ni Rage ang tingin sa mga dokumento sa kanyang desk. “One hour lang ang break mo. You can only go out during your break time.”
Hindi pwede, sa isip ni Klaire. Kailangan niyang mag–asikaso ng mga dokumento, ng marriage license, magpa- medical at kumpletuhin ang lahat ng requirements na kailangan ng judge para sa civil wedding nila ni Lance!
“Pero, sir-” Huminga siya nang malalim para kumalma. “Hindi po ba kayo ang nagsabi na magpakasal ako agad para hindi ko mapahiya ang pangalan ninyo at ng kumpanya? Magci–civil wedding po kami ng fiance ko mamaya, Sir.”
Parang kidlat sa gitna ng araw ang sinabi ni Klaire para kay Rage. Nanlaki ang mga mata niya, at tila gusto niyang lamunin ng tingin ang babae.
“Ngayon?! Nababaliw ka na ba?!” pabulas na sigaw ni Rage na nawalan na ng kontrol. Pero agad din niyang na- realize na baka makasama ang galit niya kay Klaire at sa magiging anak nila. 1
Agad na niyuko ni Klaire ang ulo, hinahapit ang mga kamay sa nerbiyos. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit na naman ang boss niya. Hindi ba’t ito mismo ang nag–utos sa kanya na magpakasal agad?
“Follow the company procedure if you want to take a leave, Ms. Villanueva.” Halos pigilan ni Rage ang sarili sa pagbulyaw dito.
Pero mas lalong napatakot si Klaire.
“O–po, sir,” sagot nito.
1/2
Kabanata 18
“Magtrabaho ka na,” pinal na wika ni Rage matapos kumalma.
Mabilis na bumalik sa desk niya si Klaire at iniwan si Rage na naiirita.
“Don’t run, idiot… you have to take good care of my child…” bulong nito.
Napailing si Rage, hindi makapaniwala sa narinig. “You’re getting married today, huh?”
Nilabas niya ang phone at mabilis na nag–type doon.
***
+25 BONUS
Gaya ng usapan, sinundo siya ni Lance pagkatapos ng trabaho. Lumapit agad siya sa mapapangasawa habang puno ng lungkot ang mukha.
“Sorry, Lance. Hindi kasi ako pinayagan ng boss ko… Pero nakapag–file na ako ng leave bukas, maaga tayong makakapunta.”
Hinaplos ni Lance ang pisngi niya nang marahan. “Okay lang, Klaire. Nasabi mo naman na sa akin kanina. Halika, uwi na tayo.”
Sa kabilang kalsada, nakasubaybay si Rage sa loob ng luxury car niya. Nakangisi ito habang pinagmamasdan ang dalawa.
“Mag–enjoy ka muna sa kanya hanggang sa pag–uwi ko, Lance Rivas,” bulong nito.
Unang umalis ang kotse ni Rage. Samantalang sakay na si Klaire ng kotse ni Lance pauwi para sabihin sa pamilya nito na hindi natuloy ang civil wedding nila.
Pagdating sa bahay, nakita nilang naghihintay ang buong pamilya Rivas sa sala. Mukhang pagod at nag–aalala si Jaime, namumula naman ang mukha ng asawa nito, samantalang tila hindi makapagsalita si Charlie.
“Ano’ng nangyari?” kuryosong tanong ni Lance. Hindi ba’t dapat masaya sila ngayon?
Biglang tumayo si Emily at hinawakan nang mahigpit ang braso ng
“Natuloy ang civil wedding niyo ni Klaire ‘di ba?” tanong nito.
anak.
“Ah, sasabihin ko pa lang sana sa inyo. Hindi nakapag–leave si Klaire ngayon. Bukas ng umaga na kami pupunta sa city hall,” paliwanag ni Lance.
“Ano??” Biglang napaatras si Emily at muntik nang mawalan ng balanse.
Agad itong sinalo ni Jaime at pinaupo.
“Ano’ng gagawin natin, Jaime? Baka hindi na makapagpakasal sina Lance at Klaire!”

Comments
The readers' comments on the novel: My Trillionaire Boss is my Baby Daddy (Klaire Limson)